Kabanata Labing-apat

89 9 0
                                    

Kabanata 14: Ikaw pala si Antonio

"Na nasa tabi mo lamang ako." dagdag niya pa at seryoso ang tono nito. Humarap na ako sa kaniya.

"Ang kuwintas na aking ibinigay sa iyo, tanda iyan na magkaibigan tayo,"

***

Disyembre 31, 1891, Maynila

11:00 ng gabi

"Ang kuwintas na aking ibinigay sa iyo, Tanda iyan na magkaibigan tayo," seryosong saad niya habang nakatingin sa aking mga mata. Hindi ako makapagsalita habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Ang planong kailangan ko siyang maging kaibigan ay siya mismo ang tumupad niyon. Sa unang pagkakataon ay hindi ako makapagsalita at tanging ang alon ng dagat ang naririnig.

Napagdesisyunan kong umakto na lamang ng mabait. Hinawakan ko ang ibinigay niyang kuwintas at ngumiti. Lumayo ako ng kaunti sa kaniya sapagkat hindi magandang tingnan na ganon kami kalapit. "Salamat, Antonio. Aalalahanin ko talaga ito na palatandaan nating magkaibigan," ngumiti siya sa aking sinabi.

"Walang anuman," sagot niya at binaling ang atensyon sa dagat. Mahina akong napabuntong hininga dahil sa naiisip ko ngayon. Naglalakad-lakad kami ngayon ni Antonio sa dalampasigan habang naghihintay sa bagong taon. Kaunting minuto na lamang ay bagong taon na.

"Antonio?" Tawag ko rito nang hindi ito kumikibo ng ilang minuto.

"Ano iyon?" Tugon niya habang nauuna sa paglalakad. Hindi gaya kanina, maraming tao na ang naglalakad ngayon. Hawak-hawak ko ang kuwintas na kaniyang binigay habang nakasabit sa aking leeg.

"Bakit kilala mo ang pamilya Almazan?" Napansin ko ang pagkagitla niya sa kaniyang reaksyon. Humarap siya sa akin at nagsalita.

"Sabi na nga ba't tatanongin mo pa rin kahit na sinabi mo sa akin noong nakaraan na hindi mo ito itatanong sa akin," sambit niya at tumawa. Nagkibit balikat siya at nagsimulang maglakad. Nauuna siya habang nasa likuran naman niya ako. Nakita ko ang paggalaw ng kaniyang balikat upang mapagtantong bumuntong hininga ito.

"Isa ako sa tauhan ng Gobernadorcillo, tagabantay ng kaniyang mga anak," panimula niya at pawang hindi ako nakumbinsi sa kaniyang sinabi dahil sa napakaiksi nitong kasagutan.

"Paano mo siya nakilala?" Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita.

"Isa siya sa dahilan kung bakit nahirapan ang aking Ina." Nagitla ako nang marinig ang kaniyang sinabi. Naalala ko ang sinabi niya sa akin noong kami'y nasa barko.

"Gayong kaibigan na kita. Nais kong ibahagi sa iyo ang ilan sa mga nangyari sa aking buhay. Galing ako sa simpleng pamilya dito sa bayan ng Fontanilla," dagdag nito habang pinagmamasdan ang kalangitan.

"Lagi kong kasama ang aking Ina, bata pa lamang ako. Ngunit tuwing dumadating ang aking Ama lagi itong may kasamang ibang babae," patuloy niya pa.

Ibigsabihin, buhay pa ang kaniyang Ama.

"Sa hindi inaasahan. Ang aking Ama ay nakipagisang dibdib sa babaeng iyon dahilan upang labis na malungkot ang aking Ina. Inaapi nila ako at ang aking Ina. Ipinagtataggol ko naman si Ina tuwing sinasaktan nila ito dahilan upang maging tagapagsilbi ako ng aking sariling Ama sa murang edad pa lamang. Hanggang sa nagkasakit si Ina at mas pinahirapan ni Ama," malungkot na saad nito at napansin ko ang isang butil ng luha sa kaniyang kanang mata.

"Hanggang sa namatay ang aking Ina, ni walang umabot sa amin ng tulong lalo na ang kaisa isa naming Ama na may sarili ng pamilya," natahimik ako habang nakikinig lamang sa kaniya. Huminto na kami sa paglalakad at pinagmamasdan na lamang ang kapaligiran.

Jardín de RosasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon