𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:
"Jah, gising"
Napadilat ng mata si Justin-unang bimungad sakanya ay ang muka ni Josh kaya medyo nagulat pa sya sunod nya namang ginawa ay umupo ng maayos at napatingin sa paligid nya. Kurap kurap pa sya ng mata nya.
Walong oras na silang nag bya-byahe, may nakasalubong narin silang mga infected pero hindi pa ganoon ka-rami kaya kaya pa nila.
Nag tama ang dalawang kilay ni Justin habang nakatingin sa paligid, naka-kalahati na sila papunta sa sentro at dumidilim na rin.
Oo, di masyado nakakakita ang mga infected sa dilim pero mahihirapan rin sila lumaban kaya wala silang magawa ngayon.
Mahina lang ang takbo ng Humvee, ayaw nilang maka kuha ng atensyon.
Purong negatibo na enerhiya ang nakikita ni Justin sa labas, parang nang halong takot, lungkot, pighati at lagim.
"Kailangan natin mag palipas ng gabi dito, hindi ligtas para saatin ang mag patuloy pa" ani ni Stell sabay tingin sa paligid.
Naramdam ni Gwen ang lamig ng gabi dahil naka bukas ang taas kung saan ang machine gun kaya napayakap sya sa sarili nya sabay tingin sa paligid.
Abala naman si Yanna sa pag kuha ng mga naiwan nilang mga kumot dito sa Humvee at mga pagkain.
"Anong pagkain ang meron dyan, Yanna?" Tanong ni Sejun sabay lingon sakanila. Napatingin naman si Yanna sa pag ng mga pagkain.
"Cup noodles, biscuits, chips at mga drinks" ani nya.
"May heater tayo diba? Gusto ko ng cup noodles" ani ni Josh sabay kuha ng mga cup noodles.
"May heater tayo dito pwede naman to isaksak sa humvee" ani ni Stell, nilabas naman ni Yanna ang heater.
Nilagyan nila ito ng sapat na tubig saka nag antay para uminit. Tahimik lang silang nakatingin sa paligid. Kumakain na ng mga biscuit si Josh at Justin habang si Gwen ay naka balot na sa kumot.
"Wag lang tayo gumawa ng ingay at wag natin buksan ang ilaw ng Humvee para di tayo maka kuha ng atensyon" ani ni Sejun, pinatay naman ni Stell ang ilaw kaya medyo madilim sa loob. Buti nalang at maliwanag at bilog na bilog ang buwan ngayon, yun ang naging liwanag nila.
"Ganoon? Parang di naman makatao yun!" Inis na ani ni Mrs. Kajihara, tumungo-tungo si Weedad.
"Hun, wala na tayong magagawa. Andoon na sila Stell, ipagdasal nalang natin ang kaligtasan nila" malumanay na ani ni Mr. Kajihara.
Paano nga ba sila naka ligtas?
Nag tungo sila sa last floor ng mansion at doon nag antay hanggang sa makarating ang chopper nila.
Andito sila sa maliit na canteen ng mga sundalo, nag hahapunan kasama sila Ken at Ira.
Walang gana na tinusok ni Ira ang pagkain sa harap nya kaya napairap si Ken.
"Nag aalala ka masyado para sakanila eh, relax mo utak mo" ani ni Ken, tumingin lang sakanya si Ira.
Kanina pa talaga sya nag aalala, nawala lang sadlit sa utak nya dahil sa mga ginagawa ni Ken pero ngayon bumalik nanaman.
"Nag aalala lang ako, masyado kasing delikado" bulong nya.
"Delikado pag lahat tayo tulog. So switch-switch tayo, matutulog na ang girls kasama si Justin. Maiiwan kami Sejun, Josh at ako sa pag bantay" ani ni Stell, nag tama lang ang dalawang kilay ni Justin. Pakiramdam nya kasi tinuturing syang babae dahil bakit kasama sya matulog? babae ba sya?
BINABASA MO ANG
Call Of The Undead [SB19 FF] ✔︎
Horror《SB19 FANFICTION》 SURVIVAL SERIES #1 "We need to survive" ▪︎ZOMBIE APOCALYPSE▪︎ •Kung saang may aksidenteng nagawa na virus ang mga medical students na dahilan ng pag kalat ng isang lagim sa lungsod nila ⚠️MATURE CONTENT •SWEARING •KILLINGS •VIOL...