BACK TO ZERO

296 14 35
                                    

𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung naka rating sila ng ligtas dito sa Grandstand. Lahat ng pamilya dito naka stay lang sa mga tents maliban sakanila dahil nga isang Kajihara si Weedad at Stell nag stay sila sa isang room-silang lahat.

Dating changing room ng mga athletes yun kaya medyo malaki ka rin.

Nakita na rin nila ang kanya kanya nilang pamilya.

Nalaman narin ni Stell at Weedad ang totoo.

Nabuntis ni Mister Kajihara ang nanay ni Stell na katulong sa bahay nila dati, tinago lang nila ito sa public dahil nga isa yung malaking scandal sa pangalan nya.

Medyo okey naman sila dito sa Grandstand, hindi nga nila nararansan ang hirap dahil VIP ang turing sa dalawang Kajihara na kasama nila.

Sinong mag aakala na yung dalawang tao na nakita lang nila sa daan na nag mamakaawa na makisakay sa mga kotse ay yun pala ang bibigay ng ginahawa sakanila? Buti nalang at mabait sila at pinasakay nila ang mga to.

"Otousan..." ani ni Ira kaya napatingin silang lahat doon, tumambad sakanila ang isang lalake na mukang samurai. Ewan bakit ganyan outfit nyan, mukang isa sila sa mga traditional na mga Japanese.

Agad na kinabahan si Ken nung narinig nya ang salitang yun dahil alam nya ang meaning non.

Tatay ni Ira.

"Akira! Talagang nag alala ako sayo!" puno na pag aalala ng tatay nya at lumapit sa nag iisa nyang anak. Nakalimutan na ata nila na Akira pala pangalan ng babae na to.

"Buti naman at buhay ka"

Tiningnan nya pa nung mabuti ang muka nito.

"uuwi na tayo ng Japan, mas ligtas doon walang infected doon" ani ng tatay nya, natigilan naman silang lahat lalo na si Ken.

Napakurap kurap si Ken, hindi makapaniwala sa narinig nya. Napatingin din ang lahat sakanya.

"Otousan,...hindi ako pwedeng umuwi...." mahinang ani ni Ira, napakunot lang ang noo ng tatay nya.

"Bakit naman?"

Napakagat ng labi si Ira at napatingin sa paligid nya.

Ayaw nyang umuwi sa Japan, wala syang kasama doon. Wala syang kaibigan doon, wala ang survival squad doon at lalong wala si Ken doon.

"Kasi..."

Nag tama ang tingin nila ni Ken at sunod sa mga bago nyang naging kaibigan. Kitang kita mo sa mga mata nila na ayaw nilang umalis si Ira.

Nag isip ng dahilan si Ira, Alam nya na di makikinig ang tatay nya sakanya kung sabihin nya na andito mga kaibigan nya kaya di sya pwede o dahil di nya pwede iwan si Ken.

"Kasi ano? Give me a better reason kung bakit ayaw mong umuwi"

"Kasi, buntis ako"

GAGO NAKAKABUNTIS BA ANG HALIK HALIK LANG!?

Isip ni Ken.

Agad na nanlaki ang mga mata nilang lahat lalo na si Ken na wala namang alam.

"ANO!?" Sigaw ni Gwen.

"SINONG GAGO ANG BUMUNTIS SAYO HABANG NASA OUTBREAK TAYO!? NAGAWA MO PANG MAGPABUNTIS!? ASAN SYA! ISA PA SYA DITO! IKAW BA!?" Galit na sigaw ng tatay nya sabay turo ng katana kay Stell na nanahimik.

"Hala? Ako na nga tong walang partner dito naturing pa akong nangbuntis" reklamo ni Stell.

"ASAN SYA!? WAWARAKIN KO YANG KATAWAN NYA HANGGANG SA LUMABAS ANG LAMAN LOOB NYA!" Pag wawala ng tatay nya, buti nalang at nahawakan ni Ira ang tatay nya-pinipigilan ito.

Call Of The Undead [SB19 FF] ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon