Kabanata Tatlo

223 13 61
                                    

Kabanata 3: Itama ang Pagkakamali

Taong 1891, Nobyembre, Bayan ng Fontanilla, Remosa, Baryo ng Daliwag

"Simple lamang ako pumatay ng tao, papatayin ko sila sa harap ng kanilang mahal sa buhay, para mas lalong masaktan ang kanilang damdamin"

Napalunok ako sa kaba at takot dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Nakatingin kami sa isa't isa. Walang makikitang emosyon sa kaniyang mga mata. Samantalang ako ay galit at takot ang makikita.

"Ika'y umanib sa aking grupo."

-Previous on Chapter Two-

"Wala akong pakialam sa iyong mga sinasambit-----" Ilang beses na nitong pinutol ang aking mga sinasabi.

"Magkakaroon ka ng pakialam sa mga susunod na araw," sambit nito. Lumapit ito sa akin at tiningnan ako ng mabuti.

"Pagkatapos ng apat na araw... aalamin ko ang iyong sagot," dagdag nito at tinalikuran ako. Naiwan akong tulala at kabado.

Oo, makapangyarihan siya at kayang kaya niyang pumatay ng taong gusto niyang paslangin.

Bigla akong napaupo sa malupang sahig ng aming kubo. Hawak-hawak ko ang bayong at hindi malaman kung ano ang aking gagawin. Kung ano ang aking dapat isipin. Natatakot ako para sa aking pamilya.

Napagdesisyunan kong umalis kami ng baryo Daliwag na agad namang ikinagulat nina Dario at Kuya Oliver. Ang sakit lamang isipin na iiwan ko sila sa kamay ni Antonio. Ngunit aking ipinapangako na babalikan ko sila. Nasabi ko na rin kila Inay at Itay ang aming paglisan ng baryo. Nagtataka sila subalit hindi ko sinabi ang dahilan.

Pagkauwi ni Itay kami ay magsisimba. Habang nagaayos kaming lahat tinawag ko sina Dario at Oliver na sumama sa pagsisimba. Sumangayon naman sila. Hindi makakasama ang buong pamilya ng dalawa kong kaibigan kaya sila muna. Samantalang may bunsong kapatid si Dario na nais lamang sa bahay manatili at ayaw lumabas. Habang si kuya Oliver ay may bunsong kapatid din na nais sumama.

Makalipas ang ilang minuto at lahat kami ay handa na. Tumingin ako kay Kristoffer na bunsong kapatid ni kuya Oliver. Nasa sampung taong gulang pa lamang ito at ang ugali niya ay pilyong batang lalaki.

"Kristoffer!" tawag ko dito at tumingin naman ito sa akin. Sabay sabay na kaming naglalakad ngayon patungo sa simbahan ng Fontanilla. Hawak hawak ko ang kamay ni Inay at inaalalayan. Ganoon din ang ginagawa ni Itay sa kabila. Nang makita ako ni Kristoffer ay ngumiti ito sa akin.

"Bakit, ate? Ako ba ay iyong sasagutin na?" Pagbibiro nito at natawa lang ako sa kaniya. Lumapit siya sa amin nila Inay at nagmano dito. Sila Dario at kuya Oliver naman ay nauunang maglakad. Nagkaroon kasi kami ng pagkakataong makapasok sa simbahan kahit ipinagbabawalan iyon. Nasa mababang antas kami kaya bawal ito. Kaya nang magkaroon kami ng pagkakataong makapasok ng simbahan, kami ay pumayag na.

"Hindi. Nais lamang kitang makausap," nakangiting sabi ko dito at tumawa naman ito.

"Ah. Ako ba ay iyong iniisip buong araw kaya nais mo akong kausapin?" Tanong nito sa akin at umiling na lamang ako dahil sa kapilyuhan nito. Kaniyang sinasabi na siya ay gwapo, totoo naman.

Mas gwapo siya sa Kuya Oliver niya!

"Ikaw talagang bata ka! Nais ko lamang itanong sa iyo kung may napupusuan ka na bang binibini," tanong ko dito at sumabat naman ang aking Itay.

"Anak, masyado pa siyang bata para isipin iyon," mahinahong sambit nito habang si Kristoffer ay nasa aking tabi. Tumango-tango itong sumagot.

"Tiyo Erwin! Meron po akong binibining napupusuan!" Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya.

Jardín de RosasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon