Chapter two

682 35 1
                                    

Author’s POV

“Ano na, Ken? Bangon na diyan at maaga pa tayong aalis papuntang Davao” paggising ni Stell sa kagrupo niyang si Ken.

“Hmm” sagot lang nito sa kaniya.

“Tsk. Paano ba naman kasi anong oras na natulog kagabi, nagpamenpa pa ata yan eh” sabi naman ni Sejun, leader nila.

“Narinig ko pa nga siyang medyo sumigaw kagabi, mukhang kinikilig pa ata” sabi naman ni Josh.

“Kinikilig? Bakit napansin ba siya ng crush niyang si Arci?” singit ni Justin pagkalabas ng banyo na bagong ligo.

“Tsk, naririnig ko kayo” sabi ni Ken sabay upo sa higaan niya.

“Bumangon ka na baka pagalitan pa tayo ni Sir Robin sa sobrang bagal mong kumilos” pagpapaayos sa kaniya ni Sejun.

“Wow, nahiya naman kami sayo, kanina ka pa nga nag-aayos diyan” pagtatanggol ni Josh kay Ken. Uwuuu, JoKen.

Sila ay papunta sa Davao at sila ay mag-stay muna doon for the mean time, para na rin makapag rest sila sa work nila as an Idol group ng bansa.

Pagkatapos nilang mag-ayos ng kanilang mga gamit na dadalhin ay dumiretso na agad sila sa company nila. Sinundo sila ni Kuya Yuri which is driver ng van na ginagamit nila.

“Kuya Yuri, gumagwapo tayo ngayon ah” bungad sa kaniya ni Stell.

“Nambola ka na naman, Stell”

“Seryoso nga, Kuya Yuri. Baka naman may dos ka diyan bibili lang ako ng candy” natatawang sabi ni Stell.

“Sinasabi ko na nga ba, oh” inabutan siya ni Kuya Yuri ng dos. Alam naman kasi nitong walang barya sa wallet ni Stell dahil puro papel na pera iyon.

“Yown, salamat po”

Habang nasa byahe sila ay may sari-sarili silang mga ginagawa, katulad ko na lang ni Justin na naglalaro sa phone niya, si Ken na nagtitiktok sa gedli, si Pinuno na kumakanta, si Josh na natutulog, at si Stell na busy sa twitter niya na parang may ini-stalk ata.

At tama nga kayo may ini-stalk si Stell na account. Matagal na niyang kilala ang fan na ‘to. Siguro nag-uumpisa palang sila kilala na niya ‘to dahil lagi itong present sa mga events nila ng SB19. Feeling nga niya ka-close na rin nito ang staff ng ShowBT. Admin din ‘to ng kauna-unahang recognize na fansclub nila ng SB19.

Napangiti si Stell ng makita ang latest tweet nito na,

‘On the way to Davao for SB19 mall show. See you guys later’

“Makikita ko na naman siya” bulong niya kaya medyo napatingin sa kaniya si Justin.

“Sinong makikita mo, Stell?” tanong ni Jah. Napailing lang siya.

“Wala,”

Pagdating nila doon sa ShowBT ay inorient lang sila sa mga gagawin nila sa Davao. They need to do vlogs rin kasi for the content. Pagtapos non ay lumarga na sila papuntang airport para sumakay ng eroplano papuntang Davao.

As usual maingay sa loob ng van dahil kay Stell at Jah. Tapos sa boses ni Sejun habang nakanta at sa pag-tiktok ni Ken. Si Josh? Wag niyo ng asahan ‘yon, tulog ‘yon.

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating din agad sila sa airport at sumakay na agad sa eroplanong maghahatid papuntang Davao sa kanila.

Habang naglalakad sila papasok ng eroplano ay may dalawang babae ang nagtatalo sa harap nila. Nakashades and dalawa at parehas na nakapants. May hinala si Jah kung sino yung isa dahil napapansin niya na rin ito mula umpisa.

“Bahala ka nga diyan, Bash. Sinabi ko na sayo ah, ayokong nabubudol ka sa ganyang account tapos iiyak ka kapag hindi pala yan ang oh so called mong bias” pangangaral sa kaniya ng kaibigan.

“Alam ko naman ‘yon syempre, tsaka isa pa, duh? Kay Stell lang ‘to oh” nagkatinginan silang lima ng marinig ang pangalan ni Stell.

“Mukhang a’tin” napatango sila sa sinabi ni Jah.

Pagpasok nila sa loob ng eroplano. Nakita sila ni Bash.

“Ohmayghad? Tama ba ‘tong nakikita ‘ko, Karyll?” tanong ni Bash sa kaibigan.

“Ang alin?” busy kasi si Karyll sa pag hanap ng earphone niya sa bag. Humarap siya sa kaibigan at nakita niya itong nakatingin sa mga taong papasok kaya napatingin din siya dito.

Nanlaki ang mata niya ng makita ang SB19 na palapit sa pwesto nila. Doon pala sa likod nila nakaupo ang boys.

“Bes, ano bang mabuting nagawa natin nung nakaraang buhay natin at ang lapit natin sa kanila?” bulong ni Bash sa kaibigan.

“’Wag ka ngang maingay, marinig ka naman nila eh” bulong rin nito pabalik. Sa kabilang banda ay may nakatingin sa kanilang isang lalaki. Ang leader ng grupong hinahangaan nila.

Katulad rin ng iba napapansin na rin niya ito sa mga events nila dahil lagi itong presents at walang namiss na event nilang lima. Medyo natawa siya ng makitang binatukan ito ng kaibigan nito. Dahil may kalokohan na namang naisip.

“Bakit ka tumawa?” tanong ni Josh na katabi nito. Umiling lang siya pagkatapos ay pumikit ng nakangiti. Tumingin si Josh sa tinitignan ni Sejun. Pagkatapos ay tumingin ulit kay Sejun.

‘Wag mong sabihing may gusto rin si Sejun sa fan na ‘yon?’ sabi niya sa kaniyang isipan.

Pagkarating nila sa Davao ay nauna ring lumabas ng eroplano ang magkaibigan mukhang balisa dahil nagmamadali ang dalawa. Mabilis rin agad nawala sa paningin nila ang mga ito.

Paglabas nila sa mismong eroplano ay may nakita silang mga nagmamadaling medical team at papunta sa isang side. Hindi na lang nila ito pinansin pa.

Secretly Chasing A Fan (SB19 Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon