Extra 2: Noong naging song bird ako

43 1 0
                                    


Nagsimula akong mangarap noong sabihan ako ni Ate Sheren na maganda daw ang boses ko matapos niya akong marinig kumanta. Pagkatapos na pagkatapos ng gabing iyon eh pinatunayan ko agad sa mundo na may ginintuang boses nga ako. Anong ginawa ko? Nagkaroon ng Christmas Party noon sa simbahan at.........

"Magbibigay ako ng bente sa magaling kumanta na bata!!" Sigaw ni Chairman habang nagkakainan na ang mga tao.

Kuminang ang mga mata ko.

" Pagkakataon ko na ito" Sabi ko sa sarili.

"Ate Sheren will be so proud of me after this." Sabi naman ng puso ko.

Tinaas ko agad ang kamay at sunod-sunod nading nagtaasan ang kamay ng mga mumunting batang feeling song bird.

Mga anim ang umakyat sa stage. Lima ang nag-aasam na masungkit ang bente pesos na premyo at ang isa ay nag-aasam lang ng mga palakpak mula sa madla.

Kumanta na si contestant number one. Ok lang. Pwede na. Pinalakpakan siya ng madla. Sunod si number two. Ok lang din. Pumalakpak din ng madla. Tapos sunod na si three, four at five. Ganon din. Natuwa ang madla dahil pwede na ang mga boses nila. Sa isip-isip ko, oo pwede na. Pwede na silang matalo.

At dumating na ang mikropono sa mga kamay ko. Pagkakataon ko na ito. Ito na talaga ang simula ng lahat. Ako na ang susunod sa song bird. Magiging akong song chick.

Kanta Maria!

"Pagdating ng panahon....baka ikaw rin at ako...pagkatibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo......"

Tumawa ang madla.

Napahinto ako dahil palakpak ang inaasahan ko.

Napahinto ako at tumitig sa bawat muka ng tao na tumatawa.

Maya-maya nangyari ang di inaasahan pagtapos ng halakhakan. Nawalan ng koryente. Oo. Kumanta ako, humalakhak ang mga tao at biglang nagbrown out. Naiwan ako sa gitna ng stage hawak ang microphone habang walang mga ilaw. Tumaas si chairman sa stage kinuha ang microphone at habang bumababa ako stage, isa, dalawa, tatlong hakbang bigla ng bumalik ang ilaw.

Asar no!

Napahiya ako non. (Pero tawang-tawa ako habang sinusulat ito. Pa song bird-song bird kapa diyan ah!)

Pitong taon lang ako non. Napagtripan ni ate Sheren. Siguro nabutas ang eardrum niya kaya sinabihan niya akong maganda ang boses. Hindi ko naman alam na pang-aasar pala yun.

Sa ngayon tinatawanan ko nalang ang mga nangyari. Iyon ang naudlot na karera ko sa pagkanta. Baka sa susunod na Christmas party uli sasali ako. Baka makuha ko na yung benteng premyo sa pagkakataong iyon.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Eba sa hardin ng EdenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon