"Tito.. Alagaan niyo po ang mommy ko. Wag niyo po siyang papaiyakin."
Ginulo ko yung buhok ni Timothy..
"Oo naman. Sabihin mo din sa mommy mo na wag akong papaiyakin ha?"
"Mommy, don't make tito cry, ok? Be a good girl. "-
Tinap ni Timothy yung ulo ni Cath kaya tumawa kami.
Nagvibrate yung phone ko...
[ Jared. Si Lian... Nandito kami Sa Ospital..]
"Si-sige! Papunta na ako."
"Ano yun?"- Cath
"Si Gian tumawag. Nasa Ospital daw si Lian."
Tumayo na ako.
"Sama ako."
"Wag na. Dito ka na-"
Naputol ang pagsasalita ko kasi nagsalita ulit si Cath.
"Sasama ako sabi!Ah ano... Wag mo na akong hintayin."
Tsaka niya ako hinila palabas .
"Jared! Wag masyadong mabilis! Baka madisgrasya tayo!"
Binagalan ko naman ng kaunti yung pagdradrive ko.
Pagkadating namin sa ospital, naghagdan nalang kami kasi nasira yung elevator.
"Si Lian???"
"Nasa loob"
-Light
Pumasok naman agad ako sa favorite room ni Lian.
Ang 444
"Lian!"
Lumapit ako kay Lian na nakangiti pero mukhang nanghihina.
"Ok lang ako kuya."
"Ano bang nangyari?"
"Kanina. Sinugod siya dito kasi nakita siya ng katulong niyo na nakahilata sa sahig ng kwarto niya. Tapos pinagtripan pa ako. Tapos kanina inatake nanaman."
Pagpapaliwanag ni Gian.
"Lian"
Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama ni Lian at hinawakan ang kamay niya.
"Kuya. Ayaw ko. Alam mo namang namimiss ko na si Mama."
"Li-"
Nagulat kami kasi biglang kumalabog yung pinto.
"Lian! What happened?!"
Si papa...
Umalis ako sa pwesto ko at doon umupo si Papa.
"Bumalik yung sakit niya"
sabi ko kay papa ng makaupo na siya.
"We'll have the operation as soon as possible"
"Ayaw ko."
"Why?! "
"Na-namimiss ko na si Mama... Atsaka wala naman na akong rason para mabuhay."
"Hindi ba kami sapat na rason Lian?! Nandito pa naman kami eh! Hindi ka naman namin iniwan diba?!"
Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Light.
"Kuya.. Hindi naman sa ganon... Pero.."
"Ano?! Dahil wala na si mama?! Dahil namimiss mo siya?! Sa tingin mo hindi namin siya namimiss?! Ikaw lang ba nawalan?! Lian.. Nawala na si Mama... Iniwan na nga niya tayo.. Pati ikaw gusto mo iwan kami?! "
BINABASA MO ANG
INFLUENCED ME
Teen FictionYung sobrang hindi ko alam ang isusulat ko dito kasi nasa prologue ko. Ang daming nakakita_ wala namang bumabasa! Pansinin niyo naman po itong istory ko. Tungkol to sa babaeng kapangalan ko. Basta!!! Maganda ang ending promise! Tapos ko na kasing is...