Chapter ten

356 24 3
                                    

Author’s POV

Lumipas ang isang linggo, pagkabalik na pagkabalik nila sa Manila ay nagsunod sunod ang kanilang events at guesting sa iba’t ibang TV Shows and interviews.

Ilang araw na rin nilang hindi na kikita si Karyll, hinahanap nila ito sa lahat ng events nila dahil lahat ng events nila ay pinupuntahan nito. Nagtataka nga sila kasi yung unang event nila pagkabalik galing Davao ay wala ito.

Hindi nila ‘yon inintindi baka kasi may importante itong ginawa nung araw na ‘yon pero nagdaan pa ang ilang event nila na hindi nila ito nakita. Kahit ang kaibigan nitong si Bash na laging kasama ng dalaga sa mga events ay wala rin.

Nung araw ng kaarawan nito ay nalaman nilang wala ng tao sa kabilang Hotel room kung saan nag-stay ang dalaga. Simula ‘non wala na silang naging contact sa isa’t isa.

Ngayon ay may event sila at nagreready na sila. Si Josh ay nagcecellphone, si Ken ay nag-mirror selfie sa gedli, si Jah ay may kinakalikot, si Stell at Sejun naman ay nagvo-vocalizationism.

“Kamusta na kaya siya?” ang nasabi ni Ken. Napatingin sa kaniya yung apat at parang alam na nila kung sino ang tinutukoy nito.

“Lahat tayo walang contact sa kaniya kaya paano natin malalaman?” tanong ni Sejun sabay upo sa tabi ni Josh.

“Bakit ba hindi natin nahingi yung number niya?” tanong ni Jah.

“Aba malay ko sainyo” sabi ni Ken.

“Maka-‘Malay ko sainyo’ ka, bakit nakuha mo ba number niya?” ginaya pa ni Stell ang boses ni Ken.

“Hindi”

“Kahit sa twitter, wala na siyang latest na tweet” sabi naman ni Josh habang nakatingin sa phone niya. “Her last tweet is last week pa”

“Anong tweet niya?” tanong ni Stell sabay lapit kay Josh.

“Ang weird nga ng tweet niya eh, tignan niyo” lumapit naman sa kaniya yung apat.

“Nandito na naman ako” basa nilang lima sa huling tweet ng dalaga.

“Nasaan siya?” tanong ni Sejun.

“Sa tingin mo alam namin” pabirong sabi ni Jah kay Sejun.

Magsasalita na sana si Sejun kung hindi lang sila pinatawag dahil mag-uumpisa na ang event. Isinantabi na muna nila ang isipin at inalala muna ang mga fans at ang performance nila.

After ng event ay nagpaalam na sila sa mga fans nila na pumunta doon. Nung nasa van na sila ay naalala na naman nila ang dalaga na minsan na nilang hinangaan.

Sa pag-andar ng van ay may nahagip ang mata ni Josh na papalabas ng mall. Mabilis niyang pinahinto yung van tutal hindi pa naman sila nakakalabas ng parking lot.

“Bakit, Josh?” tanong ni Stell sa kaniya.

“Yung kaibigan ni Karyll” ang sabi ni Josh at mabilis silang bumaba ng van at nilapitan ito.

“Hey” napatingin sa kanila si Bash at nanlaki ang mata nito.

“Ohmayghad” bulong niya.

“Ah magtatanong lang sana kami” nahihiyang sabi ni Jah.

“A-ano ‘yon?” tanong ni Bash na nakatulala pa rin sakanila.

“Kaibigan ka ni Karyll, diba?” tanong agad ni Sejun. Parang alam na agad ni Bash ang hinahanap nito kaya napaiwas siya ng tingin.

“O-oo,” malungkot na sabi ni Bash sa kanila. “Hinahanap niyo ba siya?”

“Oo, simula kasi nung sa Davao hindi na namin siya nakita pa sa mga events namin” sabi ni Stell.

“Kasi may nangyaring hindi maganda sa kaniya kaya hindi na muna siya pinapapunta sa mga events ngayon” kinabahan sila sa sinabi ng kaibigan ni Karyll.

“A-anong nangyari sa kaniya?” tanong ni Ken na nakatutok ngayon sa sasabihin niya.

“May sa—“ hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil tumunog ang phone niya. “Hello? P-po? Opo pauwi na po. Dadaan po ako diyan, opo tito. Bye po”

Nakatingin lang silang lima dito, parang may nangyaring hindi maganda dahil maluha luha ito.

“S-sige na ha? Una na ako” gusto niya pa sanang makausap yung mga taong iniidolo niya pero may mas kailangan siyang asikasuhin.

“May nangyari ba?” tanong ni Sejun na nag-aalala na sa kaniya kasi balisa na talaga siya.

Umiling si Bash sa kanila. “W-wala, s-sige na, mauuna na ako, bye. Ingat kayo” umalis na nga ang dalaga.

~~.~~

Nagdaan ang ilang araw. Hindi pa rin nila alam kung anong nangyaring hindi maganda kay Karyll. Ang hirap na kasing kalimutan ang mga ala-ala ng dalaga sa kanilang isipan lalo na at nakasama nila ito ng ilang araw sa Davao.

May event ulit silang natapos ngayong araw at nakita nilang nanonood ang kaibigan ni Karyll sa kanila kanina. Nagtulungan silang mahanap ang twitter account ng kaibigan ni Karyll na si Bash.

“Nahanap ko na” sabi ni Josh. Mabilis na nagsilapit sa kaniya yung apat.

“DM mo na” sabi sa kaniya ni Ken. Nag-DM naman agad sa kaniya si Josh na kailangan nilang makausap ito. Nagreply naman agad si Bash sa kanila.

“Sa parking lot na lang tayo magkita” ang reply ni Josh sa kaniya.

“Tara na” aya agad ni Sejun.

Pagdating sa parking lot ay nakita naman agad nila doon si Bash. Lumapit naman agad sila rito.

“Hi” bati nila. Natulala na naman sa kanila si Bash kaya late siyang nakapag-Hi.

“So, alam ko naman kung anong gusto niyong malaman, kay Karyll ‘di ba?” diretshang tanong ni Bash sa kanila. Napatango sila.

“Ilang weeks na namin siyang hindi nakikita sa mga events. Ano bang nangyari sa kaniya?” tanong agad ni Ken.

“Gusto niyo ba siyang makita?” tanong pabalik ni Bash. “Ang hirap kasi i-explain lalo na kung hindi niyo makikita ang sitwasyon niya ngayon. I know rin na napalapit na kayo sa kaniya kasi nakwento niya saakin yung nangyari sa pag-stay niyo sa Davao”

“P-pwede ba?” nag-aalinlangang tanong ni Josh sa kaniya. Tumango naman ang dalaga.

“Just make sure na magpapaalam kayo kay Tatang kasi ayokong madawit dito” tumango naman yung lima.

Bago sila pumunta kung nasaan si Karyll, nagpaalam muna sila kay Tatang at pumayag naman agad ito tutal minsan niya na ring nakausap si Karyll dahil admin nga ito ng pinaka una nilang fansclub. Pero hindi sila pinayagang walang kasamang staff, kasama nilang pumunta si ate Rappl.

Habang nasa byahe ay kinakabahan silang lima sa malalaman at makikita nilang sitwasyon ng nag-iisang babaeng nakakuha ng atensyon nilang lima.

Huminto ang van sa isang kilalang hospital. Nagkatinginan silang lima, mga nagtataka kung bakit nasa tapat sila ng isang hospital. Kahit si ate Rappl ay nagtataka rin.

Pagbaba nila ng van ay nagtanong agad si Ate Rappl.

“Bakit tayo nandito, Bash?” tanong sa kaniya nito pero nginitian lang siya ni Bash.

“Malalaman niyo po sa loob, Ate Rappl” sabi niya dito.

“Kinakabahan ako” bulong ni Jah kay Stell.

“Same lang tayo” sagot nito pabalik.

Huminto sila sa isang pintuan sa 3rd floor ng Hospital. Kinakabahan silang lima pati na si Ate Rappl na kasama nila at minsan ng naka-close ni Karyll. Dahil sa kaniya kaya naging close si Karyll pati ang SB19.

“Kapag nakita niyo siya, pwede bang saatin muna ito?” tumango sila sa sinabi ng dalaga. Binuksan nito ang pinto ng kwarto at nakita nila ang babaeng ilang linggo nilang hindi nakita.

Secretly Chasing A Fan (SB19 Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon