Chapter one

1.7K 55 7
                                    

Author's POV

Magandang umaga, tanghali, hapon, at gabi. Itong istoryang ito ay para sa mga humahanga sa Esbinayntin. Ginawa ko 'to para ma-feel niyo kung anong nararamdaman ng isang fan sa tuwing may events siyang napupuntahan. Oooops, hindi lang yon, para mafeel niyo rin kung paano hanap hanapin ng bias. Umpisahan na natin sa simula.

Karyll's POV

(Time kung saan ang first fansigning event ng SB19. Konti pa lang fan nila rito)

Maaga akong nagising upang maghanda na papunta sa event kung saan ang unang fansigning event ng SB19. Alauna pa lang ng madaling araw ay nakaready na ako kahit alasdiyes pa ng umaga magbubukas ang mall kung saan ito gaganapin.

Paglabas ko ng apartment ay nandoon na agad ang sundo ko at maghahatid saakin sa mall.

"Ang tagal naman, mahaba pa byahe natin. Tatlong oras pa ang byahe" reklamo ng kaibigan kong si Bash. And yes tatlong oras ang byahe papunta sa mall kung saan ang kauna-unahan nilang fansigning. Ito rin ang kauna-unahang makikita ko sila. Well bago palang naman ako sa fandom nila at kakaumpisa pa lang rin naman ng SB19.

Habang nasa byahe kami ay inaayos ko na yung mga freebies na hinanda ko para sa mga co-fans ko din na pupunta. (Wala pang A'tin days dito, Aurum pa)

Pagkarating namin sa mismong mall ay agad kaming bumaba ng sasakyan, pumasok na agad kami sa mall at nakita naming sobrang lapit ng upuan sa stage. Wait, yung Aurum hart ko.

Makikita ko na sila. Napalingon ako sa paligid at masasabi kong kaunti palang ang tao at feeling ko ay mukhang konti lang rin ang pupunta sa fansigning event. Medyo nalungkot naman ako.

Dumating ang alasdiyes ng umaga at nasa 80 na kami rito, napamigay ko na rin ang mga freebies na meron ako.

"Ate, Karyll, ikaw ang kauna-unahan kong nakilalang fan nila" sabi ng isang fan din katulad ko.

"Aaaaaw, thank you po. Marami ka pang makikilala lalo na kapag rumami na tayo" nakangiti kong sabi sa kaniya.

Nag-umpisa na nga ang event at finally nakita ko na ulit silang lima. Ang pinaka gusto ko talaga sa kanila ay si Bias. Gusto kong tumili pero nahihiya ako at hindi ko alam kung bakit.

Napatili ako ng nagperform sila ng iKon medley. Jusko naman si Josh eh. Napatingin sa gawi ko si Josh dahil nasa harap lang kami. Ngumiti siya saakin kaya kinilig talaga ako ng bongga. Duuuuh si Josh yon.

Next na pinerform nila ang tilaluha at napahanga ulit nila ako. Araw-araw ata humahanga ako sa kanila. Haaaaays. Nilabas ko yung phone ko at pinicturan sila pero takteng yan may flash po. Napatingin tuloy si Stell saakin, kumaway ako at kumaway rin siya. Halaaaa, ang gwapo.

Pagtapos nilang magperform ay fansigning na. Natapos din naman agad ang fansigning dahil nasa 80 fans ang pumunta.

"Maraming salamat po sainyong mga pumunta" sabi ni Stell.

"Salamat din dahil nandito kayo ngayon kahit may mga lakad pa yung iba sainyo" sabi ni Sejun.

"Wag kayong mag-alala dahil susuklian din namin ang pagmamahal niyo saamin" sabi ni Josh.

"Mahal ko po kayo" sabi naman ni Jah. Si Ken? Taga tango lang sa gedli. Hahahaha. Chaaaar.

Haaaaaays. Kapag nakilala talaga sila sobrang saya ko na dahil isa ako sa mga fans nila na nandito mula sa simula.

After 2months
(Go Up era)

"The first ever Filipino boy group who entered Billboard, let's all welcome, SB19" napalingon agad ako sa TV ng apartment ko at pinanood sila. Grabe ang laki na ng fandom namin. I never expectes this to happen.

"KARYLL!" napatingin agad ako sa pinto ng kwarto ko kung saan lumabas si Bash at may pinapakita saakin sa cellphone niya.

"Ano yon?" tanong ko.

"Nareplyan ako ni Susooooooon" pinakita niya saakin yung reply ni Ken. Hanep may menpa pala. Mabilis kong kinuha yung phone ko at dumiretso sa Twitter.

Nag-tweet ako sa kaniya ng 'Suson, mahal kita' isang minuto palang ang nakakalipas ay may reply na agad si Ken saakin.

'Hi, Langga, mahal din kita'

"Kyaaaaaah, Baaaash, napansin din ako" pinakita ko sa kaniya yung reply ni Ken.

"Bakit ganon? Isang beses ka palang nagtweet nareplyan ka kaagad, siguro stalker mo yang si Ken. Hmmmp" sabi niya.

"Sira, hindi no tsaka palagi naman nila akong narereplyan eh"

"Ayon na nga eh, halos lahat ng menpa simula nung nagsisimula palang sila palagi ka na nilang napapansin. Hindi ka ba nagtataka?" sabi niya sabay upo sa tabi ko.

"Hindi, ano ba yan? Kung ano ano iniisip mo" sabi ko sakaniya. Sabog na naman notif ko. Yung ibang fans kilala na rin nila ako lalo na at matagal na akong fan ng boys. Present din ako sa lahat ng events nila.

"Ay ghorl tuloy tayo bukas sa Davao, nagbooked na ako ng flight natin" sabi niya. Tumango na lang ako.

Secretly Chasing A Fan (SB19 Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon