𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:
Napakamot lang nang ulo si Josh habang naka sandal sa balikat nya si Yanna. Lumayo sila sa may pinto nang roof deck para hindi na nila makita ang gulo.
Sampung oras na ang nakalipas...at sampung oras na silang naka tambay dito, nag aantay nang milagro.
Kanina pa nila sinasabi na may dadating daw na tulong sakanila pero mukang wala naman. Napansin din ni Josh na walang balak na sumuko ang mga nilalang na yun sa pag kalampag nang pinto, Alam nyang ano mang oras bibigay ang pinto na yun.
Kinuha nya ang cellphone nya sa bulsa nya at naka tanggap nang message sa ate nya na nasa Grandstand ang mga ito. Lahat nang survivors ay andoon-at mukang pinabayaan na sila nang gobyerno dito.
Walang mangyayari sakanila pag andito lang sila. Bumaba na rin ang araw pero hindi sya makatulog dahil sa mga nangyayari, idagdag mo pa yung ingay na ginagawa nang mga zombie sa pinto.
Napatigil sya sa isang contact sa phone nya, contact ni Stell-pinsan nya.
Desperado syang maka-alis sila ni Yanna dito sa roof deck dahil hindi ligtas dito kaya tintawagan nya ito. Inilagay nya ang cellphone nya sa tenga nya at inaantay na may sumagot nito. Napakagat sya nang labi nya at nag dadasal na sana ligtas si Stell.
"Josh?"
Nanlaki ang mga mata nya nang marinig nya ang boses nang pinsan nya.
"Stell!? Thank God, buhay ka" ani ni Josh kaya napa-angat nang ulo si Yanna at napatingin sa lalake na kasama nya.
"Josh, asan ka ngayon!? Nasa Grandstand ka rin ba tulad nang lahat?!" Pag aalala ni Stell, napabuga naman nang hangin si Josh at napatingin sa paligid. Madilim na at halos sampung oras na sila dito, kita kita nya ang mga takot nang mga tao dito sa mga muka nila at ang ay umiiyak na.
"Wala, nasa roof deck ako nang Southway mall" ani nya, narinig nya naman na napa gasp si Stell sa kabilang linya.
"Stell....tulungan mo kaming maka alis dito...o kahit si Yanna nalang please.."
"Any moment bibigay na tong pinto nang roofdeck at makaka pasok na tong mga zombie ba to? Patuloy lang sila sa pag kalampag nang pinto, madami nang padami na sila" halos wala nang pag asa na ani ni Josh, pinipigilan nya ang sarili nyang umiyak dahil ayaw nyang nakikita ni Yanna na pinang hihinaan na sya nang loob sa sitwasyon nila ngayon.
Gustong tulungan ni Stell si Josh pero mukang kailangan nya pang tanungin tong mga kasama nya dito sa kotse dahil naki-sakay lang din sila.
Binaba ni Stell ang cellphone nya pero hindi pinatay ang tawag. Huminga sya nang malalim-kailangan nyang tulungan ang pinsan nya.
"Guys"
Napatingin si Ira,Sejun at Gwen habang busy sa pag mamaneho si Justin at tulog naman si Ken.
"Y-yung pinsan ko...na-stuck sa Souhtway roof deck...um-"
"Nag tatanong ka ba kung pwede natin sya tulungan?" Tanong ni Sejun, nag tama ang mata nilang dalawa. Merong kakaiba sa mga ngiti ni Sejun na parang nag sasabi na ayos lang ang lahat.
Dahan dahan namang tumungo si Stell, agad na napatigil ang kotse at puno nang pag tataka na nakatingin si Justin kay Sejun.
Hindi sya sangayon sa plano na yan, parang suicide ang gagawin nila.
"Justin" tawag ni Gwen, napalingon si Justin sa babae at tiningnan lang sya nito. Kahit tingin lang to mukang naiintindihan ni Justin ang ibig sabihin ni Gwen.
BINABASA MO ANG
Call Of The Undead [SB19 FF] ✔︎
Horror《SB19 FANFICTION》 SURVIVAL SERIES #1 "We need to survive" ▪︎ZOMBIE APOCALYPSE▪︎ •Kung saang may aksidenteng nagawa na virus ang mga medical students na dahilan ng pag kalat ng isang lagim sa lungsod nila ⚠️MATURE CONTENT •SWEARING •KILLINGS •VIOL...