UMAGANG-umaga pa lang ay mabilis ng pinapatakbo ni Samantha ang kabayong si Bronco. Buong gabi siyang walang tulog dahil sa pagtawag ni Matthieu.
“Kailangan nating mag-usap. Mag-uusap tayo nang walang pisikal na sakitan na mangyayari. Ayokong may masaktan na naman. May gusto akong linawin sa mga nangyari sa atin three years ago at mangyayari lang ‘yon kung hindi mo ako aatakihin gamit ng steak knife o kung anu-ano pang matatalas na panaksak.”
“How dare you give me orders!”
“Samantha, for the sake of our families, please listen to me. Habang may galit ka pa rin sa akin, hindi rin matatapos ang paghihirap ko.”
“Paghihirap mo? Masaya akong marinig na naghihirap ka rin.”
“Sam, please. I need to talk to you but not on the phone. I’ll wait for you when you get back."
“Miss Samantha!”
Napalingon siya nang marinig ang boses ni Allen. Nakasunod ito sa kanya sakay kay Rosetta so she pulled the reins and stopped. Ilang sandali pa ay huminto sa tabi niya si Allen na nag-aalala. “May problema ba?” tanong niya.
“Bigla mo kasing kinuha si Bronco sa kwadra at masyadong mabilis ang pagpapatakbo mo. May problema ka ba, Miss Samantha?”
“Wala akong problema, Secretary. Nag-e-exercise lang ako,” pagsisinungaling niya para hindi na ito mag-alala. Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon lang siya naging concern sa nararamdaman ng lalaki. Kung tutuusin, mas malala pa sa pag-aalala ang binigay niya rito sa loob ng apat na taong paninilbihan nito sa kanya.
“Sigurado po kayo?”
“Mukha ba akong sinungaling?” sikmat niya rito para lang tumigil na ito sa katatanong. Kapag nakakapanigaw na siya, ibig sabihin ay okay na siya o mukhang okay. “Hindi mo yata kasama si Ulysses,” puna niya.
“Maaga siyang umalis. Bumalik na siya sa siyudad.”
“So ikaw lang pala talaga ang pinuntahan niya rito.”
“Gano’n talaga si Ulysses. Sumusulpot at bigla ring nawawala."
“Bakit hindi ka makipagbalikan sa babaeng gusto mo?” bigla niyang tanong. Allen’s face turned red. Isa rin iyon sa dahilan kaya hindi siya nakatulog. Iniisip niya kung anong klaseng babae ang nagustuhan nito at hindi pa rin nito makalimutan kahit nagkasamaan ang mga ito ng loob. “Narinig ko kayong nag-uusap ni Ulysses kagabi. Napadaan lang ako.”
“Ano ang mga narinig mo?” hintakot nitong tanong.
“Na may babae kang gusto at tatlong taon mo na siyang tinitikis. Mukhang gusto rin niyang makipagbalikan sa’yo dahil pinipilit ka niyang kausapin nang personal o sa phone. Siya rin ba ang tumawag sa’yo noong nasa restaurant tayo?”
“Ah, kasi… mali yata ang ibang impormasyon –”
“Nagkakaila ka pa. Bakit ayaw mong makipagbalikan sa babae?”
Bumuntong-hininga ang lalaki. “Wala namang dapat balikan kasi wala namang nasimulan,” malungkot nitong sabi.
“Magsimula kayo ulit. Malay mo mag-work out na ngayon,” payo pa niya na para bang napakagaling niya sa mga relasyon. Isa pa, bakit parang kabaliktaran ng sinabi niya ang gusto siyang mangyari? Siya mismo ay tutol na makipagbalikan si Allen sa babaeng nanakit dito.
“Imposible ang gusto mo, Miss Samantha.”
“Magiging imposible lang kung hindi mo gagawin. Panay ang payo mo sa akin na mag-move on tapos hindi ka pa rin pala nakakapag-move on. Patawarin mo na at makipagbalikan ka kung gusto mo pa rin siya,” naiinis niyang sabi saka muling pinatakbo si Bronco. Sumunod si Allen sa kanya. They raced in the hills and although pwede naman siyang maunahan ni Allen ay nakontento na lamang itong nakasunod sa kanya gaya ng nakagawian nito.
Huminto sila sa itaas ng burol at pinanood ang pagsikat ng araw.
“Babalik na ako sa siyudad, Allen.”
“Pero wala pa namang isang buwan –”
“May kailangan akong gawin.”
“Sasama ako sa’yo, Miss.”
“Kapag nakabalik na tayo roon, hindi mo na ako boss. Kay Daddy ka na magsisilbi.”
“Miss Samantha, kahit hindi ka maniwala, mas gusto ko pa rin na sa’yo ako magsilbi hanggang kaya ko at hanggang kailangan mo ako. I can’t find a boss as good as you.”
Bakit parang gusto niyang umiyak? She can remember the times she mistreated him and took him for granted but she can also remember how she felt safe when he’s near and when they were together. “Sira ka ba?” sigaw niya na magkahalong inis at saya. “Paano ako naging good? Ni hindi ko nga alam ang totoo mong pangalan. Ni hindi ko alam kung kailan ang birthday mo at kung ano ang paborito mong pagkain. Kung anu-ano ang iniiutos ko sa’yo at pinapahirapan ko ang buhay mo tapos sasabihin mong mabuti akong boss? Nang-iinsulto ka ba?”
“Hindi, Miss. Totoo ang sinabi ko.”
Kahit nakasakay siya ng kabayo ay tinangka niya itong tadyakan pero ‘di niya ito maabot. “Lumapit ka nga rito para matadyakan kita nang magising ka sa katotohanan!”
Bumaba ito sa kabayo at lumapit sa kanya. “Kung magpapatadyak ako, hindi mo na ako ipapamigay sa Daddy mo?” tanong nito. She was really shock because she saw in his eyes that he was serious. Ayaw talaga nitong umalis sa poder niya. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matutuwa. Lahat ng tao pwera ang pamilya niya ay lumalayo sa kanya pero ang lalaking ito, magpapatadyak para lang makasama siya. Masokista ba ito?
“Are you crazy?”
“No. Ikaw lang ang gusto kong boss,” he stubbornly said.
“Baliw ka nga.”
“Ang baliw na boss na gaya mo ay kailangan ng baliw na secretary na gaya ko. Wala ka ng makikitang gaya ko, Miss,” nakangiti nitong sabi. Kung meron man siyang puso, malamang natunaw na dahil sa mga pinagsasasabi nito. Ano ba ang ginawa niya upang makuha ang loyalty ni Secretary Allen Luzañes?
“Ang Daddy ko pa rin ang masusunod.”
“But I hope you will try your best to let me remain by your side,” nakikiusap nitong sabi. Pakiramdam ni Sam ay mas higit pa sa pananatili bilang secretary niya ang gusto nito. At bakit gusto nga niya itong manatili? She can actually imagine herself discussing and arguing it with her dad again and doing everything to let Allen stay with her.
“I’ll try but I won’t promise,” sabi niya saka pinatakbo ang kabayo pabalik ng villa. Sa isipan niya, marami siyang gustong gawin. Tutuldukan na niya ang chapter ng buhay niya with Matthieu at gagawin niya ang lahat manatili lang ang kanyang secretary sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Iniwan Sa Altar
RomansaNauwi sa galit ang pagmamahal na naramdaman ni Sam para sa kanyang groom nang iwan siya nito mismo sa altar nang araw ng kanilang kasal. Naging mas mapait pa siya sa ampalaya. Kaya naman, makalipas ang tatlong taon, nang makita niya ulit ang lalakin...