𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:
"M-mommy" mahinang hikbi ni Weedad habang naka dikit ang dalawang palad sa bintana ng Humvee—pinipilit tingnan ang mansion na ngayon ay napuno na ng mga nakakatakot na ungol at mga nag lalakad na mga buhay ngunit patay ang utak.
Puno ng simpatya na nakatingin sina Yanna sa kaibigan nilang iyak ng iyak parin habang si Justin ay nasa tabi nalang at halos di makatingin sa babae.
Napalunok ng Stell at pinunasan ang luha nyang pumapatak sa mga mata nya. Paano ba naman, saka nya lang nalaman na tatay nya si Mister Kajihara at sa ganoon paraan pa?
Ngayon nya lang naintindihan ang lahat, kung bakit sya naging butler sa bahay na yon at kung bakit yung trato sakanya ibang iba sa normal na tagapagsilbi. Pati na rin yung fact na kasama sya sa family portrait ng mga Kajihara.
"W-wala n-na akong pamilya.." rinig nyang bulong ni Weedad, doon na alerto si Stell at napalingon sa babae.
Nasasaktan sya pag nakikita nya si Weedad na umiiyak.
"Milady...."
Napalingon si Weedad sakanya at sa oras na nag tama ang mga mata nila doon na lumabas ang napakaraming luha sa kanya.
"S-stelllllllll" malakas na iyak ni Weedad, itinaas nya ang binti nya at niyakap ito sabay iyak. Napakagat lang ng labi si Gwen habang nakatingin sakanya, hindi nya alam ang gagawin nya.
"Gwen, pwede exchange tayo?" Tanong ni Stell, tumungo naman si Gwen at lumipat ng upuan. Magkatabi na si Stell at Weedad ngayon kaya agad nyang niyakap ang babae at hinayaan itong umiyak sa dibdib nya.
"Shhhh, ayos lang sila" pag tatahan nya dito pero mukang mas lalo lang umiyak si Weedad at napa hawak ng mahigpit sa damit ni Stell. Huminga ng malalim si Stell at pinipigilan ang sarili nya na umiyak.
"Wa-wala ng natira s-saakin!" Iyak ni Weedad, napalunok si Stell.
"Hindi totoo yan...." bulong ni Stell at hinimas ang likod ni Weedad.
"Weedad, andito pa ako..."
Sa oras na lumabas yun sa bibig ni Stell medyo natigilan si Weedad sa pag iyak. Dahil sa buong talang buhay nya ngayon nya lang narinig na tinawag ni Stell ang pangalan nya.
"H-hindi Stell, p-pamilya..." ani nya, humigpit naman ang pag yakap ni Stell kay Weedad at dinukduk ang muka sa balikat ng babae.
"Pamilya mo ako..." bulong nya, pero mukang hindi parin naintindihan ni Weedad at umiling.
"T-totoong pamilya"
"Totoong pamilya mo naman ako..." bulong nanaman ni Stell kaya doon na napakunot ng noo si Weedad. Bumitaw sa yakap si Stell at hinawakan ang magkabilang balikat ni Weedad sabay tingin sa mga mata nito.
Nag tama ang dalawang kilay ni Weedad at puno ng pag tataka na nakatingin kay Stell. Pinunasan ni Stell ang mga luha ng kapatid nya at ngumiti ng marahan.
"Weedad, pwede ba yun nalang itawag ko sayo? Hindi na Milady?" Ani ni Stell, napakagat ng labi si Weedad at napatungo.
Hindi pa handa si Stell na sabihin na magkapatid sila ni Weedad. Kailangan nyang bigyan ng pahinga ang utak nito.
Umayos naman ng upo si Justin, nasa may bintana kasi at katabi nya si Ken na kandong kandong si Ira na kanina nya pa pinagtataka pero di nya nalang pinansin dahil wala naring lugar.
"Weedad, I'm sorry" ani ni Justin kaya napatingin si Weedad sa lalake na hindi lang naman magawang tumingin sakanya. Napabitaw si Stell sa pagkahawak kay Weedad at napatingin din kay Justin.
BINABASA MO ANG
Call Of The Undead [SB19 FF] ✔︎
Horror《SB19 FANFICTION》 SURVIVAL SERIES #1 "We need to survive" ▪︎ZOMBIE APOCALYPSE▪︎ •Kung saang may aksidenteng nagawa na virus ang mga medical students na dahilan ng pag kalat ng isang lagim sa lungsod nila ⚠️MATURE CONTENT •SWEARING •KILLINGS •VIOL...