𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:
Napuno nang katahimikan ang buong kotse, mahimbing na natutulog si Yanna habang naka yakap kay Josh yung ulo nya ay nasa dibdib ni Josh. Nakasandal ang likod ni Josh sa upuan at maayos na naka lapag ang ulo nya sa tabi nang sasakyan. Si Justin naman ay parehas kay Josh naka sandal rin sa ang ulo sa tabi nang kotse at pinipilit matulog, napadilat naman sya nang maramdaman nyang may sumandal sa balikat nya. Napatingin sya dito at tumambad sakanya ang mahimbing na natutulog na Weedad, natabunan pa na ang buhok ang muka nya. Hindi nalang to pinansin ni Justin at binalik ang ulo sa pag sandal at pinikit nang mariin ang mata nya.
Si Ken naman ay hindi makatulog, nakatulala lang sya sa bintana na parang iniisip ang lahat nang nangyari sakanila.
Isipin mo, isang araw lang lahat yon.
Hindi rin natulog si Ira, nanatili syang alerto tulad ni Stell. Naka cross arms sya at hindi na pinansin si Gwen na sumandal sa balikat nya.
"Ayan, yang bahay na yan" mahina na ani ni Stell sabay turo sa bahay na may kulay asul na gate. Nakahinga naman nang maayos si Sejun at dahan dahan na tinigil ang kotse sa harap nang gate handa nang pumasok.
"Check the perimeter-" napatigil sya nang makitang tulog ang ilan sa likod at dalawa lang ang gising sa kanila.
Napatingin naman si Ken sakanya at mukang na-gets si Stell kaya agad na tumingin sa paligid. Ganoon din si Ira, talagang tinalasan nila ang mga tingin nila at nung nasiguro na nilang wala napag pasyahan na ni Stell na lumabas pero sumama si Ira sakanya for safety.
Dahan dahan na lumabas ang dalawa at nag lakad papunta sa gate, bubuksan to ni Stell para maka pasok ang kotse sa loob.
Habang abala si Stell sa pag pili nang mga susi, full alert naman si Ira sa likod nya. Mahigpit syang naka hawak dito at bawat sigundong naka tingin sa paligid.
"Gigising ko ha sila?" Tanong ni Ken sabay turo sa mga tulog na tulog, umiling naman si Sejun.
"Pabayaan mo sila, marami silang pinag daanan" ani nya habang nakatingin kay Gwen na ang sarap nang tulog. Yung ulo nya na naka sandal sa may bintana habang naka ang iba nang buhok nya na naalis sa pagkatali ay napunta sa muka nya ngunit kitang kita mo parin ang taglay nitong ganda. Ang natural na liwanag na galing sa buwan ay dumadapo sa muka nya na dumadagdag sa ganda nya, parehas na gandang natural.
Siguro sa paningin ni Sejun, yang nakikita nya ngayon sa harap nya ang tanging natirang maganda sa mundo ngayon.
Napa 'tsk' naman si Ken kay Sejun at napatingin sa sahig, ang daming basura.
Kanina kasi nung kumain sila saan saan na nila tinapon ang mga basura nila dahil sa sobrang gutom nila tapos agad ring nakatulog. Kung normal na araw pa to baka naturingan na silang baboy pero hindi may karapatan sila maging ganyan dahil sobrang grabe ang pinag daanan nang bawat isa sa kanila.
Yung isa kumakain lang nang taho tapos nag karoon na nang zombie apocalypse.
Yung dalawa nag date lang sa mall tapos nagka zombie apocalypse na. Na-trap pa sa roofdeck.
Sila yung grabe ang pinagdaanan.
Yung tatlo naman gusto lang nang good grades at maka graduate pero nauwi na sa ganito.
Kasalanan to lahat nang professor nilang hindi ma-satisfy.
Joke.
Yung isa rin sa kanila gusto lang i-fulfill ang dreams nya bilang otaku tapos muntik pang mamatay dahil nablanko ang utak nya. Na-trap pa sa isang silid at umakyat sa bintana.
BINABASA MO ANG
Call Of The Undead [SB19 FF] ✔︎
Horror《SB19 FANFICTION》 SURVIVAL SERIES #1 "We need to survive" ▪︎ZOMBIE APOCALYPSE▪︎ •Kung saang may aksidenteng nagawa na virus ang mga medical students na dahilan ng pag kalat ng isang lagim sa lungsod nila ⚠️MATURE CONTENT •SWEARING •KILLINGS •VIOL...