Project sagip Antinor

14 1 0
                                    

Sa school.

"Wala na naman siya?"

Bulong ko sa sarili ng makitang absent na naman si Antinor.

"Ano kayang nangyari doon?"

Simula ng mapalapit si Antinor kay Rachel at mapalayo naman siya sa akin eh para na siyang naging ilaw na paindap-indap. Parang kabuti na lulubog at lilitaw. Parang malayo na siya at hindi ko na matanaw. Kapag nandiyan naman malimit na kaming magpansinan. Ang buong atensyon niya ay kay Rachel na. (Makirot sa puso) Sa mga pagkakataong hindi siya nasisilayan ng aking mga mata- ako'y nababahala.

"Anong nangyayari sayo Antinor? Hinahanap-hanap ka ng mga mata ko. Gustong marinig ng tenga ko ang boses mo. Kahit sa malayo. Gustong-gustong maamoy ng ilong ko ang axe chocolate na body spray mo. Nasan kana? Buong "Ako" hinahanap ka."

Kaso wala. Kaso nganga.

Gabi na natapos ang klase ng mga panahong iyon. Mag-isa akong sumakay sa jeep. Habang nasa byahe pauwe para akong binabangungot ng gising. Nagtatalo ang isip at puso ko.

Puso ni Maria: Puntahan mo na si Antinor madadaanan mo naman yon. Napapariwala na siya. After all kaibigan ka parin niya. Dapat mo paring gawin ang lahat ng makakaya mo para maibalik siya sa katinuan at magseryoso sa pag-aaral.

Utak ni Maria: Sinong niloko mo? Eh matagal na nga kayong hindi nagpapansinan. Tsaka may Rachel na siya! Edi si Rachel na lang ang umasikaso sa kaniya. Wag ka nang sumingit-singit sa teleserye na hindi naman ikaw ang gusto ng leading man.

Puso ni Maria: Oo hindi ikaw ang pinili. Pero pwede mo parin siyang piliin bilang kaibigan. Pwede ka paring magcare sa kaniya bilang kaibigan. Pwede mo parin siyang mahalin bilang kaibigan.

Nag-iinit ang katawan ko sa pagtatalo ng mga lamang loob ko. Parehas may punto ang dalawa. Si puso at si utak. Kailangan ko naring magdisisyon dahil malapit na ang jeep sa subdivision nila Antinor. Kung lalagpas ang jeep ng wala pa akong matibay na disisyon eh baka nga hayaan ko nalang si Antinor.

Utak ni Maria: Huwag kang malandi! Panindigan mo yung una mong desisyon na layuan siya. Manindigan ka naman! Huwag kang malambot!

Puso ni Maria: Huwag mong hayaang pagsisihan mo na wala kang ginawa para sa kaniya. Alam mong nalalaglag na siya sa bangin. Tulungan mo naman. Kung hindi pwedeng bilang kaibigan eh bilang tao nalang.

Binalin ko ang tingin sa bintana ng jeep. Dahan-dahang lumagpas ang sasakyan sa subdivision kung saan nakatira si Antinor. Lumagpas ang sinasakyan ko ng wala pang napipili. Si puso ba o si utak? Habang papalayo sa subdivision- malagkit lang ang tingin ko at malungkot.

"Para po!"

Sino yun?

Ano yun?

Hindi si puso, hindi rin si utak. Si bibig ang pumara. Nagmadali akong bumaba at tumakbo sa tapat ng subdivision. Wala na ngang bawian ito. Nanlalamig man ang katawan, hindi ko man alam ang mga sasabihin- magbabakasakali parin. Sana maipanalo ko ang gabing ito.

Kumatok ako sa kanila. Ang babae niyang kapatid ang bumungad sa akin. Napakagandang bata.

"Ano po yun?"

"Nandiyan ba si Antinor? Classmate niya ako. Paki sabi si Victoria."

Balik naman sa loob si Mica at tinawag ang kaniyang kuya. Sumilip ang makisig na si Antinor na topless at naka short-short.

Utak ni Maria: Tama nga ang disisyon mo! Win na win. (Nasiyahan sa nakita)

Kumaripas ng pag-aayos si Antinor at lumabas agad na may suot ng shirt pero nakashort-short parin.

"Ang ikli naman ng short mo!"

Hindi niya ako pinapasok sa bahay nila at dumiretso na kami sa paglalakad palabas ng subdivision. Tamang lakad lang para mapag-usapan ang short niya este ang pakay ko kung bakit ako kumatok ng gabi.

"Bakit di kana pumapasok?"

"Hah? Pumunta ka dito para itanong yan?"

"Oo. Nagtataka din kaya sila(classmate) kasi madalas wala ka. Ano bang nangyayari sayo?"

"Tinatamad na ako eh. Tsaka uuwi na din si mama. Hindi na niya kami masosoportahan. Dapat ko na siyang tulungan sa pag-aaral nila Mica at Mac-mac."

Nasa kalagitnaan kami ng seryosong pag-uusap nang may makasalubong kaming lalaki na medyo nakainom. Pasuray-suray siya ng kaunti pero nagagawa paring maglakad. Tapos bigla niya kaming sinigawan.

"Oh! Bakit may ibang babae ka na namang kasama? Kanina iba yung babaeng kasama mo! Ngayon iba na naman."

Puso ni Maria: Eng sheket.

"Totoo ba iyon Antinor? Paano mo nagawa sa akin yon? Akala ko ako lang? Ayoko na! Break na tayo!"

Iyon sana ang gusto kong sabihin kaso wala nga naman kaming relasyon. Pinakinggan namin yung sigaw ng lasing pero tuloy parin kami sa paglalakad at nag-usap nadin matapos ang interapsyon ng isang matapat na lasinggero.

"Ano ng gagawin mo?"

"Gusto ko nadin kasi talagang maging direktor. Minsan nga gusto ko nalang magpasagasa. Tapos yung sasagasa sa akin eh direktor din sana. Tapos di ko nalang siya ipapakulong. Sasabihin ko gawin nalang niya akong diretor. "

Utak ni Maria: Luh! Anong pinagsasabi nito?

Naipit na talaga siguro sa problema si Antinor kaya nawawala na siya talaga sa katinuan at kung anu-ano na ang mga sinasabi. Anu't ano paman eh na miss ko siyang makausap.

Sinubukan kong buhayin ang namamatay na alab sa puso niya. Namili ako ng mga magagandang salita para mapalakas ang nanghihi niyang ispiritu. Alam kong malaking bagay din ang malaman niyang may naniniwala sa kaniya kaya sinabi kong naniniwala ako sa kaniya.

"Papasok parin naman ako. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan."

Sapat na ang mga salitang yon para kumalma ang puso at utak ko. Atleast may hope parin na makikita ko nga siya sa school. Naniniwala din ako na makukuha naman sa dasal ang lahat. Makakapasok pa si Antinor. Makakatapos siya ng pag-aaral. Naniniwala ako sa kapangyarihan ng Diyos at naniniwala ako sa kakayahan ni Antinor.

Hinatid niya ako hanggang sakayan ng jeep at bumyahe ako ng may ngiti. Alam kong nakangiti din ang puso at utak ko habang papauwi. :)












Si Eba sa hardin ng EdenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon