Si Kutz ang aming munting kaibigan

25 1 0
                                    



Umuwi na lahat ng 4th year high school sa buong campus samantalang kami na 4th year Pilot eh kailangan pang pasukan ang last 3 special subjects sa kalagitnaan ng napakainit na hapon. Bukod sa init ng panahon eh nag-iinit nadin ang ulo ko dahil hindi pa tumataas sa room ang teacher namin na dapat ngayon ay nagtuturo na. Badtrip!

Tirik ang araw. Nakatungo na ang ilan sa mga classmate ko. Pasimpleng nagnanakaw ng oras para matulog. Ang iba naman ay sumisilip nalang sa bintana at pinagmamasdan ang mga dahon na nahuhulog mula sa puno. Pulbo at suklay naman ang hawak ng mga kikay kong classmate. Yung mga matatakaw naman este mga nagutom, sa canteen ang takbo para kumain sabay daan narin ng CR para jumingle.

Isa na naman itong serye ng paghihintay at pagtatanong kung nasaan na ba si titser? Nga pala! Hindi ko nabanggit. Yung iba kong classmate na sipsip, malamang pinuntahan na si titser sa faculty. Sila ang nagsusundo at kasundo ni maam.

Napakamot nalang ako sa ulo habang naghihintay. Sabay tingin sa kuko. Parang may nasalat akong kung ano na galing sa aking ulo. OwwwwwwNooooooo. May sumingit na kuto sa aking kuko pagkatapos kong magkamot. Sa isip-isip ko naghihintay din siguro ang kutong ito sa titser niya na nasa faculty pa. Pero hindi tulad namin na naghihintay sa kawalan, ang kutong ito ay wawakasan ko na sa kung saan man siya naghihintay.

Nakahanda ko ng piratin ang nakahubad na kuto nang bigla akong nawala sa tamang pag-iisip. Dala ng mainit na hangin at tirik na araw, gumawa ako ng masayang activity na hindi katanggap-tanggap ng mga normal.

"Itan kuhaan mo nga ako ng buhok sa ulo. Yung mahaba ah!. Isa lang."

"Hah? Bakit?"

"Totorturin natin itong kuto na nakuha ko sa buhok ko."

At dahil kaibigan kong matalik si Itan, bumunot nga siya ng isang hibla ng buhok ko at masaya naming ginawa ang activity ng magkasama. Sana nga lang ay hindi ako batikusin ng PETA at kung anu-ano pang animal organization matapos kong isiwalat ang kwentong ito.

Nagtulong kami ni Itan na itali ang kuto gamit ang buhok. Nalaman ko na mas mahirap pa sa multiple choice na test ang pagtatali sa malikot na kuto. Hindi kasi namin matukoy kung saan nga ba ang tiyan, leeg, puson o balakang ng biktima. Para namang sanggol na pinupulbusan ang kuto. Bang ligalig aba!

Habang sinusuot namin kay Kutz ang buhok ng kamatayan (Huwahahaha) may mga bagay pa akong narealize. Nalaman ko na exciting palang magtali ng kuto kasama ang kaibigan. Kailangan mo ng matinding patience, focus, strategy, determination at kailangan mo ring tanungin ang sarili mo kung ano ba talagang pinaglalaban mo sa activity na ito.

Pero sa huli nagawa namin ni Itan ang bagay na imposible. (Kasi wala naman talagang normal na gumagawa nito.) Naitali namin si Kutz gamit ang isang hibla ng buhok. At dahil wala pa ang titser na nagtulak sa amin para gawin ang bagay na ito eh tinuloy na namin ang susunod na plano para sa nakahubad na kuto.

Binitbit ko si Kutz palabas ng aming room habang nakaalalay naman si Itan. Mahaba at maganda ang buhok na nabunot ni Itan kaya mistulang buteteng lumilipad sa ere si Kutz. Paglabas ng pinto ay pinaranas namin kay Kutz ang maghagdanan. Wala naman siyang "long leged" para ihakbang sa bawat baitang ng hagdanan kaya nakaladkad siya pababa.

Balak naming ipasyal sa school ang kaibigang kuto. Sa baba lang ng room ay ang office of the principal. Pero hindi naman namin pinakilala si Kutz kay principal. Feeling ko kasi shy type si Kutz. Tapos, tuloy lang ang tour habang nakasayad siya sa lupa at hinihila ko parin gamit ang buhok. Gumulong siya sa mga bato-bato dahil ipinarada namin siya sa mini garden ng school. Nasa baba na kami ng room at nagsasaya habang wala pa si titser. Papunta na nga ata kami sa pagkabaliw.

Sobrang saya. Alam ko na panaginip lang sa mga kuto ang mag-explore. Natutuwa ako't natupad ko ang pangarap ng bawat kuto sa katauhan ni Kutz. Napakasaya na naming tatlo ng mga sandaling iyon. Ako na kinakaladkad si Kutz, si Itan na umaalalay at si Kutz na mukang patay na ata. Bigla nalang akong napahiling na sana wag ng matapos ang pagsasayang ito. Pero pang-asar ng biglang......

"Taas na kayo! Papunta na daw si maam!"

Badtrip! Dali-dali kaming tumakbo pataas ni Itan. Nasakal ata si Kutz habang tumatakbo kami at hawak ko parin ang kabilang dulo ng buhok kung saan siya nakasabit. Para siyang lumilipad pero nasasakal. Nasasakal nga ba siya? Nasasakal siya kung leeg nga ang naitali namin. O baka tiyan yung naitali? Pwede ding sa may dibdib? O baka patay na talaga siya kaya hindi na nasasakal.

Umopo na agad kami ni Itan sa likod- ang pwesto ng mga batang may hangin sa ulo. Habang nakaupo at hinihintay ang pagtaas ni titser, itinuro sa akin ni Itan ang lamesang nasa likod namin. Laman nito ang mga bunot, walis tambo at floorwax ng section namin. Biglang kuminang ang mga mata ko. Dahil sa taas ng lamesa nakalagay ang isang flower vace.

"Its swimming time!!" Bulong ko sa sarili. Bulong na alam kong narinig ni Itan. Friendship goal na nga ito.

Salit-salitan kami ni Itan sa paglublob sa kuto sabay tanong kung sinong pumatay kay Lapu-lapu. Pero dumating si maam at napagod din kaming dalawa sa paglublob kay Kutz. Nakakainis dahil hindi umamin ang kuto kaya hinayaan nalang namin siya sa flowervace. Nakamarinate si Kutz doon hanggang matapos ang klase at nairaos na naman ang isang araw ng pagiging estudyante.

Si Eba sa hardin ng EdenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon