CHAPTER 13: THE TRUTH

3 2 0
                                    

ZXIYANA'S POV

Binitawan kona ang kamay ni charles at tinitigan sya "Anoba? bat ba kung kani kanino ka nagpapakilala, ikakasal kana kung sino sino pang babae kinakausap mo!" sabi ko, lumayo muna si hailey para makapag usap kami.

"No, you're wrong, hindi ako nakikipag meet sa iba, i was just shocked dahil bigla nyakong nilapitan, Teka pumapayag kana ba sa kasal natin?" tanong nya
at agad akong nagdalawang isip sa isasagot ko sa kanya. "No! Still no, and never" sagot ko

Lumapit sya sakin at nagtatangkang yakapin ako, tinulak ko sya agad at mukang nasaktan ko sya ng pisikal sa ginawa ko, na guilty ako at agad na nag sorry!

"Zxiyana, please tell me what's wrong with me? bat kailangang ipagpalit moko kay phoenix?" tanong nya at agad na lumuhod sa harap ko para makiusap, para
akong sinasaksak sa dibdib habang tinitignan si charles na nakaiyak at nakaluhod

"Zxiyana!! Please! Just let me love you, ipapakita ko sayong walang kulang sakin!" sabi nya, diko na napigilan ang sarili kong umiyak sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, itinayo ko sya at pinunasan ang luha nya.

"Charles, we're not meant to be. Please stop begging a person who doesn't deserve you!" sabi ko sa kanya habang umiiyak

"No!, You do zxii you do deserve me please! Ano bang mali sakin huh sabihin mo! utang na loob!" pasigaw nyang sabi

"Gusto mong malaman huh!" sabi ko at agad na tumakbo papalapit si hailey sa amin "Zxii no" sabi ni hailey

"Let her tell me all hailey! ano? anong sikretop meron kayo huh!" sabi ni charles habang tuloy tuloy parin ang pag iyak nya

"Charles, May amnesia ka! Nagka amnesia ka nung panahong madisgrasya tayo ng dahil sa letseng babaeng yan! OO si KAYE! SI kaye ang dahilan kung bakit!
Hindi kita masisisi non dahil sobrang mahal na mahal mo si kaye kahit na engaged kana saken! Sya at sya parin ang palagi mong hinahanap! Sya palagi ang mahal
mo, at ako? Charles, inietyapwera molang naman ako palagi dahil sa kanya! Palagi akong nakikiusap sayo na mahalin morin ako pabalik pero ayaw mo! Halos ibigay
kona lahat sayo noon charles para lang mahalin ako pero si KAYE! SI KAYE LANG ANG PALAGI MONG BUKANG BIBIG! Hanggang sa dumating yung point na madisgrasya ka hinayaan mokong muntik mamatay para mahabol si kaye! Pero palaging pinapamuka sayo ni kaye na ayaw nya sayo, oo nadisgrasya ka dahil sa paghabol sa kanya papuntang airport! At dun nagsimulang wala kanang maalala!" kita ko ang gulat at lungkot sa mga mata nila charles at hailey, tatlo kaming umiiyak ngayon pero
alam kong sa parte ko ang pinakamasakit.

"Sabi ng mommy mo! Mas malaki daw ang chance ngayon na matuloy ang kasal natin dahil may amnesia ka! Pero tinanggihan ko lahat yon! Nagpanggap akong hindi
ko kilala ang mga montenegro! Inayawan kita kahit alam kong tama sila, may amnesia ka at anytime pwedeng ituloy ang kasal natin pero ayoko nang ipagsiksikan
ang sarili ko sayo! Dahil sobrang sakit, inisip ko noon na baka kahit kasal na tayo, biglang bumalik lahat ng ala ala mo, na marealize mong hindi pala ako yung
totoong mahal mo! Ngayon alam mona charles! Sa tuwing makikita kita bumabalik lahat ng sakit na dinulot mo sakin! Naging doble pa ngayon dahil bumalik ang
pinakamamahal mong babae! Sana masaya kang nalaman na minsan mong nasaktan yung babaeng mahal mo ngayon!" Umalis akong umiiyak at iniwan silang dalawa
sa park.

Sobrang sakit! Hindi ko alam pano ko pa nasabi lahat ng yon habang nararamdaman kong sobrang bigat sa pakiramdam, Magmula ngayon hindi na matutuloy lahat ng plano
namin ni phoenix! Maiiba na ang lahat. Dumeretyo uwi na ako upang makapag pahinga ng maayos at para narin makapag isip isip.

-------
END OF CHAPTER 13
Don't forget to vote lalabs!!!

Unpredictable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon