TUWANG-TUWA sina Lala at Jojo na pinagmamasdan ang anak ni Mesta na katabi ng ina nito. Dahil na-fascinate rin siya since iyon ang unang beses na nakasaksi siya ng panganganak ng isang kabayo, kumuha siya ng ilang picture ng mag-inang kabayo.
“Kuya Allen, ano ang pangalan ng anak ni Mesta?” tanong ni Lala.
“Hindi ko pa ‘yan napag-iisipan.” Binalingan siya ni Allen. “May naiisip ka bang magandang pangalan, Miss?”
“Bakit ako? Nakikinood lang ako rito.”
“Naalala ko kasi na magaling kayong magpangalan.”
Kumunot ang noo niya. “Ano? Kailan pa?” tanong niya. Paano siya naging magaling sa pagpapangalan ng hayup gayong ni totoong pangalan ng secretary niyang nagsilbi sa kanya ng apat na taon ay hindi nga niya maalala?
“Naalala niyo ba ‘yong mga alagang kuneho ng anak ni Madam Bernabe?”
“Hindi ko nga maalala ‘yong anak niya, ‘yong mga kuneho pa kaya?” naaasar niyang tanong. “Ano ang tungkol doon? ‘Wag mong sabihing ako ang nagpangalan no’n?”
“Kayo nga. Maraming alagang kuneho si Miss Macy at hindi siya maka-decide sa ipapangalan kaya tinulungan niyo siya. Pinayuhan niyo rin siya para niya madaling makalimutan ang mga pangalan.”
“Buti pa siya tinulungan kong hindi makalimot tapos heto ako, hirap makaalala sa kung ano ang sinasabi mo. Ano ba ang ipinangalan ko sa mga kuting na ‘yon?”
“Kuneho po.”
“Sabi ko nga.”
“Sabi niyo lagyan ng theme ang pagpapangalan niya sa mga alaga niya at since nasimulan niyong tawaging Choco ‘yong isa, pinangalanan niyo na lang lahat ng kuneho mula sa flavour ng icecream na paboritong dessert ni Miss Macy.”
Napatanga siya. “’Wag mong sabihing may pinangalanan akong Double Dutch?”
“Sa pagkakaalala ko ay meron at ‘Dutch’ ang palayaw.”
“May palayaw pa?” paniniyak niya na kinumpirma naman nito. “Ang baliw ko lang.”
“Nakatulong iyon sa i-close ang multimillion deal ng kompanya ninyo sa kompanya ni Madam Bernabe. Natuwa kasi si Madam na mabait at mapagpasensya ka sa mga bata.”
“Talaga lang ha?” duda niya eh plinastik lang niya ang mag-ina para mai-close ang deal.
“Kuya, Ate, ano na ang ipapangalan natin sa anak ni Mesta?” tanong ni Jojo.
“Wala pa akong maisip at dahil wala pa akong maisip, wala munang magpapangalan sa baby horse na ‘yan, maliwanag?” utos niya. Hindi naman kumontra ang mga ito sa kanya.
“ANO ANG magandang pangalan para sa isang kabayo?”
Ipinost niya ang tanong na iyon sa social media account niya. Magaling daw siyang magpangalan kaya pangangatawanan na niya. Gusto niyang maging meaningful at astig ang pangalang mapipili niya. Wala siyang balak ipangalan ang baby male horse mula sa flavour ng icecream. Pang-kuneho lang ‘yon.
Makalipas ang ilang minuto ay may nag-comment. It was Santina. “He or She?”
“He,” sagot niya.
“Mustang.”
“Kabayo na nga ‘Mustang’ pa ang ipapangalan?”
Nag-comment ang Ate Savannah nila. “What’s the color?”
“Dark Brown.”
“Name him Chocolate.”
“What? Sa kuneho lang bagay ‘yan,” sagot niya.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Iniwan Sa Altar
RomanceNauwi sa galit ang pagmamahal na naramdaman ni Sam para sa kanyang groom nang iwan siya nito mismo sa altar nang araw ng kanilang kasal. Naging mas mapait pa siya sa ampalaya. Kaya naman, makalipas ang tatlong taon, nang makita niya ulit ang lalakin...