PROLOGO

475 23 12
                                    

Prologo

MALAKAS NA UMIIHIP ang hangin habang nakatingin ang isang binibini sa kawalan. Pinagmasdan niya ang kapaligiran. Anumang oras maaaring umulan dahil sa isinasaad ng ulap. Ngumiti ito ng dahan dahan habang nakaupo sa mga damuhan. Mayroon siyang hinihintay. Ang taong nanatili sa kaniyang tabi.

"Ako'y nagagalak sa iyong naging pagsasakripisyo." napalingon ang binibini sa nilalang na nagsalita sa kaniyang tabi at napatulala sa kaniyang nasilayan. Narito na ang taong kaniyang hinihintay. Nagtama ang kanilang mga mata at marahang ngumiti ang binibini. Dahang-dahang namuo ang luha mula sa kaniyang mga mata.

"Aking nababatid ang lahat ng sakit na iyong pinagdaanan," dagdag pa nito at hindi mapigilan ng binibini na pumatak ang kaniyang luha. Napaiwas ito ng tingin at lumapit naman ang nilalang na iyon sa kaniyang tabi.

"Malaya ka na." sa huling pagkakataon ay hinalikan nito ang kaniyang noo habang mabilis na pumapatak ang luha sa kaniyang mga mata. Kahit anumang gawin nito ay hindi maawat ang kaniyang luha na bumuhos. Naramdaman niya ang dahan-dahang paglaho ng taong kaniyang hinintay nang matagal. Lumingon siya rito at sa huling pagkakataon ay nasilayan niya ang ngiti nito. Mababakas ang luha sa mga mata nito.

"Hindi maaari!" sigaw pa ng binibini at sinubukang pigilan ang paglaho nito ngunit hindi na niya naabutan pa kahit nasa tabi na niya ito. Napatulala na lamang ito nang mapagtanto niyang nasa lugar siya kung saan namayapa ang kaniyang matalik na kaibigan.

Mapait na ngumiti ang binibini at nagsalita. "Isa ka pa, Iniwan mo rin ako." pinunasan nito ang luha sa kaniyang mga mata at pinagmasdan ang puntod nito. May iilang puting bulaklak ang makikita sa puntod nito at mga kandila. Naupo muli ang binibini sa damuhan at may kinuha sa kaniyang bulsa. Ngumiti siya nang makita niya ang liham ng kaniyang matalik na kaibigan. Matagal na niya itong paulit ulit na binabasa upang maramdaman niya ang presensiya nito.

Binasa nitong buo ang liham habang may ngiti sa kaniyang mga labi. Nang mabasa niya ang pinakahuling parte ng liham ay doon na nagsimula ang pamumuo ng kaniyang luha.

Sino ang taong kaniyang matagal na hinintay? Sino ang matalik nitong kaibigan na namatay?

Huling destinasyon upang makabalik sa realidad. Bulong ng kaniyang isipan. Ang hardin ng mga rosas.

Tumayo ang binibini mula sa kaniyang pagkakaupo at pinagmasdan ang kapaligiran. Nasa hardin na siya ng mga rosas. Ang bawat paggalaw niya ay nagsasaad ng kapangyarihan.

Lumingon siya sa kaniyang likuran at nasilayan ang isang ginoo. Nagtama ang kanilang mga mata at malungkot na ngumiti ang binibini. Ngumiti rin ang ginoo at nagbigay galang dito.

"Binibini, ano ang iyong ngalan?"

Napangiti ang binibini habang nakatingin dito at tama ang sinambit ng taong iyon.

"Kung saan nagsimula ang lahat, doon din magtatapos ang lahat, sa lugar kung saan ang tawag ay Jardin de Rosas..."

-End of Prologo-

Author's Note:

Ikinagagalak ko kung ito man ang kaunaunahang nobela ang aking matatapos. Isang taon na ang nakakalipas nang simulan ko ito. Nawa'y magustuhan ninyo ang aking nobela na ang genre ay Historical Fiction.

Binibining Jeza~

-------------------------------------------------------------------------------------------

#JardinDeRosas

Jardín de RosasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon