Ken
We had a mall show today kaya medyo ginabi ako ng uwi. Pagtingin ko sa orasan ay passed 9 na pala.
Siguro tulog na ang mag-ina ko.
Pagpasok ko sa bahay ay sumalubong sakin ang katahimikan. Doon ko naman nakumpirma na tulog na nga siguro ang mga kasama ko sa bahay.
Didiretso na sana ako sa pag-akyat sa hagdan nang may marinig akong kaluskos sa living room.
Nagtungo ako sa living room at nakita ko ang asawa kong mahihimbing sa tulog habang nakasandal sa sofa. Pagod siguro...
Pagtingin ko sa carpeted na sahig ay nakita ko ang anak namin
Everyone, meet Keith Felix S. Suson, our first born.
Parang naramdaman nito ang presensya ko dahil bumaling Ito sa akin.
“D—Dada” Utal pa itong magsalita. Iniamba nito ang kanyang mga kamay na parang nagpapabuhat.
Nilapitan ko ito at tsaka kinarga. “Hi baby, did you miss your daddy” Parang batang pagkausap ko dito.
Hindi naman ito sumagot at sa halip ay humagikhik lamang. Ang pagod na nararamdaman ko kanina ay parang napawi.
My family is a breath of fresh air for me.
Tumabi ako kay Sine at tsaka ko sya marahang tinapik sa pisngi.
“Hey babe, wake up” Dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata. “Kumain ka na ba?” Tumango lang ako at ngumiti. Napaka maaalalahanin talaga nitong asawa ko.
Halatang antok na antok pa sya kaya ako na ang nagbuhat kay Keith habang inaalalayan ko naman sya sa bewang.
Pagdating namin sa kwarto ay humiga agad sya sa kama. Ako naman ay inilagay sa isang malaking crib si Keith. Isang taon palang kasi ito kaya hindi pa pwedeng ibukod ng kwarto.
Dumiretso ako sa banyo para makapaglinis ng katawan at para magpalit na rin
Tumabi ako sa asawa ko at hinalikan ko ang kanyang noo. “Good night, I love you" Ganito na ang parang naging routine ko.
Sa katunayan nga ay hindi ako nakakatulog pag di ko yon nagagawa sa kanya.
Niyakap ko sya at ilang sandali pa ay nakatulog na rin ako.
Mahimbing pa rin ang tulog ko pero hindi ko nakapa si Sine. Idinilat ko ang mga mata ko pero wala ito sa tabi ko
“Babe?” Nakarinig ako ng ingay mula sa banyo kaya doon ako dumiretso.
“Sh!t! Babe! Are you okay? ” Kabang kaba ako habang dinadaluhan sya. Sino ba ang hindi kakabahan kung makikita mo yung asawa mo na nagsusuka at hinang hina?
Inabutan ko sya ng tubig na pammumog. I flashed the toilet at tsaka ko iniupo si Sine sa marble na lababo. Syempre doon ko sya iniupo sa tabi, hindi sa pinakang lababo.
I brushed her teeth. Alam ko kasing hinang hina sya para gawin yon.
Matapos yon ay yumakap lang sya sakin. Isiniksik nya ang kanyang muka sa aking leeg tulad ng lagi kong ginagawa sa kanya.
I carried her then I put her down on our bed. Nagulat naman ako ng bigla itong tumayo “Babe you're not yet okay. Rest for awhile first” Di naman ako inintindi kaya no choice ako kundi alalayan sya.
May isang kahon at isang sobre syang kinuha ang isang cabinet namin. Iniabot nya ito sakin bago bumulong. “Buhat" Napangiti nalang uli ako. Gustong-gusto ko talaga pag ganito sya, pag naglalambing. Siguro yung iba ayaw ng clingy. Pero pag si Sine ang ganon sakin ay gustong-gusto ko.
Muli ko syang binuhat papunta sa kama bago buksan ang ibinigay nya.
Inuna ko ang envelope. May laman itong larawan na black and white. Di ko nga maintindihan kung ano to pero pamilyar. Para bang nakita ko na...
Isinunod ko ang isang parihabang kahon. At nang mabuksan ko ito ay tsaka ko lang napagtanto ang larawan na laman ng sobre.
“I—is t—this t—rue?” D*mn I'm stuttering but the hell I care! Nervousness, excitement and happiness run through my veins.
Hinihintay ko ang sagot nito.
Maya-maya pa ay sunod-sunod itong tumango. “Yes. You'll gonna be a father again!” With the overflowing happiness, I crashed my lips to hers.
D*mn she's pregnant! My wife is pregnant for the second time around!
—————————-——————
A/N: Hi guys! So ito na, epilogue na. Magpopost pa naman ako ng special chapters, di ko lang alam kung kailan.
Gusto ko na rin kasing tapusin yung tatlo pa.
Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa. Paalab! Alab you all!:-)
If y'all have some questions, you are free to ask me. I'll try to answer it
BINABASA MO ANG
Want You Back | FIN
FanfictionIsang paghanga. Simpleng paghanga na hindi ko alam na maaari palang humantong sa puntong mamahalin ko na sya! "I love you so much Ken, that's why I'm willing to do everything for your happiness. If you wish for me to distance myself from you, I'll d...