Ikaapat na Kabanata

244 16 2
                                    

SA ARAW na iyon ay sumama siya kay Allen sa pangangabayo. Ilang araw na niyang iniuutos kay Allen na samahan siyang makita sa personal ang nagha-harvest ng coconut. Pero ang pinaka-inaasam niyang matikman ay ang coconut wine na pino-produce roon.

“Miss, bawal kang maglasing!” hintakot na sigaw ni Allen nang makita siyang nakaupo kasama ng mga magniniyog. Tapos na kasi ang pangunguha ng niyog at nagpapahinga na ang mga ito. Tapos na rin niyang picture-ran ang sarili na kunwari ay umaakyat sa puno ng niyog pero ang totoo ay tila tuko lang siya na kumapit sa puno at isang hakbang lang ang nagawa.

“Ano ka ba? Titikman ko lang itong pinagmamalaki nilang lambanog.”

“Ilang beses mo na ‘yang sinabi sa akin noon pero sa huli, lumalaklak ka.”

She laughed. “’Wag kang mag-alala, ‘di ako malalasing.”

“Miss, baka nga naman tama si Allen. Baka malasing ka,” sabi ng concern citizen na kasama nila. “Baka hindi ka sanay uminom.”

“Manong, kaya ko ‘yan. Alam ko naman kung lasing na ako o hindi.”

“Madalas mo rin ‘yang sabihin eh,” singit ni Allen.

“Ano ba! ‘Wag mong takutin sina Manong.”

“Hindi ko sila tinatakot.”

Pero dahil nagpumilit siya ay walang nagawa si Allen. Unang tikim pa lang niya ng lambanog ay nag-init na ang kalamnan niya but at the same time ay nagustuhan niya. Isa sa mahilig niyang gawin ay tumikim ng iba’t ibang klaseng alak pero aminado siyang nalalasing din siya. Nagkukwentuhan sila habang umiinom at dahil may dalang gitara ang isa sa mga magniniyog, sinabayan na rin nila ng kantahan.

“Bakit ‘di ka rin uminom, Allen?” tanong niya. Sigurado siyang hindi pa siya lasing pero mainit ang pakiramdam niya.

“Sino ang maghahatid sa’yo sa bahay kung pati ako ay malalasing?”

“Good point.”

“Miss Sam, ano ang gusto mong kantahin?” tanong ng nagigitara.

“May request portion pala rito?” tanong niya saka ngumisi. “Ano ba ang magandang kanta? Ah alam ko na! ‘Yong paborito ng Daddy ko na ‘Impossible Dream’.” Naghiyawan ang mga magniniyog dahil mukhang alam ng mga ito ang kanta. Ilang saglit pa ay nakikanta na siya habang umiinom.
“This is my quest. To follow the star. No matter how hopeless. No matter how far… To reach the unreachable staaaaaar!” kanta niya saka sinasabayan ng inom ng lambanog. “Sarap!” she took a photo of herself drinking lambanog and posted it in her social media account with a caption: Best Wine Ever! #Lambanog #SingingWithMagniniyogs #DrinkModerately. She also posted a picture with herself with Allen but the guy wasn’t aware of the photo.

“Miss, may alam kang OPM?” tanong ng isa niyang kainuman.

“Si Allen, meron,” sabi niya saka siniko ang lalaki. “OPM daw.”

“Hindi ako kumakanta,” tanggi nito.

“Walang Pilipino na hindi kumakanta at walang alam na kanta. Sige na! ‘Pag hindi kakumanta ay maglalasing ako,” banta niya pero muling tumungga. “Ano?”

Hindi kumibo ang lalaki pero inabot nito ang gitara. Natigilan siya nang magsimula itong mag-gitara at ilang saglit pa ay kumanta nga. Ilang beses siyang kumurap-kurap upang siguraduhing si Allen nga ang kumakanta. Hindi siya pamilyar sa kinakanta nito pero maganda sa pandinig niya ang boses ng lalaki.

“Bakit ba walang kibo? Nagdurugo ba ang puso? Sino siya at bakit ba sinaktan ka? Gayong laging tapat ka sa kanya? Dati rati’y may ngiti. Nakita ko sa’yong labi. Ba’t ngayo’y nababalot na ng sakit at tila ba ayaw mong umimik?
Bakit ‘di makita? Bakit ‘di madama ang pag-ibig kong inaalay tanging sa’yo sinta? ‘Di ko sinasabing ako’y naiiba. Basta’t ang pag-ibig ko ay ‘di katulad ng pag-ibig niya.”

Matapos itong kumanta at mag-gitara ay nagpalakpakan ang mga kasama nila maliban sa kanya na nahihiwagaan pa rin. Nang makabawi ay sinapak niya ito sa balikat. “Sinungaling ka! Sabi mo ‘di ka marunong kumanta? Ano ang tawag mo roon?”

“Lasing ka na,” puna nito. Ilang beses siyang umiling saka muling tumagay. Nang mapatitig siya sa hawak na baso na may lamang lambanog ay may naisip siya.

“Uy Allen, may naisip na akong pangalan para sa anak ni Mesta.”

“Ano?”

“Lamlam.”

“What?” bulalas nito. She grinned.

“Mahilig kasi kayo rito sa mga two-word nickname like Lala, Jojo, tapos ako eh Samsam kaya gawin na rin nating Lamlam ang unico hijo ni Mesta. Short for Lambanog. Brilliant idea, right?” she mused.

“Sa dami naman ng mga pangalan ng alak…”

“Kung ayaw mo ng Lamlam eh Banban o Nognog na lang, ano?” aniya na ikinakamot na lamang ng ulo ni Allen habang nagtatawanan ang mga kainuman niya. “Alam ko namang sasang-ayon ka sa akin eh,” malakas niyang sabi saka tinapik ito sa balikat at itinaas ang hawak na baso. “Tagay para kay Lamlam!”

Alam ni Samantha sa sarili na hindi pa siya lasing dahil naiintindihan pa naman niya ang mga sinasabi ng mga kainuman niya. Nga lang, nakasandal na siya sa balikat ni Allen at namumungay na ang mga mata. Dahil likas na maputi, halatang-halata ang pamumula ng kanyang mukha.

“Mga kuya, matanong ko nga kayo. Eto bang si Allen ay may naging girlfriend na?”

“Miss Sam, lasing ka na,” sabi ni Allen.

“Shhhh! Tahimik!”

“Wala pa naman kaming nakikitang babae na dinala ni Allen rito sa bayan namin, Miss Sam. Ang totoo nga niyan, ikaw lang ang babaeng nakita namin na malapit sa kanya kaya sa tingin namin ay hindi pa siya nagkaka-girlfriend,” sagot ng isa. Umigkas ang isang kilay niya saka binalingan ang secretary niya.

“Nagdududa na talaga ako. Bakla ka ba?”

“Sinabi ko na sa’yo na hindi, ‘di ba?” malumanay nitong sabi.

Muli niyang hinarap ang mga kainuman niya. “Wala ba talaga maski isa?” paniniyak niya. Umiling ang mga ito kaya binalingan niya ulit si Allen. “Sayang naman kung bakla ka.”

“Hindi nga. Lalaki ako at babae ang gusto ko.”

“Babae? Gaya ko?” namumungay ang mga matang tanong niya. Hindi ito agad nakasagot pero narinig niya itong bumuntong-hininga.

“Oo, gaya mo.”

She laughed and turned to her drinking buddies who were all smiling at them. “Narinig niyo ‘yon ha? Gaya ko raw. So tama ako, hindi siya bakla!” Talagang babagsak na ang mga talukap niya sa mata kaya humawak siya sa t-shirt ni Allen at isinubsob ang mukha sa malapad nitong dibdib. “Lambanog pa more…”

Naramdaman niyang umangat siya sa lupa at karga-karga na siya ng lalaki. Narinig niya itong nagpaalam sa mga kainuman niya. Kahit lasing siya, alam niya na kapag si Secretary Allen ang kasama niya, safe siya at makakauwi nang maayos. She trusts her secretary more than anyone else and he’s the least person who will take advantage of her or hurt her.

Ang Babaeng Iniwan Sa AltarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon