Chapter nine

425 25 4
                                    

KARYLL'S QPOV

Napabangon ako sa kama at napatingin sa orasan, uwuuuu, alasdos palang ng madaling araw. Hindi ako makatulog. Inaantok na ako at gusto ko ng magpahinga.

Umalis ako sa kama at binuksan ang mini ref nitong hotel room. Tatambay muna ako sa may lounge nitong floor. Baka doon ay hilahin na ako ng antok.

Nakaupo lang ako doon habang iniinom ang milk na kinuha ko sa mini ref. Binili ko ‘to kahapon lang. Nagpatugtog na lang muna ako ng Hanggang sa Huli ng SB19. Kahit kailan napaka relaxing nitong kantang ‘to, haaaays.

Nakapikit ako ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Napadilat ako ng marinig ko siyang sumabay sa kanta. Pagtingin ko ay si Sejun pala. Umayos ako ng upo.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.

“Hindi kasi ako makatulog. Ikaw?” nakangiti ko ring tanong. Hanep, ang gwapo talaga nitong lalaking ‘to.

“Same lang pero may paraan ako para makatulog ka” napakunot ang noo ko nung tumayo siya. “Diyan ka lang may kukunin lang ako”

Author’s POV

“Oh, saan ka pupunta, Sejun?” tanong ni Stell na ngayon ay kumakain ng snacks habang nanonood sa TV ng kanilang hotel room. Nakatingin lang sa kaniya si Stell habang kinukuha niya yung gitara.

“Diyan lang sa may lounge” tumango si Stell sa kaniya pagkatapos ay bumalik na ang tingin sa pinapanood niya.

Pagbalik niya kung nasaan ang dalaga ay umupo agad siya sa tabi nito. Makikita sa mukha ni Karyll na feeling niya ay kakantahan siya ng isa sa taong hinahangaan niya.

‘Don’t tell me kakantahan niya ako? Okay, ang assuming ko na naman. Hahaha’ ang sabi niya sa kaniyang isip.

“Ganito ginagawa ko kapag inaantok ako, nag gigitara pagkatapos ay kakanta then hihilahin na ako ng antok” paliwanag niya sa dalaga. Umayos naman ng upo si Karyll at ready ng makinig sa kaniya.

Hindi niya alam yung feels na nararamdaman niya na ngayon ay kaharap ang dalaga. Masaya siya na kakantahan niya yung babaeng nakakuha ng atensyon niya.

“Anong kanta naman ang kakantahin mo?” tanong nito sa kaniya.

“Anong kanta ba kadalasang nagpapatulog sayo?” tanong ni Sejun dito.

“Mga kanta niyo lang naman lalo na yung Hanggang sa Huli. Napakarelaxing kasi ‘non pero hindi ako broken hearted ah. May mga nagbabalak saakin pero hindi ko sinagot kaya never ko pang naranasan yan” natawa si Sejun kasi ang defensive ni Karyll. Napangiti naman ang dalaga kasi napangiti niya rin si Sejun.

“Ang cute mong ngumiti” nasabi na lang bigla ng dalaga sa kaniya. Nagkatinginan sila sa mata ng isa’t isa.

“Pero mas cute ka, maganda pa nga”

“Wushuuu, nambola pa, hindi ako maganda. Kakantahan mo ba o hindi?” tanong ng dalaga sa kaniya. Napangiti siya at nagsimula ng mag-stram ng gitara niya.

Pinapanood lang siya ni Karyll sa pagkanta. Hanggang sa naramdaman na lang ni Sejun na may nakasandal na sa balikat niya. Pagtingin niya ay mahimbing ng natutulog si Karyll. Tinitigan niya ito at napangiti na naman siya.

“Maganda ka kaya” bulong niya sa dalaga.

KARYLL'S POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Pagdilat ko ng mata ko, ay napabangon agad ako. Hindi naman ganito kalaki yung hotel room na tinutuluyan ko ngayon dito.

Secretly Chasing A Fan (SB19 Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon