Sine Amethyst
Days, weeks and months had passed at ngayon ay four months na ang tyan ko.
Pero kahit apat na buwan na ang tyan ko ay di pa rin ganon kahalata ang baby bump ko.
Noong una nga nag-alala ako pero sabi ni doktora ay sadyang maliit lang ako magbuntis.
“Ma'am may delivery daw po para sa inyo” Narinig kong tawag sakin ni Maya, isa sa mga maid namin.
Naglakad ako papunta sa pinto kung nasaan sya. Yup! Lakad kasi di na ako nakabed rest.
“Ma'am delivery po para kay Ms. Sine Amethyst Stone”Sabi ng delivery boy. Wait, Stone? Sino kaya ang nagpadala dito sa delivery boy at parang di alam na kasal na ko?
“Ako po yon kuya” Pinapirma naman ako ng delivery boy. Sign na nareceive ko ang kung anumang pinadeliver sa kanila.
Umupo ako sa couch at pinatong sa center table yung delivery.
Tinanggal ko muna yung packaging at bumungad sakin ang isang envelope.
Ano naman kaya ang laman ng envelope na to?
Bubuksan ko na sana pero nakita kong may letter na nakaattached sa envelope.
I told you he's mine. Enjoy my gift!
Ang weird naman nitong nagpadala nato!
Anong he's mine?
Kinuha ko ang parang mga papel na nasa loob ng envelope.
Hindi pala Ito bastang mga papel lang.
They are pictures of Ken....
With Michelle.
Nagkalat ang mga litrato dito sa living room. Sa nanginginig na mga kamay ay pinulot ko iyon.
Calm yourself down Sine Amethyst, paalala ko sa sarili ko.
I know di yan magagawa ng manok ko. Hindi ako lolokohin ni Ken!
Iniisip ko kung bakit may ganitong dumating sakin hanggang maaalala ko yung letter.
I told you he's mine. Enjoy my gift!
He's mine? Tinutukoy ba nito si Ken?
D*mn malakas ang kutob ko na si Madrigal ang may pakana nito.
Well, sorry nalang sa kanya dahil alam kong di ako lolokohin ng asawa ko.
Nililigpit ko ang mga litrato nang biglang may yumakap sakin mula sa likod. “I'm home babe. Kumusta kayo ni ba—” Hindi nya natapos ang dapat na sasabihin nya dahil napadako ang mga mata nya sa mga litratong hawak ko.
“Babe I'm not cheating. I swear those pictures were taken nung kami pa ni Michelle. I'm not doing anything behind your back. Don't ever think of leaving me. Babe di ko k—” Di ko sya pinatapos magsalita. I kissed him to shut him up.
Tumigil nga sya sa pagsasalita.
Oh! I think it's the best way to shut him up.
“Don't worry babe, I trust you. Sabi mo nga diba matagal na to. Malakas naman ang loob ko na hindi mo ako lolokohin” Para naman syang nakahinga ng maluwag.
“Thank you for trusting me, babe” At tulad ng lagi nyang ginagawa, isinubsob nanaman nya ang muka nya sa leeg ko.
It's his favorite spot,I think?
“Babe pwedeng magtanong?” Nagsalita ako habang yakap nya parin ako at habang nakasubsob pa rin sya sa leeg ko. “Babe nagtatanong ka na” Napairap nalang ako.
“Isa pang ganan na sagot sakin Ken, makikita mo ang hinahanap mo” Seryoso ang pagkakasabi ko.
“I'm sorry. Ano nga pala yung itatanong mo?” Isang ngiti ang isinukli ko sa tanong nya.
“Saan yung address ng ex mong di maka move on sayo?”
——&——&——&——&——&——
A/N: Yare na si Michelle. HAHAHAHAHAHA
Btw, ingat guys. Stay safe!
BINABASA MO ANG
Want You Back | FIN
FanfictionIsang paghanga. Simpleng paghanga na hindi ko alam na maaari palang humantong sa puntong mamahalin ko na sya! "I love you so much Ken, that's why I'm willing to do everything for your happiness. If you wish for me to distance myself from you, I'll d...