Chapter three

541 38 0
                                    

KARYLL'S POV

Pagdating namin sa hotel na pag-stayan namin ni Bash ay humiga agad ako sa kamang nandoon. Sobrang pagod na ako lalo sa nangyari pa kanina.

“Okay ka lang ba talaga?” tanong ni Bash na umupo pa sa tabi ko.

“Okay na ako, Bash. Ayusin mo na lang yung mga dadalhin natin later papunta sa mall show ng SB19. Magpapahinga na muna ako” sabi ko sakaniya kasi gusto ko na talagang pumikit. Hindi ako masyadong makatulog sa byahe kanina dahil hindi ako mapakali feeling ko kasi may mga nakatingin saakin pero hindi ko lang pinansin kanina kasi malay mo hindi pala nakatingin sa akin edi napahiya ako 101.

Hindi rin nagtagal ay nakatulog din naman agad ako. Nagising na lang ako ng may kumakalabit saakin.

“Hoy, Karyll, gising na alas siete nan g umaga,” rinig kong paggising ni Bash saakin. Inaantok pa talaga ako.

“Five minutes pa” sabi ko sabay talukbong ulit pero narinig ko bigla yung alarm tone ko na ‘Get in the Zone, Break! Hi we are SB19’ kaya napaupo agad ako sa kama ng hotel room.

“Ayaaaaaan, boses lang pala ng SB19 ang magpapagising sayo. Hala sige pumunta ka na ng banyo at mag-ayos na” hinila hila niya ako patayo at papunta sa banyo ng room.

Naligo na rin ako at nag-ayos ng sarili para sa gaganaping mall show ng SB19. Hindi na nga kami magbreakfast kasi late na kami sa usapan namin sa mismong event. Malamang nandoon na rin ang iba naming kasama at myembro ng fansclub. Kainis naman kasi eh. Napasarap na tulog ko.

Alasdiyes ng umaga nakarating kami sa venue. Sarado mall pero nandoon na yung ibang a’tin and yung ibang kasama naming sa fansclub.

“Oy, sorry kung nalate kami ha?” sabi ko kaagad sa kanila paglapit namin.

“Okay lang, kararating lang rin naman naming eh” sabi ng isa.

“Ay nakasabay pala namin yung SB19 sa eroplano kanina sa pagland dito sa Davao” at ayun nga nakwento na ni Bash ang mga nangyari kanina sa byahe at ako naman ay lumibot muna sa paligid.

May nakita akong isang fast food chain, nagutom ako kaya kumain na rin ako. Tinext ko rin si Bash na kumain na ako at ang gaga nagpabili pa ng lunch niya. Okay lang tutubuan ko naman palagi ang mga pinapabili niya saakin. Pero syempre charought lang.

Habang nakain ako, may mga pumapasok din sa loob ng fast food na A’tin. Yung iba kilala ako at binabati na rin syempre as gurang na a’tin kailangan ko ring batiin sila.

Nagcheck rin pala ako ng twitter and as usual diretso palagi sa twitter account ng SB19. May tweet sila, 30mins ago paalis na sila at feeling ko papunta na sila sa venue.

After kong kumain ay bumalik na ako sa mall, bukas na ang mall at wala pang masyadong tao. Bago ako pumunta sa mismong venue ng event ay pumunta muna ako sa third floor kung nasaan ang National Book Store. Titingin muna ako ng mga librong babasahin ko habang nag-stay dito sa Davao.

Nung nakapili na ako ng mga libro ay nagbayad na rin ako at lumabas na ng NBS. Text na ng text yung kaibigan ko kung nasaan na daw ako, gutom na raw kasi siya. Habang naglalakad ay nakatingin ako sa mga libro binili ko. Patay na naman ako kay Daddy nito.

Hindi ko alam na may mabubunggo na pala ako kaya ang nangyari nabitawan ko lahat ng libro dala ko pati na yung phone ko. Mabilis akong humingi ng tawad sa kaniya, na siyang itinigil ng sarili ko. Totoo ba itong nakikita ko? Sila ba talaga ‘tong nasa harap ko?

“Miss?” tanong ni Sejun saakin habang nakangiti. Si Josh naman ay pinulot ang mga gamit kong nabitawan ko. Doon lang ako nakabalik sa reyalidad. Tinulungan ko si Josh na damputin yung mga libro. Di sinasadyang nagdikit yung balat namin sa isang libro.

Secretly Chasing A Fan (SB19 Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon