KARYLL'S POV
Sumabay na rin ako sa pagkain ng lunch sa SB19. Infairness ang tahimik nila kapag nakain. Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay nakita ko yung grupo nila Kevin.
“Kev” tawag ko sabay kaway sa kaniya. Ngumiti naman siya saakin at kumaway din. Napansin kong nakatingin saakin yung lima, yung iba napahinto sa pagsubo ng kutsara. “Bakit?”“Close talaga kayo nung Kevin?” tanong ni Jah saakin. Tumango ako.
“Siya kasi madalas kong kasama sa events kapag wala si Bash, yung kaibigan ko” paliwanag ko sa kanila.
“Fan talaga namin siya?” tanong ni Josh. Tumango ako sabay subo ng kutsarang puno ng pagkain. Eh sa gutom ako eh.
“Ang cute” rinig kong sabi ni Stell. Sana all cute yung mga Fanboys, haaays.
“Yung Fanboy?” tanong ni Ken sa kaniya.
“Hindi, si Karyll" nabilaukan ako sa sinabi ni Stell. Bakit naman bigla biglang nagsasabi ng pangalan si Stell? Jusko naman, hinay hinay lang, mahal.
Inabutan naman agad ako ni Sejun ng tubig. “Okay ka lang?”
“Stell, dahan dahan lang, huhuhu” sabi ko sa kaniya pagkatapos kong uminom ng tubig.
“Sorry, hahaha” sabi niya. Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na yung dala kong medicine na araw-araw kong iniinom, napatingin sila sa hawak ko.
“Anong gamot yan?” tanong ni Sejun. Mabilis kong ininom yung gamot nung titingnan ni Sejun ‘yon.
“May sakit ka?” tanong ni Jah pero napaiwas ako ng tingin.
“Wala ah” ang nasabi ko na lang.
~~.~~
Nandito ako sa tabing dagat malapit sa Hotel papanoorin ko lang ang paglubog ng araw. Syempre bago ako umuwi ng Manila dapat makanood ako ng paglubog ng araw baka kasi hindi na ulit mangyari ‘to.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko, paglingon ko ay si Stell pala.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya pero hindi ko siya agad nasagot kasi ang gwapo niya sa pormahan niya. Bakit naman ganon? Yung puso ko, kaya mo pa ba? “Hello, Karyll?”
“A-ah, papanoorin ko lang yung sunset” sabi ko sa kaniya. Mami, ang gwapo niya talaga. Kaya nga pati ang author nitong istorya ay kinikilig na.
“Willing rin sana akong manood, pwede ba kitang samahan?” tanong niya saakin. Nakatitig siya sa mata ko habang ako ay ganon din sa kaniya. Tumango ako at umiwas na ng tingin, bumaling na lang ulit ako sa sunset na nagsisimula ng lumubog.
“Ang ganda hindi ba?” tanong niya kaya napaharap ako sa kaniya. Oo, Stell. Maganda ako. ChOuR.
“Alam mo bang sabi nila na sobrang romantic daw kapag kasama mong manood ng sunset ang special someone mo?” sabi niya sabay harap saakin. Napatingin ulit ako sa sunset na papalubog.
“O-oo, sabi ng dad ko” sabi ko sa kaniya. “Pero ito na ata yung una’t huling panonood ko ng sunset”
“Bakit naman?” tanong ni Stell saakin. Dumidilim na rin kasi nga papalubog na yung araw.
“Syempre, wala namang ganito sa syudad, sa Manila” paliwanag ko sa kaniya.
“Sabagay, tama ka naman. Ay narinig kitang may kausap sa cellphone mo nung pumunta tayo sa tourist spot nung nakaraang araw” tumango ako sakaniya.
“Oh, anong meron?” ipapakilala na ba kita kay Dad? Ay kilala na pala kayo, hahaha.
“Gusto ko lang sanang itanong kung kailan ang birthday mo?” napatigil ako. Bakit gusto niyang malaman?
“B-basta malapit na. Hahaha” sabi ko lang. Feelingera na kung feelingera, basta ayoko lang sabihin sa kanila. Nagtaka ako ng tumayo siya. Mukhang babalik na ata sa Hotel.
“Babalik na ako sa ho—“ napatigil siya at napatingin sa likod ko.
“Karyll” napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko si Kevin na papalapit.
“Kev” tumayo ako at ngumiti sa kaniya.
“Kev?” napatingin ako kay Stell kasi parang may ibinulong siya. Pero baka namali lang ako ng dinig.
“Hi, Stell” bati ni Kevin nung makalapit saamin. Ngumiti sa kaniya si Stell.
“Yo, dre”
Bumaling saakin si Kevin. “Tara, samahan mo ako sa batuhan, maganda raw doon kasi may mga umiilaw” aya ni Kevin saakin.
“Tara ba” masaya kong pag-sang-ayon. Pero naisip ko si Stell na hindi pa umaalis sa tabi namin. “Ahh, s-sama ka?”
“Pwede ba?” tanong niya. Bumaling ako kay Kevin.
“Sure, mas marami mas masaya” sabi ni Kev. Nagsimula na kaming lumakad papunta doon.
Kasabay ko si Stell sa paglalakad. Nakakahiya nga kasi ang tahimik ko at ang tahimik niya. Hindi ako sanay. Pagdating namin sa batuhan ay nagsimula na akong mahirapan. Jusko, hindi ako sana sa ganito. Huhuhu. Muntik na akong madulas kung hindi lang ako nahawakan agad ni Stell sa braso.
“Dahan dahan lang” napatitig ako sakaniya sa sobrang lapit niya saakin. Mami, bakit ganito na naman siya? Kinikilig ako. Deserve ko pa ba ‘to ha?
“Ang ganda nga” sabi ni Stell pagdating namin sa pinaka gitna ng batuhan. Napatingin ako sa tinitignan niya at katulad niya ay napahanga din ako.
“Oo nga,” sabi ko sabay ngiti. Ito na siguro ang una’t huling beses na makikita ko ‘to. Sobrang saya ko ng makita ko ang view na ‘to. Syempre kasama ko rin si Stell kaya masaya ako. Uwuuu, kinikilig na naman ako.
“Ang ganda..” napalingon ako kay Stell na nakatingin sa akin. Ang lapit na naman naming sa isa’t-isa. “Parang future natin”
Namula ako sa sinabi niya. Mga banatan talaga ni Stell, pa-fall masyado.
“Ewan ko sayo, Stell.” Natatawa kong sabi sa kaniya. Kinikilig ako. Paano kumalma? Umatras ako pero namali yung tapak ko at sa madulas na bato ako nakatapak kaya akala ko ay mapapaupo ako sa bato at masasaktan pero nahawakan ako ni Stell sa beywang at naalalayan ako sa pagtumba.
Mami, ang lapit ng mukha namin ni Ajero. Nakatingin lang siya sa mata ko at ganon din ako sa kaniya. Kinikilig ako at ang bilis na naman ng tibok ng puso ko na hindi pwede. Bawal. Fan lang nila ako. Nakakakirot ng puso, diba?
“Ehem” nakarinig kami ng nagsalita sa gilid kaya umayos kami ng tayo lalo na ako, muntik na naman akong madulas kaya hindi ako binitawan ni Stell sa beywang. Nakita naman naming si Kevin na may nakakalokong ngiti sa harap namin lalo na saakin. “Balik na tayo baka hinahanap na kayo”
Tumango kami sa sinabi niya. Nailang naman ako sa pwesto namin ni Stell. Napahawak ako sa bandang puso ko. Kakaiba talaga ‘tong feels na ‘to. Jusko, sana wag muna akong gisingin. Hehehe. Nagsimula na kami sa paglalakad pabalik ng Hotel. Pagkaapak namin sa buhanginan, binitawan na ako ni Stell at humarap saakin.
“Seryoso ako kanina, maganda ka, mine” ngumiti siya saakin sabay kindat. Napatulala ako sa sinabi niya. Tapos tinignan ko ang likod niyang papalayo saakin.
“Kyaaaaaaaah” mahina akong sumigaw sabay talon talon kung saan ako nakatayo. May paupo pa feels. Pagkatapos non ay bumalik ako sa normal. ChOuR. Sumunod na rin ako sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Secretly Chasing A Fan (SB19 Short Story)
FanficDate Started: March 23, 2020 Date Finished: April 6, 2020