Chapter five

466 31 0
                                    

Author’s POV

Maagang nagready si Karyll para makipag kita doon sa nakakuha ng cellphone niya. Nagdala rin siya ng pepper spray in case na masamang tao pala ang nakakuha ng phone niya. Mag-aalas kwatro na ng hapon, ang usapan nilang oras.

Pagkatapos niya magready ay kinuha niya na yung shades niya at pagkatapos ay lumabas na ng room niya. Napatingin siya sa katabing kwarto dahil maingay doon at parang hindi mapakali. Pinagsawalang bahala niya lang iyon dahil hindi niya problema pa kung anong nangyayari sa loob.

Sa park nila naisipan magkita, maganda na rin iyon para maraming makakita kung may gawin mang masama sa kaniya yung may hawak sa cellphone niya. Pero habang naglalakad papuntang park ay may nararamdaman siyang parang mga nakasunod sa kaniya. Tumingin siya sa likuran niya pero wala namang tao. Tinignan niya yung oras at mag-alas singko na ng hapon. Late na siya sa napag-usapan nila.

Patuloy lang siya sa paglakad na naging mabilis na lakad. Hindi niya alam pero nararamdaman niya talaga na parang may nakasunod sa kaniya. Hanggang sa malapit na siya sa park kung saan ang usapan ng biglang may humila sa kaniya at dinala siya sa hindi matao na lugar. 

Bigla niyang inisprayan ito gamit ang pepper spray kaya nabitawan siya, aalis na sana siya kung hindi lang nagsalita yung lalaking humila sa kaniya.

“Aray, takte yung mata ko,” napatigil siya ng marinig yung boses ng lalaki.

“Sira ka kasi ayan tuloy napala mo” napatingin naman siya sa isang lalaking nagsalita at nanlaki na lang ang mata niya ng makilala kung sino ang limang lalaking nasa harap niya.

“Si Stell nakaisip non eh, ang sakit ng mata ko” reklamo ni Justin habang kinukusot kusot ang mata niya.

Napatingin si Josh kay Karyll. “Ayos ka lang?” tanong nito.

Wala sa loob siyang napatango, pero teka bakit nga ba siya sinusunda ng SB19?

“Sinundan ka naming kasi may sumusunod talaga sayong dalawang lalaki buti na lang nakita namin sila at napaalis din agad. Nahihiya naman kaming lumapit sayo kaya pasimple na lang kaming nagtago” paliwanag ni Sejun.

“Tapos itong dalawang ‘to may naisip na kalokohan. Sorry kung nadamay ka pa” sabi naman ni Josh.

“Anong kami lang? Kasama kaya si Ken” reklamo naman ni Stell.

“Nandamay ka pa” sabi ni Ken sabay tingin kay Karyll. Nailang naman siya kaya bigla siyang namula.

“A-anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Karyll sa kanila. Kinakabahan pa rin siya sa tuwing kaharap ang SB19.

“May ibibigay lang kaming phone sa isang fan dito sa park” napaisip siya.

‘Phone? Eh ako kukunin ko yung phone ko’ sabi niya sa kaniyang isipan.

“Pwede ko bang makita yung phone na sinasabi niyo?” pakiusap ni Karyll sa kanila. Inabot naman agad ni Stell sa kaniya yung phone. Nanlaki ang mata niya ng makita ang phone case niya. “Akin ‘to”

“Sayo yan?” tanong ni Ken. Tumango siya dito.

“Oo, remember nung nagkabanggaan kami ni Jah sa mall nung isang araw?” tumango silang lahat pwera kay Justin na parang namula pa ata dahil binanggit nito ang pangalan niya. “Nahulog din ang phone ko nun. Gusto ko sanang balikan kaso mag-uumpisa na yung mall show niyo kaya nag-stay na lang ako”

Medyo natawa ang SB19 sa sinabi niya. “Mas mahalaga pa talaga kami kaysa sa phone mo” sabi ni Stell.

“Oo naman no, Phone is life ako pero when it comes to you, guys. Okay lang mawala yung phone basta nasa harap ko kayo. Chour, hala sorry ang kalat” natatawang paumanhin ni Karyll. Natawa rin ang SB19.

Secretly Chasing A Fan (SB19 Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon