Chapter 5

27 1 0
                                    

Trixie POV;

Nabalitaan kong may outing sila Johnson bukas at 'di kami makakapunta roon.Kaya naisipan ko na lang padalhan sya ng baon na ulam at may gusto ako sabihin sa kanya kaso mukhang sa liham na lang uli sasabihin.

Nagpaalam ako kila mommy and daddy na aalis bukas ng maaga ngunit ang totoo ay madaling araw pa lang ay gising na ako dahil yun ang oras ng paggising ng mga nandoon kila Johnson.

"Dad,pwede ba ako umalis bukas?"

tanong ko sa kanya na may ginagawa ngayon sa mga papeles,lm

"o, sige"

tipid na sagot nito na parang nagmamadali saka umalis.Wala si mommy dahil nasa opisina na papunta na rin si daddy doon.

Nagpasama ako kay Mang Lando na bumili ng kasangkapan sa ulam kasama na ang mga stationary na bibilhin ko dahil sya ang driver namin.Nasa labas na ako ng gate habang nasa sasakyan na si Mang Lando ng may tao akong nakita parang tinitignan ang bahay namin.

"Sino po sila?"

panimula ko sa kanya ngunit para siyang galing sa probinsya kung umasta.

"Nandyan po ba sila Mr and Mrs Hernandez?"

tanong nya sa akin na parang may mahalagang pakay sa amin.

"Wala po manang nasa opisina pa po"

sagot ko na kinalamya nya na tingin ngunit ngumiti rin ito pagtapos.

"Balik na lang po kayo bukas"

wika ko sa kanya sabay talikod upang sumakay na sa sasakyan.Nakita ko naman sa windshield na pauwi na rin ang lakad ng matanda.

Malapit na kami sa Mercado ng parang mapansin ko sa bintana si Johnson sa bilihan ng libro kaya agad kong pinahinto ang sasakyan saka dahan dahang hinabol si Johnson.

"Johnson"

sigaw ko na kinalingon nito habang tumitingin sa mga libro.

"Ay ikaw pala yan"

sabi nya sa akin sabay ngiti.Marami sya ng tinitignan na nga libro roon.

"Ba't ka nandito?"

tanong ko sa kanya sabay turo sa bilihan ng libro.

"Ay wala tinitignan ko lang kung may bagong labas na libro"

sagot nito na sinang-ayunan ko naman.Bigla ko naalala ang alis nila bukas.

"Oo nga pala 'di ba bukas ang alis nyo?"

tanong ko sa kanya habang nahihiya baka alamin kung bakit ko natanong.

"Oo excited na nga ako eh kahit 'di ako marunong lumangoy "

sagot nito na natatawa kaya natawa na lang din ako.Nakita kong bumulong ang kapatid nya upang umuwi dahil tinatawag na sila ng mama nya.

"Ayy sige paalam na,uuwi na kami eh"

paalam niya sa akin sabay tapik sa balikat ko habang palihim na kinikilig.Bumaba na rin pala si Mang Lando dahil kaya naman na namin lakarin ang bilihan ng mga gulay.

"Sino po iyong kinausap nyo,sya ba ang pagbibigyan mo nito?"

tanong ni Mang Lando sa akin na kinangiti ko naman agad habang nakahawak sa petchay.

"Oo kuya"

sagot ko sa kanya nakasanayan ko na syang tawaging kuya dahil wala naman akong kuya kaya si Mang Lando na lang.Marami ang sakap ng Kare-kare na sinabi ng mga kasambahay at kusinera kaya nilista ko ito upang hindi ko makalimutan.

Rollercoaster LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon