CHAPTER 172

381 20 0
                                    

Sam's POV

Pag katapos ng nasaksihan namin kanina ay pinabayaan na muna naming mapag isa si jay.

Gusto ko siyang hanapin para sabihin na kasama niya ako sa lahat ng kaniyang laban,ngunit mas makabubuti ngang pabayaan na muna namin siya.

Kalahating oras ang aming biyahe nang nakarating kami sa mansion nila dustine.

Nakaka-panibago lang dahil hindi kami sinalubongan ni Tito.

Kanina,nakita Kong umiiyak si Dustine.

I know there's something wrong...

Pina-daretso na kami ni Tito sa kaniyang office.

Pag pasok namin ang unang bumungad sa amin ang lalaking nakatalikod habang nakaupo sa may swivel chair.

Pinaupo kami ni dustine.

Tahimik lang naming hinihintay na mag salita si Tito.

"Kamusta ang anak ko?"panimula niya.

Kumunot ang aming noo.

"Sinira niyo ang masayang pamilya ko."dagdag nito.

Pag harap niya,una siyang tumingin sa daddy ni Ethan.

Nanlalaki ang kaniyang mga Mata habang nakatingin dito.

He look so angry..

Namumutla si tito robert nang makita Niya ang daddy ni dustine.

Nalilito kaming tumingin sa kanila.

Laking gulat namin nang biglang lumapit si tito david Kay tito Robert at malakas niya itong sinuntok.

Agad namang hinawakan ni dustine ang kaniyang daddy.

Lumapit ako kay tito robert na ngayon ay tulala pa rin sa mukha ni tito David.

Kita ko ang mga luhang pumatak sa mga masiyahing mga Mata ni Tito David.

"May kasalanan ba ako sa inyo para gawin to sa pamilya ko?!"umiiyak ng tugon ni Tito David.

Binitawan na namin si tito robert.

"D-david.."tawag nito sa pangalan ni Tito.

"OO,AKO NGA.ANG TAONG NAGING MESIRABLE ANG BUHAY NANG DAHIL SA IYO!"

pansin ko ang pag iyak ni tita.

"Bri,alisin mo muna si tita dito."tugon ko.

Tumango naman ito,sabay hila niya sa kaniyang inang umiiyak.

"P-pero hindi ako--"

"ANO BANG  KASALANAN KO SAYO?!"galit na tanong ni Tito David.

Putol nito sa sasabihin ni tito david.

"Tito,huwag naman ho kayo---"

"Ethan, pabayaan na muna natin sila."tugon ni dustine.

"Hindi ko gusto ang lahat..hindi ko gustong mamatay ang asawa mo."habang umihiling-hiling ito.

Ang daming  tanong sa aking isipan ngunit mas pinili ko nalang tumahimik.

"DAPAT KANG MAKULONG SA BILANGGUHAN!ISUSUMPA KO SAYO NA HINDI KANA MAKALALAYA PA!"umiiyak na tugon ni Tito.

"Dad..."tawag ni dustine Kay Tito."H-hindi siya ang pumatay kay mommy.."

Bumaling si Tito kay dustine na may halong pag kagulat.

[Book 2]I FOUND MY LIFE:THE TRUTH (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon