HOW THEY MET

364 20 7
                                    

𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:

Binalot nang takot na nakatingin si Ken sa pinto-rinig na rinig nya ang mga nakakatakot na ungol at mga pag hampas at kuskos nang mga kamay nang naturingan na zombie.

Sobrang lalim nang pag hinga nya na ano mang oras ay hihimatayin na sya dahil sa takot na nararamdaman nya.

"Punasan mo yang dugo sa muka mo"

Nabalik ang wisyo nya at napatingin sa babae na nag ligtas nang buhay nya, inabutan sya nito nang panyo. Kinuha nya naman ito at pinunasan ang pawis at nag halong dugo na tumalsik sa muka nya.

"Nakamurie-"

"Ira nalang itawag mo saakin, hindi ka naman Japanese" ani nito, medyo na-hurt pa si Ken doon dahil Japanese enthusiast pa naman sya.

"Um, Ira. Ano nang g-gagawin natin?" Mahina nyang tanong, napatingin si Ira sakanya pati na rin sa pinto na patuloy parin ang pag kalampag.

"Tulungan mo akong itulak itong cabinet dyan sa pinto para hindi sila maka pasok bago tayo mag isip nang plano"

Napatungo naman si Ken at sinundan ang babae patungo sa cabinet. Dahil nasa tabi lang ito nang pinto hindi na talaga sila nahirapan pa. Nilapag ni Ira ang mga palad nya sa dulo nang cabinet at nilagay ang buong lakas nya doon, nagalaw nya naman nang konti ito.

Napa-buga nang hangin si Ken at tumulong nadin sa pag tulak nang cabinet hanggang sa natakpan na nito ang pinto.

Huminga nang malalim ang dalawa, hinahabol ang hininga nila. Napaupo si Ken sa sahig dahil parang hindi na sya matayo nang maayos dahil sa takot.

Nabaling ang tingin nya kay Ira nang abutan sya nito nang katana, puno nang pagtataka ang muka nya na nakatingin dito.

"H-hindi pa ako marunong-"

"Suson, wag mo nang isipin yan. Gawin mo nalang ang reflex mo, pag may sumugod sayo hampasin mo nito. Alam mo naman na sobrang talas nang katana diba. Naka dipende na ang buhay mo dito" seryoso nyang ani, napalunok naman si Ken at tinanggap ang katana.

"May cellphone ka bang dala dyan? Para malaman natin kung ano ba talaga ang nangyayari" ani ni Ira,kinuha nya naman ang cellphone nya sa bulsa at binuksan ito.

Agad syang dumiretsyo sa facebook at bumungad sakanya ang sunod sunod na mga post tungkol sa nangyayari.

"Diba ito gusto nyo!? Ayan binigay na sainyo!"

"MAMATAY NA TAYONG LAHAT!?"

"TOTOO BA TO?! ZOMBIE APOCALYPSE NA?!"

"Gamers, it's our time"

"May buhay pa ba dyan?"

"Weh? Maniwala ako na zombie apocalypse to"

"KAGAGAWAN TO NANG GOBYERNO!"

"Bawal lumabas, o Bawal lumabas"

"Bat ka natatakot sa Zombie eh wala ka namang utak"

Napa hinga nang malalim si Ken nang puro kalokohan lang ang nakita nya sa feed nya hanggang sa napatigil sya sa isang post.

Call Of The Undead [SB19 FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon