NGO: Mang-apat na mahangi

21 1 0
                                    


Hindi ko alam kung paano maipapakilala ng buong-buo si Antenor sa buhay ko. May mga pagkakataon kaseng nagsisisnungaling ako sa sarili ko kung sino nga ba siya para sa akin. Kaya inilatag ko ang mga kwentong mas magpapakita kung sino nga ba sya.

Nakakatawa dahil hindi sapat ang 4000 words para maiparamdam ang buhay niya na biglang hinalo sa buhay ko. Ngunit sana sa paraang ito ay nailarawan ko sya na para bang nakita niyo narin kung gaano kalaki ang ilong niya. Wag ka sanang matulala kung sabihin kong intro palang ito kung sino nga ba si Antenor. Pero hindi naman talaga tungkol kay Antenor ang buong librong ito. Tungkol din ito kay Jerome, Jaquin, Mateo at Angelo. (Biro lang) Madami pang lalake ang nag-istambay sa buhay ko.(Madalas lalakeng kaibigan) Alam kong sayo rin.

Bilang isang babae, malaking parte ang mga gantong bagay para tuluyan akong umusbong. Kung intro palang ito at marami pa ngang lalake sa buhay ko.......edi marami-rami pang kaharutan ang pagsasaluhan natin.


Ano nga bang magagawa ko kung hindi isulat lang ang laman ng aking puso.

dahil.......

Mula sa kanya sumibol ang mga bagay na hindi ko inaasahan. Isang binhi na tinatawag na pangarap ang itinanim niya sa loob ko. Pero kasabay ng kanyang pagkawala ay ang unti-unting pagkalanta ng pangarap na sabay naming pinayabong.


Si Eba sa hardin ng EdenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon