A/N: Hi guys! We are now rank 2 in tagalog fan fiction. Thank you for supporting this story. Enjoy reading!Sine Amethyst
It's been a month since my last encounter with Michelle.
Naaalala ko pa nga ang panenermon sakin ni Ken noong nalaman nyang pinuntahan ko ang ex nya
“Babe why did you do that? Bakit ka sumugod sa bahay ni Michelle?!” Yan agad ang tanong nya sakin noon.
“Bakit? Magagalit ka sakin kasi sinugod ko yung ex mo? Kasi pinamuka ko sa kanya na kahit kailan ay hindi na magiging kayo? Magkalinawan nga tayo Ken, mahal mo pa ba yang si Madrigal?” Kasi bakit sya magagalit ng ganan?
Sabi nga diba, lahat ng bagay ay may kalakip na rason.
So I am wondering, what's his reason?
Nakita ko ang paghinga nya na para bang kinakalma ang sarili.
“Yes I am mad! Pero hindi dahil sa sinampal mo sya ng katotohanan. Galit ako dahil pinuntahan mo sya. Babe, may I remind you that you're pregnant?! Paano kung may masamang ginawa sayo si Michelle? Paano ka? Paano si baby? Kung may masamang nangyari sa inyo, paano ako?” Sa mga sinabi ni Ken ay parang nagising ako sa katotohanan.
He got a point. Paano nga naman...
“Let's go babe!” I am now five months pregnant at ngayon ay pupunta kami sa ob para sa check-up ko.
Ngayon din ang araw na malalaman na namin ang gender ni baby kaya napaka excited ng manok na to
Kahit anong gawin nya ay di nya maikukubli ang sayang nakikita ko sa mga mata nya.
“Good morning Mr. and Mrs. Suson. Are you ready to know the gender of your baby?” Ken nodded at my ob-gyne
“Looks like daddy is excited" Inasar pa ni doktora si Ken. Kaya naman itong manok na to, ayon at nagsumiksik sa leeg ko.
Kita ko rin ang pamumula ng magkabila nyang tainga, indikasyon na nahihiya sya.
Ilang sandali pa ay lumipat kami ng kwarto kung nasaan ang medical equipments ni doktora.
“Lay down on the bed Mrs. Suson” Inalalayan naman ako ni Ken sa paghiga.
Bahagyang itinaas ni doktora ang damit ko para mabungaran ang tyan ko. Lalagyan na sana nya ng gel ang tyan ko pero pinigil yon ni Ken.
“Are you sure that it won't harm our baby? I mean, that's a chemical baka may side effect sa baby namin” Nahihiya ko namang hinampas si Ken sa braso.
“Ken, doktor yang kausap mo! She knows what's the best for our baby” Shemay naman tong manok na to oh! Pati ba naman doktor, hindi palalampasin nitong si Ken?!
Napapatawa namang napailing si doktora.
“Don't worry Sir, I assure you that this gel is 100% safe” Tumango lang si Ken at hinayaan si doktorang lagyan ng gel ang aking tiyan.
Later on, we found out that it's a boy. Napatingin ako kay Ken matapos sabihin ni doktora na lalaki ang baby namin.
“Hey, why are you crying?” Pagtingin ko kasi sa kanya ay nakita kong may mga luhang pumapatak mula sa mga mata nya.
At tulad ng lagi nyang ginagawa, nagsumiksik lang uli sya sa leeg ko “Thank you. Thank you so much babe” Paulit-ulit nya yang sinasabi sa loob ng isang minuto.
He's so happy that our first born will be a boy.
“I'll just leave the two of you here. Just to in my office so I can tell more information” Umalis na si doktora para bigyan kami ng privacy ni Ken.
Dahan-dahan naman akong ibinangon ni Ken at inalalayan nya rin ako papunta sa opisina ni doktora
“Sir, Ma'am, the baby's condition is good. And Sine, you must stay hydrated, don't lift heavy objects and stay away from harmful chemicals. You can also walk as your exercise. I also advise you to wear breathable clothes” Habang sinasabi yon ni doktora ay seryoso lamang na nakikinig si Ken.
Lalabas na sana kami nang pigilin kami ni doktora. “Oh I forgot to say something. Baby's movements can be felt slightly by this time. There's a possibility that you can mistook it as a gas in stomach, but actually it's the baby moving inside your womb. At this point, the baby is learning to recognize your voice and can hear better than before that's why it's advisable to talk, sing and read to your baby. This time, the baby's development is rapid so mommy, you might feel extra hungry” Tapos nang magsalita si doktora pero itong si Ken parang nabato sa kinatatayuan nya.
“Pwede akong makipag-usap sa anak ko? Mararamdaman ko na yung paggalaw nya?” Naaaliw lang na napatango si doktora sa mga tanong ni Ken. Para kasi itong bata na may bagong natuklasan na kahangahangang bagay.
Bigla itong lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang tyan ko.
“Hi baby, this is daddy. Wag mong papahirapan si mommy ha” Para ngang nakikinig yon ni baby dahil nagparamdam ito ng mumunting sipa
Oh gosh, our baby just kicked!
Alam kong naramdaman din yon ni Ken dahil kitang kita ko ang pagkamangha at galak sa kanyang mga mata.
Ilang sandali pa ay tumayo na rin Ito.
“Let's go, we'll buy baby stuffs and we'll change your wardrobe. You need new clothes dahil palaki na ng palaki si baby” Labis naman ang tuwang nararamdaman ko dahil ngayon palang, alam kong mahal na mahal na nya ang magiging anak namin.
He is really a husband material that's why I can't help myself but to love him even more.
BINABASA MO ANG
Want You Back | FIN
FanfictionIsang paghanga. Simpleng paghanga na hindi ko alam na maaari palang humantong sa puntong mamahalin ko na sya! "I love you so much Ken, that's why I'm willing to do everything for your happiness. If you wish for me to distance myself from you, I'll d...