Rinig ang bulungan nila.
hindi sila makapaniwala...
"Yung mga schoolmates ko na nandito ngayon... Kilala niyo siya diba?"
"Ang pogi niya." Pagtutuloy ko pa.
Humarap ako kay Gian.
Unti unti kong tinanggal yung mask niya at humarap ulit ako sakanila.
"This... is... my... boyfriend."
Nagsitahimik ulit sila. Nakikita ko yung mga kaklase kong babae na malapit saamin, nakanganga na yata sila.
"Siya ito. Si Gian Marco Almeda. "
Nagpalakpakan na sila sa wakas. Hinawakan ko naman ang kamay ni Gian.
"Akin siya. Kaya kung sino man ang aaway sakanya, lalandi sakanya, I swear. I will make your life misserable. "
Tumahimik ulit.
"JOKE LANG! SIGE NA ITULOY NIYO NA."
Bumaba na din kami mula sa stage.
"Oh My God. Gian. Siya yan?! Bakit... anong..." Si Mimi kaklase ko din. Nakaturo pa siya kay Gian.
"Kase... Mahal niya ako."
At iniwan na namin siya doon.
Haha.
"Tara. Ang ingay dito. May alam akong magandang lugar."
"Saan?"
Hindi ko na sinagot si Gian at hinila nalang siya papunta sa kwarto ko.
"Dito?"
Hindi ko parin siya sinagot. Lumabas kami papunta sa terrace.
"Dito?"
"Doon"
Tinuro ko yung bubong.
"Ha? Paano aakyat jan? Baka mahulog ka."
Natawa nalang ako sa sinabi niya.
"Sa pagcucutting ko in more than 3 years? Haha."
"Una ka na."
-____-
"Nakadress ako."
"Wala ka bang tiwala sakin?"
Tumalikod na ako at umakyat. Nakaalalay naman siya sakin.
Pagkaakyat ko sumilip ako. Nakita ko na paakyat na din siya.
Ang unang sabi niya...
"Woah."
Nakita niya kasi yung tent.
"Palagi ka bang nandito?"
"Madalas. Hahaha."
Pumasok ako sa tent ko.
"Gian! Pumasok ka!"
Agad naman siyang sumunod.
"Woah... Ang ganda."
Just describing. Malaki yung tent ko. Sa loob. Nandoon yung mga stuffed toys kong mga pusa. Halos puro blue din.
"Kamukha mo... mama mo?"
Tumango ako.
"Parehas kayo...Maganda."
Kinuha niya yung frame at tinitigan pero binalik din agad.
"Bakit ka may ganito?"
"Ramdam ko kasi... hinihigop ng mga stars lahat ng sakit na nararamdaman ko."
BINABASA MO ANG
INFLUENCED ME
Teen FictionYung sobrang hindi ko alam ang isusulat ko dito kasi nasa prologue ko. Ang daming nakakita_ wala namang bumabasa! Pansinin niyo naman po itong istory ko. Tungkol to sa babaeng kapangalan ko. Basta!!! Maganda ang ending promise! Tapos ko na kasing is...