Unang Kabanata

422 26 0
                                    

THREE YEARS later.

Mainit ang ulo ni Samantha. She buzzed the intercom. “Secretary!”

Wala pang limang segundo ay nasa loob na ng opisina niya ang kanyang Secretary. “Ano po ang ipag-uutos niyo, Miss Samantha?” magalang nitong tanong. Hindi siya kumibo at sinenyasan niya itong umupo. Lumipas na lamang ang limang minuto pero wala pa rin siyang sinasabi at alam niyang kinakabahan na ito sa paghihintay. Kapag gano’n siya, madalas na ang susunod niyang sasabihin ay masama o nakasasama para rito.

“Alam mo ba kung ano’ng petsa ngayon, Secretary?”

Tiningnan nito ang dalang planner. Dala-dala nito ang planner na iyon saan man magpunta. Sa lahat ng mga secretary na nagdaan sa mga kamay ni Samantha, ang secretary niyang ito ang pinaka-efficient at walang anumang ditalye ang nakakalimutan dahil na rin sa tulong ng mahiwaga nitong planner, o baka talagang hindi lang ito malilimutin.

Hindi sinagot ng secretary niya ang kanyang tanong kaya sigurado siyang alam nito ang kanyang tinutukoy. Maliban sa pagiging efficient at maaasahan ay parati nitong iniisip ang makakabuti sa kanya, o pwede ring iniisip nito ang makabubuti para sa sarili kaya ayaw siya nitong galitin sa pamamagitan ng hindi pagbanggit sa petsa ng pinakamatindi niyang kabiguan.

“Secretary, meron ka bang ginagawa ngayon?”

“Meron po pero kung gusto niyo ng kasama –”

“Siyempre gusto ko ng kasama,” nakaismid niyang sabi saka tumayo. Automatic din itong sumunod sa kanya nang lumabas siya ng kanyang opisina. Lahat ng nakasalubong niyang empleyado ay agad na yumuko at bumati pero wala siyang binati in return. She remained silent as she walked in the hallway while her secretary was following her like an obedient dog. Nang pumasok sila sa elevator ay nakasabay niya ang kanyang ate na kasama rin ang secretary nito.

“Sam, ang aga-aga pero sambakol ‘yang mukha mo,” puna nito.

“Wala akong magagawa kung may problema ka sa mukha ko, Ate Savannah,” malamig niyang tugon. Huminto ang elevator sa isang floor dahil may sasakay. Nang bumukas ang pinto ay marami sana ang gustong pumasok pero nang makita sila ng mga ito –lalo na siya– walang pumasok ni isa kaya isinara na lamang ng secretary ni Savannah ang elevator.

“Pati mga empleyado natin ay natatakot na sa’yo,” sabi ng ate niya.

“Wala akong pakialam.”

“Hindi ka ba natatakot sa amo mo?” tanong ng ate niya sa kanyang secretary. Hindi niya narinig na sumagot ang secretary niya and silence means ‘yes’. At least in her own interpretation. “Sam, ilang taon na nga ulit itong secretary mo?”

“Ate, bakit hindi siya ang tanungin mo since mukhang curious ka riyan?”

Savannah laughed and it irritated her. Kahit kailan ay hindi na nahawaan ng kalungkutan o galit ang ate niyang ito. Nakakainis din na hindi man lang siya nahawaan ng kahit one-eighth ng kasiyahan nito sa buhay. “Secretary, are you happy serving my sister?”

“Po? Ahm…”

“Sagutin mo ang tanong niya para tumahimik na siya,” puno ng babalang utos niya sa kanyang secretary na parang hihimatayin na sa takot.

“Sam, relax.” Muling huminto ang elevator sa isang floor at pumasok ang isa pang ayaw niya sanang makita sa araw na iyon.

“Ate Sav! Good to see you,” masayang bati ng kapapasok lang kasama rin ang secretary nito. Nagbeso-beso ang dalawa.

“Para namang hindi kayo nagkita kanina sa bahay,” pambabara niya.

“Bitter, Sammy?” nang-aasar na tanong nito.

Ang Babaeng Iniwan Sa AltarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon