CHAPTER TWENTY:

215 2 0
                                    

Hindi pa ako pumapasok mula last week na nakipaghiwalay ako.

"Lian! Hindi ka parin ba papasok?!!"

"WAG NIYO AKONG KAUSAPIN!"

At hindi parin ako lumalabas dito. Hindi na ako kumakain. Pero si Siopao pinapakain ko naman...

"Nagpapakamatay ka ba?!!"

Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Kuya Light.

"Kung pwede, SANA."

"Ano ka ba?! Ikaw na nga tong nanggamit. Ano bang dahilan mo para magkulong dito?!"

"LEAVE ME ALONE! WALA KANG ALAM SA NANGYAYARI KAYA WAG KANG MAGSASALITA NG TAPOS! BAKIT BA HINDI MO NALANG AKO PABAYAAN?!"

Nagtalukbong ako ng kumot tapos umiyak ulit.

Namimiss ko na si Gian. Yung mga yakap niya. Yung mga halik niya... Yung amoy ng pawis niya. Lahat.

"Hindi mo sinasabi samin kung anong nangyari, do you expect us na kampihan ka kung alam naming ikaw yung nanloko?"

"Just leave me alone. Bawal kong sabihin"

"Kahit manlang sana kumain ka. Please."

Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko na siyang umalis.

May iniwan siyang pagkain... Nagugutom na talaga ako. Kinain ko nalang. Hindi ko naman panata.

May pinagplaplanuhan akong gawin para magkabalikan pa kami ni Gian.

Yun ay ang ibalik si Eyan sa dati. Hindi din alam ni Ate Stephanie yung ginawa samin ni Eyan pero sabi niya kailangan na daw magpapsychiatrist ni Eyan.

------------------------

Nagpasya akong puntahan si Gian kinahapunan.

Naghintay lang ako sa labas ng pinto ng unit niya.

"Gian."

Tumayo ako at niyakap siya.

Pero...

Tinulak niya ako ng malakas na tumama pa yung likod ko sa pader.

"Umalis ka na dito. Ayaw ko ng makita yang pagmumukha mo."

Napaupo nalang ako doon.

Ang sakit ng likod ko... Ang sakit ng katawan ko...

----------------

"Gising ka na pala. Nangangayayat ka na. Kumain ka muna."

Umupo ako ng maayos...

"Eyan... "

"Nakita kitang pinuntahan si Gian. Nakita ko din yung pagbagsak mo sa sahig. Dinala muna kita dito para gamutin ka."

Tumayo ako at niyakap si Eyan...

Kahit hindi na siya yung Eyan na nakilala ko...

Siya parin pala yung Bebi ko...

Kahit hindi ko na siya mahal...

"Namiss kita... Bakit ka ba nagkaganito? Puwede mo namang tanggapin yung friendship na inalok ko."

*Silence..*

Kumalas ako sa yakap niya.

"Mahal kita. Hindi ko matangap na naagaw ka na niya sakin. Gusto ko akin ka lang. Pero ngayon... Alam kong nahihirapan ka na... Pinapahirapan kita... Hahayaan ko na kayo. Please, kahit one week lang dito ka tumira. Dito ka na muna. May mga damit ka naman dito."

INFLUENCED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon