Ikapitong Kabanata

266 14 3
                                    

HINDI agad bumangon si Sam nang magising kinabukasan. Awtomatiko siyang napangiti sa kilig at nagpagulong-gulong sa kama nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila ni Allen.

Natigilan siya nang may maisip. “Saan natuto ang taong iyon na humalik nang ganoon kagaling? Nagkaroon ba siya ng girlfriend noon?” tanong niya sa sarili saka umiling. “Ano naman kung nagkaroon siya ng girlfriend noon? Ako nga eh muntik ng ikasal.”

Para siyang timang na muling napangiti nang maalala ang nangyari kagabi. It was only a kiss but it felt like heaven already. Hindi siya nakaramdam ng ganito noong sila pa ni Matthieu ang magkasintahan marahil dahil sa sobrang bilis ng naging relasyon nila. They went for several dates but nothing happened aside from kisses on the cheek. Bata pa rin kasi siya no’n at naniniwala siya na dapat ibigay niya lang ang lahat kapag kasal na siya kaya super ingat siya sa sarili. Hindi rin naman nag-initiate si Matthieu ng mga gawaing pang-rated SPG.

“Oh my! Baka kaya gano’n ay dahil… bakla siya,” napagtanto niya. Now that she thought about it, bigla ay ipinagpasalamat niyang hindi sila natuloy na ikasal dahil siguradong hindi siya makakaranas ng ‘langit’ kung totoong bakla si Matthieu.

Natigil siya sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto na agad niyang pinagbuksan.

“Miss Sam, nakahanda na ang agahan,” sabi ni Aling Cora nang pagbuksan niya.

“Susunod po ako. Ah, Aling Cora, nariyan na ba si Allen?”

“Nasa kwadra siya ng mga kabayo, Miss.”

“Thanks po.” Pagkatapos niyang isara ang pinto ay nagmamadali siyang naligo at nag-ayos ng sarili. Kahit hindi naman kailangang mag-makeup ay naglagay siya ng konti para lalo siyang gumanda hindi lang sa paningin niya kundi sa paningin din ni Allen. Awkward ang naging paghihiwalay nila kagabi pero walang duda na mutual ang nararamdaman nila sa isa’t isa dahil hindi si Allen ang tipo ng lalaking manghahalik nang walang feelings at aminado siya sa kanyang sarili na gusto niya ito bilang lalaki.

Nang makababa siya ay dumiretso siya sa kusina at naabutang handa na ang agahan.

“Aling Cora, kumain na ba si Allen?” kaswal niyang tanong sa mayordoma.

“Niyaya ko siya kanina pero ililibot daw muna niya si Lamlam para makapag-exercise.”

Umupo siya at nagsimulang kumain. “Dito niyo na lang siya pakainin. Hindi naman natin ‘to mauubos lahat,” aniya na sinang-ayunan ng babae. Nakakailang-subo na siya ng fried rice nang pumasok sa kusina si Allen at agad na nagtama ang mga paningin nila. Bahagya itong namula pero magalang na bumati sa kanila ni Aling Cora. “Kumain ka na.”

“Thank you, Miss Sam.”

Habang kumakain ay manaka-nakang nakikipag-kwentuhan si Allen sa mayordoma. Hindi siya sumasali dahil abala siya sa pagkain at sa pagsulyap-sulyap kay Allen. Minsan ay gusto niyang kutusan ang sarili kung bakit hindi niya napansin ang maraming magagandang physical features ng lalaki. Hindi lang mabait si Allen, mukha rin talaga itong mabait lalo na kapag ngumingiti. Ito ‘yong tipo na kapag nasa gitna ka ng maraming tao at gusto mong magtanong ng direksyon ay ito ang lalapitan mo’t tatanungin at siguradong hindi lang ito sasagot kundi baka ihatid ka pa sa patutunguhan mo.

Natigilan si Sam nang maisip iyon saka sumimangot nang maalala ang dahilan kaya niya tinanggap si Allen bilang secretary. Bagamat ang HR Department ang nag-submit sa kanya ng mga resume ng mga kandidato bilang secretary niya noon, nasa kanya pa rin ang huling desisyon  at sa mga kandidato, si Allen ang pinili niya hindi dahil sa credentials kundi dahil sa itsura nito. Sa lahat kasi ng resume na ibinigay sa kanya, ang mukha nito na nakapaskil sa papel ang una niyang nakita at kung kumpara sa iba, ito ang mukhang mabait at madaling utus-utusan. Ni hindi niya tiningnan ang ibang nakasulat sa resume nito at basta na lang sinabihan ang HR na nakapili na siya ng secretary. Gaya ng inaasahan, totoong mabait si Allen at madaling utus-utusan.

“Tama nga si Santina. I’m the worst boss,” naiiling niyang bulong.

“May sinasabi ka, Miss?” tanong ni Allen at umiling siya. Ngumiti ito at walang salitang inabot sa kanya ang pandesal.

“Thanks,” aniya. “May lakad ka mamaya?” tanong niya.

“Sa bayan. May bibilhin ako.”

“Wala akong magawa rito kaya isama mo’ko. May bibilhin din ako.”

“Okay,” anito saka inilagay sa tabi ng plato niya ang isang mug ng kape. Mukhang nasanay na nga ito na pagsilbihan siya kaya automatic nito iyong ginagawa kahit wala sila sa opisina. Mami-miss niya talaga ang ugaling iyon ng lalaki kapag lumipat na ito ng pagsisilbihan.

Matapos mag-agahan ay nagtungo nga sila ulit ni Allen sa bayan sakay ng bisekleta. Habang nasa daan ay tahimik silang pareho at tila nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Sa halip na mainis o mainip ay naaaliw siya lalo pa at nakikita niyang parang may gusto itong sabihin at nagdadalawang-isip. Nahihiya rin itong tumingin sa kanya.

“May gusto ka bang sabihin?” tanong niya pero gusto niya lang itong tuksuhin.

“Miss Samantha, kagabi…” sigurado siyang hindi ito pinagpapawisan dahil sa pagpapadyak ng bisekleta kundi dahil sa hirap na ipahayag ang damdamin.

“Kapag nag-sorry ka sa akin, sasapakin kita,” banta niya.

Umiling ito. “Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. Ayoko lang na magalit ka sa akin dahil do’n,” nababahala nitong sabi.

“Malalaman mo naman agad kung galit ako kasi malamang may black eye ka na ngayon at hindi na nakakalakad. You know that I know how to break one if not some bones, right?” aniya at tumango ito. “Hindi lang ako sigurado kung bakit mo’ko hinalikan? Was it pity?” tanong niya at umiling ito pero hindi nagsalita. Hindi akalain ni Sam na meron pala talagang mga torpe sa mundo. “Because you like me?” she tried her best not to giggle especially when he blushed. Maraming adjective ang pwede niyang gamitin upang ilarawan ang mga lalaki at hindi kabilang doon ang salitang ‘cute’ pero gano’n niya pwedeng ilarawan si Allen ngayon.

“So hindi mo na gusto ‘yong babaeng nanakit sa damdamin mo?”

“Ha? Ah, tungkol doon… ahm…”

“Kuya Allen! Ate Samsam!”

Pareho silang natigilan nang makita sina Lala at Jojo na kumakaway sa kanila. Kasama ng mga ito ang mga magulang at mukhang nagpunta rin ang mag-anak sa bayan upang mamasyal lalo pa at nakasuot ang mga ito ng panlakad na damit. Binati sila ng mga magulang ng mga bata.

“Mamasyal din kayo?” tanong niya.
Tumango si Jojo. “Magsisimba rin po kami,” dagdag ng batang lalaki. “Kayo rin po?”

“May bibilhin kami. Kumusta si Bikoy?” tanong ni Sam.

“Inaalagaan po namin siya nang mabuti, Ate,” sagot ni Lala.

“Mabuti naman,” aniya. “Mauna na kami at enjoy sa pamamasyal,” kumaway siya sa mga ito habang papalayo.

“Napalapit sa’yo ang mga bata, Miss Sam,” nakangiting sabi ni Allen.

“Mami-miss ko talaga sila kapag bumalik ako sa siyudad,” aniya saka may naisip. “Bibilhan ko sila ng nail cutter,” desisyon niya at tumango ito saka nagpatuloy sa pagpadyak sa bisekleta. Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa bayan at gaya ng inaasahan ay mas marami na ang tao roon dahil besperas iyon ng pista.

Nakakita siya ng tindahan ng kung anu-anong gamit. “Ihinto mo na ako rito at pwede ka ng pumunta sa sadya mong tindahan,” sabi niya kay Allen na tumalima. “Ite-text kita o tatawagan kung nasaan na ako but basically, dito lang ako maglilibot,” aniya matapos bumaba ng bisekleta. “See you.”

“Sandali lang ako sa pamimili at babalikan kita agad,” sabi ni Allen.

“Okay.” Hinatid niya ito ng tingin bago nagpunta sa tindahan na nakita. Maraming nakahilerang mga tindahan ng kung anu-ano at naaliw siya sa mga iyon lalo na sa mga laruan na sigurado siyang magugustuhan ng dalawang bata.

Nakapamili na siya ng mga gusto niyang bilhin nang masulyapan ang simbahan ‘di kalayuan. Doon sila pumunta ni Allen noong naimbitahan ito sa isang kasal. Naisipan niyang pumasok sa simbahan hindi upang magsimba kundi upang may patunayan. From the door of the church, she started to walk the aisle and reminisce the time she was supposed to get married.

She was surrounded with many guests but her eyes were fixed on Matthieu, her first love. Habang naglalakad suot ang kanyang wedding gown at hawak-hawak ang kanyang wedding bouquet, she was in cloud nine. Wala ng mas sasaya pa sa kanya noong araw na iyon. Tuwing naaalala niya ang senaryong iyon noon ay nagngangalit ang puso niya pero ngayon, wala siyang maramdamang galit. Naaalala niya ang senaryong iyon na para bang isa siya sa mga nakasaksi at hindi ang mismong nakaranas ng masakit na karanasan.

Sa kalagitnaan ng aisle ng simbahan ay natigil siya sa paglalakad when she suddenly remembered seeing her secretary’s gaze. He was smiling that day but his eyes were sad. Now that she remembered, bakit ito malungkot sa araw ng kasal niya?

“Bakit ka malungkot noon, Allen?” tanong niya sa sarili saka muling tiningnan ang altar. Nang itaboy niya ang lahat ng tao noong araw na iniwan siya ni Matthieu, si Allen lang ang nanatili at hindi natakot sa posible niyang gawin kaya ngayong naalala niya ang ilang ditalyeng nakaligtaan niya noon ay hindi niya maiwasang ma-curious sa totoong dahilan ng lalaki sa pananatili nito sa tabi niya. Ayaw niyang mag-assume pero malakas talaga ang kutob niya na may dahilan ang lungkot sa mga mata nito ng araw na iyon.

Masyado siyang nalunod sa feelings niya kay Matthieu noon na nalimutan niyang mag-isip ng logical. Gano’n siguro talaga kapag first love. Marami siyang maling desisyon noon at ngayong may nararamdaman siya para kay Allen ay naiisip niya ang mga pangyayari noon sa ibang perspective. Ngayon din siya na-curious sa totoong dahilan ng dating fiancé kung bakit siya nito iniwan sa altar.

“Maliban sa ‘I don’t deserve you’ and other sh*tty things I didn’t bother to believe, wala na siyang ibang sinabing dahilan,” bulong niya saka tinakpan ang bibig nang maalalang nasa loob siya ng simbahan. Kay sa lalong magkasala ay nagmadali siyang lumabas at nagdesisyong hanapin si Allen. She was about to text him when she saw him going to a certain direction and she decided to follow him. Hila-hila ang bisekleta ay nagtungo si Allen sa isang malapad na lupain at huli na nang ma-realize ni Sam na hindi lang iyon basta lupain kundi isang private cemetery nang mapansin niya ang mga lapida sa paligid. Tahimik sa lugar na iyon at hindi naman mukhang haunted dahil maliwanag pa at hindi rin siya ang tipong natatakot sa sementaryo
lalo na at ganoon kalinis at ka-organize. Kaninong puntod ang dadalawin ni Allen doon?

Iniwan ni Allen ang bisekleta nito sa tabi ng isang puno saka lumapit sa dalawang magkatabing lapida ‘di kalayuan. Dahan-dahan siyang lumapit sa punong katabi ng nasabing puno at nakitang naglagay ng mga bulaklak si Allen sa tabi ng mga lapida at tahimik na tumayo sa harap no’n.

“I know I will see you here.”

Kung ano’ng gulat ni Allen ay siya ring gulat ni Sam nang marinig ang boses at makita ang may-ari. Akala niya ay nakita siya nitong nagtatago sa likod ng puno kaya naman gano’n na lang ang gulat niya nang kay Allen ito lumapit.

“Kumusta ka na?” tanong ng bagong dating kay Allen na ngayon ay seryoso ang itsura. “Alam kong galit ka pa rin sa akin. Too angry that you bear not to talk or see me for more than three years. More than anyone and anything else, you and what you do hurt me the most.”

“And you expected me to forgive you easily?”

Hindi maunawaan ni Sam ang mga nangyayari. Kung mag-usap ang dalawa ay parang matagal ng magkakilala gayong ni sandali ay hindi niya nakitang nag-usap ang mga ito noon.

“Inaasahan kong magagalit ka sa akin at magtatampo pero hindi ko inaasahan na kaya mo akong tiisiin nang ganito katagal,” nahihirapan na sabi ni Matthieu. “Matitiis kong magalit sa akin sina Papa at Mama pero ang hindi ko matitiis ay ang hindi mo pagkausap sa akin,” dagdag ng lalaki na puno ng hinanakit.

“Ngayong nakausap mo na ako, masaya ka na, Matthieu?”

“Kuya Allen!” bulalas ni Matthieu na muntik ng ikasinghap ni Sam kung ‘di niya lang natakpan ang bibig sa sobrang gulat sa narinig. “Sino’ng matinong kapatid ang sasaya kung tatlong taon na siyang hindi kinakausap man lang ng kuya niya?”

Nanlaki ang mga mata ni Sam sa narinig. Magkapatid sina Matthieu at Allen?



Ang Babaeng Iniwan Sa AltarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon