Nagtiptoe siya at niyakap ako...
Akala ko pa naman hahalikan niya ako.
-____-
"Parang kapatid na din kita."
Sagot ko naman kahit hindi totoo. Inaamin ko na sa sarili ko na mahal ko na siya. At aalagaan ko siya kahit alam kong kapag bumalik si Gian, mawawalan na ako ng karapatan.
"Kuya Joseph."
Napangiti nalang ako at pinat siya sa ulo.
"Hahaha. Teka. Marunong ka ba lumangoy?"
"Hindeeee. At ayaw kong matuto. Pasan mo nalang ako."
Nagpout siya.
>\\\< Ang cute niya. Shet.
"Oo na."
Pumunta ako sa harap niya at tumalikod.
"Kung kaamoy mo lang si Gian, iisipin kong ikaw siya eh."
"Mabaho ba ako?"
"Mabango. Pero iba yung bango ni Gian."
=___=
"Ano bang pabango niya?"
"Wala. Yung pawis lang niya."
Okay. Balak ko pa naman sanang bumili ng pabango kahit gaano kamahal.
"Eh ano bang sabon niya?"
"Kahit ano basta daw madulas."
"Shampoo?"
"Basta daw bumubula eh."
=___=
Sabi ko nga. Gagamit ako ng surf, mabula yon.
"May chance ba na mahalin mo din ako?"
Tinignan ko siya habang nakapatong lang yung baba niya sa balikat ko.
Unti unti kong nilapit ang mukha ko sakanya hanggang sa lumapat na ang labi ko sa labi niya.
Hindi tumagal ng 5 secs at nilayo niya ang mukha niya.
"H-hinalikan mo ako?!"
"Sorry. Sorry. Hin-Hindi ko sinasadya."
"Wag mo ng uulitin. Please. Pinagkakatiwalaan na kita. Huwag mo na akong ikikiss ulit. Paano kung biglang dumating si Gian? Ano naman sasabihin niya? Ha? Please."
"O-oo. Sorry. Hindi na mauulit."
"Tara na. Nilalamig na ako."
Pinasan ko siya hanggang sa makapunta kami sa hagdan.
Ihinatid ko na siya sa kwarto niya.
"Um. Joseph. Papili ng damit. Hindi ko makita eh."
Lumapit naman ako sa closet niya. Ngayon ko lang napansin tong necklace na may singsing na pendant.
"Ang ganda naman. Bigay ni Gian?"
"Nakikita ko eh noh?"
Nga naman. Ang tanga.
"Wala, ito na oh, shirt at short, kasama na tong mga panloob mo. Maligo ka na. Tawagin mo lang ako pagkailangan mo ako."
Iniabot ko na sakanya yung mga kinuha ko.
Hayyy. Makaligo na nga rin.
Iniwan ko na siya doon at pumunta na sa kwarto ko para maligo na din.
Inabot din siguro ako ng isa't kalahating oras ng pagshoshower.
"Tapos ka na?"
0_0
BINABASA MO ANG
INFLUENCED ME
Teen FictionYung sobrang hindi ko alam ang isusulat ko dito kasi nasa prologue ko. Ang daming nakakita_ wala namang bumabasa! Pansinin niyo naman po itong istory ko. Tungkol to sa babaeng kapangalan ko. Basta!!! Maganda ang ending promise! Tapos ko na kasing is...