"Gian... Mamaya na yung operation."
Humawak siya sa kamay ko.
Nandito kaming lahat sa garden ng Ospital. 8:OO na ng umaga.
Nakawheel chair si Lian at nakaupo ako sa tabi niya.
"Natatakot ka?"
Tumango lang siya.
"Bakit? "
"Paano kung hindi na ako magising? Paano kung magkamali si Tito? Paano kung ma.... ma...mamatay ako?"
Parang automatic na tumayo ako at niyakap siya.
"Hindi pwede. "
Yun lang ang nasabi ko bago ako humiwalay sakanya.
Basta
... Kagaya ng mga sinabi niya kagabi...
Ganun din sakin
...
except sa parte na sinabi niya na iba yung kay Sr.Eyan.
"Hindi ka ba papasok?"
-siya.
"Hindi na. Pagkaokay ka na. Sabay nalang tayo."
Tumingin siya sa side niya kung saan may bulaklak na gumamela. Pinitas niya yung bulaklak.
"Pumasok ka na. Hindi mo naman kailangang gawin yan. Nadadamay ka na. Baka hindi ka pa makagraduate niyan. Hayaan mo na ako."
Kung pwepwede lang na batukan to eh kanina ko pa ginawa.
Hayaan?
"Ginusto ko naman to eh. Wag kang mag-alala. Makakagraduate tayo."
Lian's Pov
Paano kung siya lang ang makagraduate? Paano kung magkamali si tito?
Si tito daw kasi magoopera sakin. Kaibigan ni Papa.
"Gian. Pasok ka na."
"Bat mo ba ako pinapaalis??"
"Paano kung bumagsak ka? Hayaan mo na nga kasi ako."
Sa totoo lang... Ayaw kong nandito siya. Kasi... natatakot akong mang-iwan.
Oras ko na ba?
Minsan ko lang kausapin ang Diyos...
Lord. Time ko na ba? Signs naman oh. Magpapaalam na ba ako? Kailangan na ba?
"Maam Lian. Tawag po kayo ng papa niyo."
Tumango ako. Nagsilapitan naman sina Kuya.
"Bes! Good Luck. Magpromise ka na hindi ka sasama sa ... you know... HA? Magboboy hunting pa tayo."
Saka ako niyakap ni Ishi ng sobrang higpit.
"Alagaan mo kuya ko ah."
Bulong ko naman.
"Haha. Oo naman."
"Lian. Good luck. Pagkatapos nito manonood tayo ng mga movies ni Taylor Lautner. "
Niyakap na din ako ni Ate Cath.
"Hahaha. Ate... Gusto ko ... Kayo ni Kuya ah? Aalagaan mo siya. Pagtiisan mo nalang. Ha? "
"Pagnagising ka... pero paghindi hihiwalayan ko yan."
Nagngitian kami bago lumapit si Kuya Light.
Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.
"I know you're strong. You can do this."
Niyakap ako ni Kuya Light at hinalikan sa noo.
BINABASA MO ANG
INFLUENCED ME
Teen FictionYung sobrang hindi ko alam ang isusulat ko dito kasi nasa prologue ko. Ang daming nakakita_ wala namang bumabasa! Pansinin niyo naman po itong istory ko. Tungkol to sa babaeng kapangalan ko. Basta!!! Maganda ang ending promise! Tapos ko na kasing is...