𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Sejun kay Gwen na kasalukuyang naka tulala ngayon habang yung iba naman ay kumakain sa mga pagkain na dala nila. Umaga na kasi ngayon at nag iisip na sila ng susunod nilang gagawin para maka punta sa Grandstand.
Tanging tunog lang ng kumukulong heater ang maririnig sa loob ng silid na tinutulugan nila.
Nag dala kasi sila ng heater for coffee dahil nga coffee is life. Buti nalang at may kuryente pa dito.
"Naisip ko lang, what if.. wag na tayong tumuloy sa Grandstand?" Tanong ni Gwen, natigilan naman sa pagkain ang iba at puno ng pag tataka na tumingin sakanya.
Pumasok lang sa isip ni Gwen. Medyo delikado sila pag mag lalakad lang sila papunta sa Grandstand. Ayaw naman ni Gwen na mapunta sa alanganin ang buhay nila. Mas pipiliin nya nalang manatili dito kaso makipag patayan.
"Gwen, hindi rin tayo safe dito. Kailangan din tayo ng pamilya natin" mahinahon na ani ni Sejun at hinawakan ang balikat ni Gwen, ngumiti ng mapait si Gwen.
"Natatakot lang ako na mag lalakad tayo papunta sa Grandstand" bulong ni Gwen.
"Hindi tayo mag lalakad papunta sa Grandstand. Clear na ang kalsada dito at ang tanging gagawin nalang namin ay mag hanap ng sasakyan na pwede nating gamitin" ani ni Stell, tumungo naman si Josh habang may hawak na tinapay habang ang iba ay tahimik lang na umiinom ng kape.
"Sino sino kayo na mag pupunta para humanap ng sasakyan?" Tanong ni Yanna.
"Ako si Josh at Ken. Magaling to si Ken sa mga kotse-"
"Kasali ba sa pagiging architect nya ang kotse?" Tanong ni Justin, napatawa naman ng marahan si Stell.
"Hindi, marunong lang daw sya" ani ni Stell.
"Mag nanakaw ng kotse yan si Ken dati, di nyo alam?" Biro ni Josh kaya natawa naman sila kasama si Ira.
"Kalmado pa ako mga dre, antay lang kayo baka maliligo kayo ng mainit na tubig" kalmado na ani ni Ken sabay inom sa kape nya kaya agad silang natahimik. Nabalik ang atensyon ni Sejun kay Gwen.
"Tingnan mo? Magiging okey tayo. Perfect ang survival squad natin" ani ni Sejun sabay ngiti kay Gwen, hinawi nya naman yung mga buhok na napadpad sa muka ni Gwen kaya napangiti rin si Gwen ng bahagya.
Huminga ng malalim si Stell at tumayo.
"Mabuti pa at kumilos na tayo" ani ni Stell sabay pagpag sa pantalon nya. Napa busangot naman si Josh dahil kumakain pa sya pero alam nya naman bat ganyan si Stell kaya labag sa kalooban syang tumayo sabay kamot sa ulo nya.
"Ken, kasama ka" ani ni Stell habang hinahanda ang baril nya. Napa taas lang ng kilay si Ken pero sinenyasan sya ni Josh kala Gwen at Sejun kaya napatingin sya doon.
Napa kunot lang ang noo nya bago napailing at tumayo.
"Mag ingat kayo" puno ng pag aalala na ani ni Weedad sa tatlo.
"Wala bang good bye kiss sa mga girlfriend dyan?" Biro ni Justin, agad na umiwas ng tingin si Yanna habang walang pake si Ira.
Napatingin si Josh at Ken sa dalawa bago nag tinginan.
"Kiss daw, Josh" asar ni Ken, ngumiti lang ng peke si Josh sakanya. Alam nya namang di gagawin ni Yanna yon kasi di pa sanay si Yanna sa mga ganyanan.
Hindi na sya umasa kaya umirap lang sya at nilagyan ng mga bala ang baril nya. Napansin naman ni Yanna ang mga tingin sakanya kaya napatingin sya sa kanila, bigla syang namula dahil alam nya ang mga tingin na yan.
BINABASA MO ANG
Call Of The Undead [SB19 FF] ✔︎
Horror《SB19 FANFICTION》 SURVIVAL SERIES #1 "We need to survive" ▪︎ZOMBIE APOCALYPSE▪︎ •Kung saang may aksidenteng nagawa na virus ang mga medical students na dahilan ng pag kalat ng isang lagim sa lungsod nila ⚠️MATURE CONTENT •SWEARING •KILLINGS •VIOL...