Chapter seven

457 29 3
                                    

KARYLL'S POV

Nag-shoot na silang lima ng vlog nila, lumayo muna kaming tatlo nila Ate Christine at Kuya Yuri dahil bawal kaming makita sa mga vlog nila.

“Ang kukulit ng mga batang yan” nasabi na lang bigla ni Kuya Yuri habang nakatingin sa lima. Mga nag-aasaran kasi.

“Sinabi mo pa, Kuya” iiling-iling naman si Ate Christine sabay kuha ng litrato ng lima. “Hindi ko nga alam kung bakit sila nagkasundo nung una”

Ngumiti ako bago sumagot. “Nagkasundo sila kasi pare-parehas sila ng pangarap sa buhay. Parehas silang mahihilig magperform at ipakita sa maraming tao ang talento nila. Pangarap nilang lima na makilala ng lahat, kahit hindi na sila kung hindi ang talentong mayroon ang mga Filipino, na kaya rin nating makipagsabayan sa mga international pop songs” paliwanag ko.

“Woah, fan ka talaga nilang lima” sabi ni ate. Ngumiti na lang ako sakaniya.

~~.~~

Pabalik na kami ngayon hotel at mga bagsak silang lima. Napagod ata sa nangyaring kulitan nila kanina. Nakisali din ako kasi sinali nila ako pero pagtapos na yun ng vlog nila.

Tumunog ang phone ko kaya mabilis ko namang sinagot ito.

“Hello?”

[Anak, how are you? May masakit ba sayo diyan?]

“Hello, Dad. Wala naman po and okay lang ako dito”

[Miss ka na ni daddy, anak]  ngumiti ako sa sinabi ni Daddy.

“I miss you too, dad”

[Drink your medicine and wag kang magpapakapagod. Osiya, magpapahinga na ako at maaga pa ang byahe ko papuntang states tomorrow. And isa pa pala yung about sa birthday mo, ayusin mo na ah]

“Malapit na rin pala ang birthday ko, Dad. Sige po, ingat ka din po diyan, I love you” pagkasabi ko ‘non ay binaba ko na agad yung tawag.

Malapit na rin pala ang birthday ko. Haaaaaays. Wala naman akong gagawin sa birthday ko kaya hayaan na muna.

Pagkarating namin sa Hotel ay dumiretso na agad kami sa mga kwarto namin. Nagpaalam naman agad ang SB19 saakin.

“Good night, Karyll” sabi nila saakin.

“Good night” sabi ko sabay pasok sa loob ng room. Haaaaays, ang daming nangyari ngayong araw at hindi ko pa rin makakalimutan, isa na naman ‘to sa pinaka masayang araw ko.

Kinuha ko yung diary ko sa bag na dala ko pagkatapos ay nagsulat doon. Sa kalagitnaan ng pagsusulat ko ay bigla akong nagutom, nilipat ko sa ibang page yung diary at nakabasa ako ng Street foods. Hmmm, mukhang masarap kumain ng street foods ngayong gabi.

Kinuha ko ang jacket ko pagkatapos ay lumabas ng hotel para kumain ng mga street foods.

“Limang kwek kwek po, tatlong order ng kikiam at limang kalamares po” sabi ko kay kuyang nagtitinda. Iinitin niya pa kasi yun. Umupo muna ako sa lamesang nasa harap ng tindahan niya.

Habang naghihintay ng pagkain ko ay may biglang kumalabit saakin. Pagtingin ko ay si Ken pala.

“Uy,” bati ko sabay ngiti sa kaniya. Syempre isang Ken Suson ba naman ang kumalabit sayo diba, hindi ka ba kikiligin?

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ken. Nakakainlove talaga yung accent niya sa tuwing nagsasalita siya.

“Bumibili ng street foods, nag crave ako. Ikaw?” tinawag naman agad ako ni Kuyang tindero para sabihing okay na yung order ko. Tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni Ken.

Secretly Chasing A Fan (SB19 Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon