CHAPTER TWENTY TWO

316 4 3
                                    

"Sorry din. Mula ngayon. Hindi na kita kokontrahin. Susuportahan kita sa paghihintay mo."

"Salamat."

"Happy birthday. May gift ako sayo."

Isinuot ko yung bracelet sakanya.

"Thank you Ishi."

"Tara na? Magcecelebrate ka pa ng birthday mo."

Nagnod nalang siya.

"Isang tanong lang."

"Ano?"

"Kahit kaunti ba hindi mo nagustuhan si Joseph?"

Humiga siya sa kama niya.

"Mahal ko si Gian."

=___=

Kahit kailan talaga. Hindi marunong sumagot.

"UM. Tara na? Nasa baba yung kambal na kuya mo."

Kinapa niya yung kamay ko at tumayo na.

"Tara na."

>>>>

Pagkababa namin, inilapit ko si Isha kay Light na agad naman niyang niyakap.

"Sorry Kuya ... Light."

"Sorry din Lian."

"Ako wala?"-Jared

"Nakikita ko kasi kayo kaya alam ko kung saan kayo nakapwesto. Nasan ka ba?"

Nagkapa si Lian at nilapitan naman siya ni Kuya Jared.

"I love you Lian."

"Sorry Kuya."

---------------

2 YEARS PASSED

Gian's Pov

Kakatapak ko lang ulit dito sa Pilipinas. Apat na taon akong nawala.

Pumunta ako sa iba't ibang lugar kagaya nalang sa Japan, France, New York.

Pero... hindi ko parin malimutan yung nangyari. Nandito parin yung sakit. Sakit na dinulot ni Lian.

Ginamit lang niya ako. Pero mahal na mahal ko parin siya.

Sila parin kaya ni Eyan? O... baka kasal na sila. Baka may mga anak na din sila kagaya ng mga pinangarap ko na mangyayari saamin ni Lian.

"Ate. Nandito na ako."

Napaslow motion naman ang paglingon niya sakin.

"GIAN!!!"

Tumakbo siya at... akala ko yayakapin niya ako... pero...

sinampal niya ako.

"Hindi mo alam kung anong nangyari pagkaalis mo."

Umupo ako sa sofa ng office niya.

"May kailangan ba akong malaman?"

"Si Lian."

"Ayokong marinig ang pangalan ng manlo-"

"Hinihintay ka parin niya. 4 years na siyang naghihintay na balikan mo siya. 4 years na din siyang naghihirap."

Ako? Hinihintay?

Bago ko pa naman matanong, may tumamang suntok sa pisngi ko.

"Tarantado ka! Kung makikita mo lang ginawa mo sa kapatid ko! Gago!"

Tumayo naman agad ako.

"Gago ka din! Kayo ng kapatid mo. Pagkatapos niya akong gamitin at lokohin kayo pa may ganang ma-"

INFLUENCED METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon