Ikaanim na Kabanata

291 17 2
                                    

UNANG kita pa lang ni Sam sa biik na hinahabol ng mga tao sa loob ng isang malapad na kwadra na gawa sa kawayan ay na-excite na siya.

“Baboy! ‘Yong baboy!” bulalas niya na hindi maitago ang kasabikan.

“Biik po ‘yan, Miss,” salungat ni Allen.

“Same difference! It’s maliit na baboy, Allen!” aniya habang hinuhubad ang suot na sneakers. Kanina pa takbo nang takbo paikot-ikot sa fence ang biik habang hinahabol ng mga tao pero dahil nasa putikan iyon ay madulas ang nasabing hayop at mahirap hulihin. “Manong, magkano ang premyo kapag nahuli ‘yong maliit na baboy?” tanong niya sa tila referee roon.

“Isang libo, Miss!”

“Isang libo? Bakit ang liit?” reklamo niya. “Gawin mong dalawang libo, Manong!”

“Miss, wala tayo sa palengke para tumawad ka nang ganyan,” sabi ni Allen.

“O sige, dalawang libo sa makakahuli ng biik!” anunsyo ng manong kaya lalong nagkukumahog na sumali ang mga naroon.

“Hoy, hoy, hoy! Ako ang nag-propose kay Manong ng prize tapos kayo ang kukuha ng premyo ko? Mahiya kayo sa akin!” reklamo niya saka walang pagtumpik-tumpik na lumublob sa putikan. Nakita niyang nakikihuli rin sina Lala at Jojo sa biik kaya may naisip siya. “Lala, Jojo, kapag nahuli niyo ang maliit na baboy, hahatian ko kayo ng premyo!”

“Miss, pandaraya ‘yan,” sabi ni Allen.

“It’s not pandaraya, it’s strategy! At ano pa ang ginagawa mo riyan? Tulungan mo akong mahuli ‘yong maliit na baboy. The more men, the better and faster work force!”

“Wala talaga minsan sa lugar ang pagiging competitive mo.”
Sa inis niya ay sinabuyan niya ito ng putik at tinamaan ito sa pantalon. “Marumi ka na kaya halika na!” utos niya sa lalaki saka tumakbo patungo sa nagkakagulong mga tao. “Akin ang baboy na ‘yan!” sigaw ni Sam na para bang nasa giyera at ‘yon ang battle cry niya.

Naiiling na naghubad ng sapatos si Allen at sumunod sa kanya.

Ilang beses na muntik niya ng mahuli ang biik pero parati iyong dumudulas sa mga kamay niya at mabilis din iyong tumakbo. Kung siya ang biik, hindi rin talaga siya magpapahuli. Ilang beses siyang nadapa pero agad bumabangon para habuli at hulihin ang biik. Pati sina Lala at Jojo ay nahawa sa deteminasyon niya samantalang ang iba ay hiningal na at sumuko. Matapos ang ilang beses na pagkakadapa at sa dami ng putik sa katawan at mukha niya, lalong naging determinado si Sam na mahuli ang biik, hindi lang dahil sa premyo kundi dahil sa pride niya. Wala siyang balak sumuko.

Sumisigaw niyang hinabol ang biik at malakas na hinawakan ang katawan no’n nang maabutan niya. Naghihiyawan ang mga tao habang pilit niyang pinipigilan ang biik na nagpupumiglas. Mabilis siyang nilapitan nina Lala at Jojo para tulungang huwag makawala ang biik mula sa pagkakayakap niya sa katawan nito. “I won! I won! I won!” natutuwa niyang sigaw.

“Ate Samsam, ang galing-galing mo!” tuwang-tuwa na sabi ni Lala.

“Ate, idol!” sigaw naman ni Jojo.

Hindi pa rin makapaniwala si Sam na siya ang nanalo at nakahuli sa biik. Nang ibibigay na sa kanya ang premyo ay tinanong niya kung kasali ba sa premyo ang maliit na baboy. Nang malaman niyang hindi ay nakipag-deal siya sa may-ari na ibibigay niya rito ang premyo at sa kanya na ang biik. Noong una ay ayaw nito pero nadaan niya sa pakiusap kaya sa huli, naiuwi niya bilang premyo ang nahuling biik.

“Saan mo naman ilalagay ang biik na ‘yan, Miss Sam?” tanong ni Alen sa kanya habang nasa ilog sila kasama ang dalawang bata at naliligo. Aliw na aliw sina Lala at Jojo sa biik na ngayon ay may collar na at bagong ligo kaya napaka-cute tingnan.

Ang Babaeng Iniwan Sa AltarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon