Chapter 4

36 2 0
                                    

/Buwan ng Pebrero/

Pauwi na sana kami mag kaklase ng mag -aya si Tristan na kumain sa isang carinderia malapit sa kanila.Saktong may pera pa naman kami at mura raw doon kaya pumayag agad kami nila Shans kasama sila Rod.

Kumuha na kami ng mga kubyertos kinuhang ulam ng kalahati samin ay sarsa habang sabaw naman ang isa pa.Busog na busog kaming lumabas dito dahil lasang lasa ang ulam nito tsak sa susunod ay umulit pa kaming magkakaibigan kumain dito.

Naisipan naming maglakad na lang nila Joshua,Anas at Shans dahil kaya naman na lakarin na lang ito upang na rin bumaba ang aming kinain.Habang naglaglalakad kami ng hapon nila Anas naaalala pa rin namin ang tindahan ni Aling Nena na ang sasarap ng mga ulam.

Nakikita naman namin sa kabilang banda ang mga magkasintahan na magkakasama ngayong araw dahil araw pala ng mga puso ngayon.

"Kayo sa tingin nyo masarap kaya sa pakiramdam ang magmahal?"

tanong ni Shans na ikinaisip namin ng sagot.Nakikita ko namang masaya sila mama at papa sa pagmamahalan nila.

"Oo naman sabi nila iba raw ang epekto kapag nagmamahal ka"

sagot agad ni Joshua na kalmado.Ang sagot ni Joshua ay kinatuwa ko.

"May panahon siguro maayos at magulo hindi naman puro saya kapag nagmahal ka sabi nila"

sabi ni Anas sa amin na ikinatungo namin.Nagulo naman ang isip ko sa sinabi ni Anas dahil tama rin s'ya.

"Hindi raw gano'n kadali mahirap daw yan eh mukhang ayoko kapag ganyan natatakot ako baka masaktan lang ako"

sagot ko sa kanila na kinatungo nila.Lumabas sa bibig kong sagot,siguro ay wala pa kasi akong minamahal na babae.

Pagkauwi ko dala ang isang bulaklak na nabili ko sa tapat ng tindahan nila Aling Nena para mabigay ko 'yun kay mama.

"Mama magandang hapon po"

wika ko na tinatago pa sa likod ang bulaklak na Gumamela.

"O bakit ngayon ka lang anong oras na ha?at anong 'yang nasa likod mo??"

naibaba ko na agad ang bag ko noong nakatalikod pa lang sya kaya 'di nya ito nakita.

"Para sayo mama"

sabay abot ng lila na bulaklak kay mama na ikinatanggal ng sungit nya.Niyakap nya ito at inilagay sa flower base namin.

"Salamat anak"

tugon ni mama sa akin na tuwang tuwa.Nakita ko rin sa isa pag naming flower base na mayroon ng bulaklak siguro ay binigyan na rin sya ni Papa kaninang tanghali.

"Walang anuman po ma"

sagot ko sabay yakap kay mama.

/Makalipas ang isang buwan/

"Kuya"

Kakauwi ko pa lang galing eskwelahan nang tawagin ako ni Chris.Kakababa ko lang ng nag ko no'n.

"Nandyan ka pala"

sabi ko na 'di alam na nasa likod ko na pala sya kanina pa.

"Oo kuya,mataas po ba ang nakuha mong marka?"

tanong nito sabay ngiti papasok.Siguro mataas ang nakuha nito.Naaalala ko bigla ang mga inanunsyo ng guro namin ukol sa aming grado na ito'y matataas.

"Oo bakit?ikaw ba??"

balik kong tanong sa kanya na nagtatangal na kami ng polo parehas.

"syempre oo rin kuya"

sagot nito sa akin.Ang ngiti nya naman ay umaabot tenga sa tuwang nakuha.Nasa sala kami ni Chris tinutulungan namin si mama sa gawaing-bahay.

Rollercoaster LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon