NGO: Mangalawang Mahagi

26 2 0
                                    



Naging biro na ang lahat sa amin. Konting sulyap, aasta kaming naiirita sa isat-isa kaya iiling-iling at iirap-irap kami. Nagkakaintindihan kami sa salita at kahit sa tinginan lang. Kaya lang, dahil nga palakaibigan eh inibig din siya ng marami. May mga dalaginding na nagkacrush sa kaniya. Wala naman akong pakealam doon. Kaya lang nararamdaman ko at naririnig pa na napag-uusapan ako ng ibang babae dahil sa kaniya. Kesyo bagong kilala palang daw kame pero may relasyon na agad. Ang swerte ko daw. Ingit daw sila.

"Abay tigil-tigilan nyo ako sa pagiging O.A nyo dahil hindi naman romantic pag-usapan ang kulangot at malapad niyang ilong sa araw-araw na magkasama kami!! Kagigil." (Sigaw ko sa isipan)

 Kaso kita mo rin naman talaga ang busilak na puso ni Antinor na nang-aalok lang ng puro at tapat na pakikipagkaibigan. Gusto ko yon (at sana gusto din ako. cheret.)

Para ko siyang kapatid. Kahit pa kung tignan ako ng iba ay para akong yaya sa tabi niya. Pero nababaliwala ang mga sabi-sabi kapag nagkwekwento na siya o kaya kapag nakikinig naman siya sa akin. Ang daming nabuong masasayang alaala kasama siya. Hindi ako makapaniwala na makakatagpo ako ng kaibigan dahil sa salitang pelikula. Talagang gustong-gusto naming dalawa ang pelikula. Nangangarap kami na balang araw ay maging isang film director.

Isa sa hindi ko makakalimutang eksena sa buhay ko ay yung sumapi ako sa isang drama club kung saan nauna ng sumali si Antenor. Wala naman talaga akong balak. Pero dahil ako ang propsman ng bayan, at dahil sa konsepto ng "gawa ka props, may scollar kana agad" kaya sumama narin ako. Hinikayat din ako ni Antinor kaya umoo na agad ang lola mo. Tsaka biruin mo, gagawa ka lang ng props eh kakaltasan na agad ang bayarin mo sa school. Malaking bagay yun. Nakapasa naman ako sa audition. Tsk tsk. Kahit propsman eh kailangang umacting. Buti nalang natural sa akin ang maging artist in an instant. Ahhhaahha. Kaya lang mas nakakasama ko pa si Antinor. Mas lalo ko pang naramdaman ang prisensya ng mga babaeng inggitera. Yung iba sa kanila badtrip kasi kasama pala namin sa club.

Mga ilang linggo rin matapos akong matanggap sa drama club ay binaksakan agad ako ng gawain. Foundation day ng school. Sa event na iyon ay mabibigyan ng pagkakataon ang bawat organization na mag-isip ng gimik at kumita para magkapondo. Hindi naman pwedeng magpahuli ang club namen. "Ang teatro Rizalenyo". Agad akong binigyan ng pera ni president para gumawa ng dekorasyon. Aariba na naman si Maria. Pero mag-isa lang ako sa pagkakataong ito. Ako lang kasi ang nag-iisang propsman ng grupo. Badtrip. Tapos nag-hahanda naman ang mga artista sa iba pang bagay kaya wala ding makakatulong sa akin. Idagdag mo pang wala naman talagang interesadong tumolong sa hamak sa tulad ko. Kase nga ako ang kampanerang kuba ng teatro.

Hindi ko alam kung anong klaseng grupo ang nasalihan ko. Pagkatapos ng klase noog umaga nagkaroon ng meeting ang teatro. Nag-ambagan pa ang mga kamyembro ko bago ako makapamili ng mga kagamitan. Wala pa kasi kameng pondo o kahit arinola man lang na naipundar. Madalas kasing ipatanggal ang drama club. Hindi ko alam kung anong klaseng trip yon pero laging nagsisimula ang club na ito sa wala at madalas ding magtapos sa wala. Ito ang nakakaputok ng ugat. Pagtapos ng meeting at ambagan biglang sasabihin sa akin na bukas na ang foundation day. Malamang. Kailangan bukas din ng umaga tapos na ang lahat ng props. Oras nalang ang bibilangan. Dapat lahat ng pinagagawa nila ay matapos ko. Anu't ano pa man. Sureball na ang menus gastos na tuition fee kapag nagawa ko ang papel ko bilang props man.

Giant cellphone, pangalan ng org. , pamagat ng tatlong booth ng aming org. at san damak-mak na abubot para makahakot ng mga estudyante ang gagawin ko. Gagawin KO. AKO. Nagalit pa si nanay pag-uwi ko ng gabi. Papatayin ko na naman daw ang sarili ko sa paggawa ng mga props na tulad noong high school. Nakakalungkot kase walang gustong tumulong sa dukhang tulad ko. Kung andito lang sana si Antinor. Kaya lang pinag-uusapan pa nila yung booth na nakatoka sa kanila. Boyfriend for hire daw. Isa si Antinor sa mga boyfriend na parang isdang ilalako sa foundation day. Pero bago ko pa simulang gawin ang lahat, kailangan ko munang maghintay para sa aming vice president. Ipapaliwanag pa niya ang mga pagbabagong nangyari 14 hours bago isabak sa foundation day ang mga props. Tsk tsk. Tama nga si nanay. Pinapatay ko ang sarili ko.

Nabawasan pa ng ilang oras ang 14 hours na paggawa ko ng mga props. Nalate kase si VP. Hinanap pa ang bahay namen. Oo. Ako na mismo ang pinuntahan ni VP. Umuwi na kasi ako ng bahay pagtapos mamili ng art materials. Laking gulat ko na may alalay na kasama si VP ng kumatok ito sa aming pinto. Hulaan mo kung sinong kasama niya? Edi si Antinor. Oo naman po natuwa po talaga ako ng makita siya. Pero nalungkot rin dahil matapos naming pag-usapan ang mga gagawin ko at matapos akong kamustahin ni Antinor eh umuwi din sila agad. Madilim na kase. Mga 9:30 na rin.

Isang gabi ng paggagahol at paghagulgol. Pagpapakapagod para sa iskolar. Tsk tsk. Busy din talaga kase ang mga artista. Hindi lang sila magbabantay sa booth bukas, sasali pa sila sa isang speech cholar contest at kasama doon si Antinor at meron pa raw silang gagawin pang kaartehan kasi mga artista nga sila. Marahil tama nga lang na magpahinga na siya. Unti-unti ko ng sinusimulan sa paggupit ang lahat. Nang biglang may nanggambala ule. Opo mga kababayan, si Antinor nga. Kumatok siya sa bahay. Nagulat ako at medyo kinilig dahil bumalik si Antinor. Pinapasok ko siya agad sa bahay at natulog kame agad. Kung pwede lang eh iyon nga ang ginawa ko. Pero hindi.

"Buti nalang nakita ko yung batang taga sa inyo kaya nakabalik ako."


"Bakit ka bumalik?"

"Hindi. Hinatid ko lang si VP. Buti nga nahanap ko yung bahay nyo. Nalimutan ko kase agad"

"Bakit ka bumalik?"

"Tutulungan kita."

Kinilig ako pero nangibabaw ang takot. Wala pang dinadalang lalake si Maria sa bahay nila. Puro feminine ang mga lalaking nakakapunta sa bahay, pero walang makisig na Antinor ang nakapasok ng bahay ng dis oras ng gabi. Nababaliw na ako. Pinagpapawisan na para bang hindi ako komportable sa sarili kong bahay. Baka kase kung anong isipin ng nanay at baka kung ano lang ding isipin ni tatay kung sakaling malaman niya ito. Tsk tsk. Si Maria nagdadala ng lalake sa bahay.haha.Paktay! Tsaka gabing-gabi na din. Malamang dito na siya makitulog. Paktay nanaman. Double dead na ako nito.

Anut-ano paman, hindi na kami nag-aksaya ng oras ni Antinor at agad ngsinimulan ang pagpapakaartist. Nagulat nalang ako na may dala-dala ng noodlessi nanay. Niluto niya para sa dayo na mukang dito na nga talaga magpapalipas nggabi. Senyales na gusto nga niya ang magiging manugan. *typo error*. Ang sayalang dahil napuno ang gabi ko ng isa na namang serye ng mga kwento mula kayAntinor. Kung sino siya noong bata at kung ano na siya ngayon at kung anu-anopang kwentong barbero ang aming pinagsaluhan. Pinagtawanan ko din siya dahilnasa kalagitnaan kami ng paggugupit at pagdradrawing ng biglang tumawag angmama niya na nasa Hongkong noon. Panganay si Antinor kaya siya ang kinamusta ngina at tinanong ang lagay ng iba pang dalawang kapatid. Sa huli ng tawagan ayang matamis na "I love you" sa isat-isa ng mag-ina.

Nakakatuwa dahil mabilis na natapos ang lahat ng props at nagkaroon pa kami ngoras para matulog. Salamat sa pagtulong kaibigan. Sa isang pahabang kahoy naupuan natulog si Antinor sa may salas namin. 5 am ng may kumatok sa bahay para sunduinang mga props at ihahatid sa school para maikabit na ito sa aming pwesto.Ginising agad ako ni nanay at dinatnan kong nagpupunas na ng muta ang datingmahimbing na natutulog na si Antinor. Bumalik din si Vice at kasama angpanibagong assistant. Nagulat din siya ng malamang sa bahay natulog si Antinor paralang matapos ang aming obra. Natuwa si Vice sa output. Magaling! Magaling! Thebest ang team work. Hinatid ko sila Vice, Antinor at yung isang assistant samay pinto. Bago tuluyang umalis ngumiti muna sa akin si Antinor at nagsabing"Pwede kana uling matulog". Pero parang hindi ako makkatulog sa kilig.Mcs89jc84m5ltt0ertgjvh3

Natulog ako ng mga ilang oras pero agad rin akong bumangon para kamustahin anglagay ng booth. Laking gulat ko na wala pang naididikit miski isa sa mgapinagpuyatan namin . Agad akong pumilas ng tape at pinagsasalpak ang mgadekorasyon. Inasemble ko rin ang wala pang pundasyon na cellphone para saselfie booth. Nag-iinit na ang ulo ko. Dismayadong-dismayado ako. Dismayado pasa pinaka dismayadong tao sa mga oras na yun. Eh kaya naman pala lilitaw atlulubog ang club na ito! Pero bago pamatapos ang mga dinidikit ko ng walangpumapansin, biglang isang pamilyar na ilong ang natanaw ko mula sa kalayuan.Sino? Edi si Antinor po muli. Sa isa na namang pagkakataon, tinulungan ako niAntinor na tapusin ang gawain. Samantalang ang mga artista ay kinacareer angpagiging artista. Panay ang pagpapaganda kanina pang umaga. Pweh!

Matapos mag-ayos binigay naman sa akin ni VP ang giant cellphone na umay na umay na talaga kong makita. Ilibot ko daw yon para kumita ang club. Laking pasasalamat ko lang talaga sa pag-ibig na nananalantay sa dugo ko ng mga panahong iyon. Buti hindi ako nawala sa sarili at hindi ko sila kinaladkad gaya ng kay Kutz. Ako na nga ang gumawa sa props ako pa ang nagdikit ng mga decorations tapos ako parin hahawak ng selfie booth para kumita at malamanan ang pondo ng organisasyong walang kwenta! Edi wow! Ako na octupos! Pero ginawa ko parin. Oo. Ako na nadin ang utu-uto.

Pero saalamat nalang talaga kay Antinor na sinamahan ako sa pagdadala ng giant cellphone/ walking selfie booth. Isang malaking cellphone na pwedeng gawing frame para sa mga gustong magselfie at mag-aksaya ng dos dito. Masaya narin dahil pinagtawanan nalang namin ang mga lalake na naiwan sa "Boyfriend for hire". Nilangaw kase sila. Wala namang naghire sa kanila. Nakatakas din si Antinor na mabenta sa booth na iyon. Hindi rin naman niya gusto ang mala nilalakong isda na konsepto ng boypren por hayr. Kaya sabay nalang naming inenjoy ang foundation day. Habang tumatawa sa gilid at inaasikaso ang sarili naming booth.




Si Eba sa hardin ng EdenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon