01

108 9 1
                                    

Paksa:

Ang Simula ng Lahat

I

Ito ang kauna-unahang tula na aking ginawa

Ang mga salitang ginamit ko ay sa mga libro nagmula

"Maria!" Tawag sa akin ni Inay

Na nagluluto sa loob ng aming bahay

Niluluto nito ang aking paboritong ulam

Na halos madalas lang matikman

Kaniyang itinuro sa akin kung paano ito lutuin

Ganon rin sa paghanda ng pagkain

Sa pagkuha ng dahon ng saging

Upang doon ilagay ang ulam at kanin.

II

Dumating ang aking Itay

Ang haligi ng aming bahay

Masaya kami dahil nakauwi na rin ito

Abala kasi ito sa kaniyang trabaho

Aming pinagsaluhan ang pagkain na inihanda namin ni Inay

Dahilan upang ang paligid ay kumulay

Hindi inakalang may regalong ibibigay

Isang napakahalagang bagay

Ito ay isang kwaderno at aklat

Agad akong nagbigay salamat.

III

Lumabas kami ng aming tahanan

Hardin ng mga Rosas ang natagpuan

Kanilang sinambit na dito nagsimula ang lahat

Kanilang pag-iibigan ay isinulat

Masaya ako para sa aking mga Magulang

Kaba ang nararamdaman bawat hakbang

"Dito nagsimula ang aming pagmamahalan," Iwinika ni Inay

Tumango ako sa kanilang sinambit at itinuro ang isang bagay

"Inay, Itay, ito ang aking paboritong bagay sa buong mundo!"

Ang Rosas ay siyang aking turo.

IV

Nabihag ako sa kagandahan ng mga Rosas

Dahilan upang bumagal ang oras

Nakaramdam ako ng mahika

Dumaan ito sa aking braso at mukha

Kaamoy nito ang isang Rosas

Pinagmasdan ko ang paligid na maaliwalas

Sina Inay at Itay ay aking hinanap

Dahil sa mahikang kaharap

Habang naghahanap, aking nakita ang dahilan ng lahat

Aking nalaman Ang simula ang Lahat.

Maria Atienza

Binibining Jeza~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jardín de RosasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon