Doble ang sakit.
Mama si ate umiiyak sumbong ng bunso ko.
Bakit ano problema. Tugon ko
Ma hindi po muna ako papasok masakit po tiyan ko...sabi ng ate nya..
Napapansin ko nag unti unti pag bagsak ng katawan nya naalarma ako kong kyat dinala ko xa sa dr nya sa endocrinology gawa ng kanyang tyriod inicip ko na baka lumala.
Ok lahat ng laboratory nya.. hindi na nag aactive yong tyriod nya.
Ilang araw siyang hindi pumapasok sa school kong kayat nag aalala ako. Kinausap ko xa hindi bilang ina nya kinausap ko siya bilang kaibigan.May problema ba tanong ko sa anak ko.
Wala siyang imik at unti unti ng tumulo ang luha nya. Kong kayat pareho napaiyak din ako dahil mas doble yong sakit para saakin kapag nakikita ko na umiiyak ang mga anak ko..
Wala na po kami ni erwan. Pinag palit nya na po ako sa kaklase nya. Sagot ng anak ko habang umiiyak..
Halos sumabog ang dibdib ko ng mga oras na iyon kong nilaksan ko loob ko upang hindi niya makita na nasasaktan ako.
Anak kong maari ay tanggapin mo ng bukal sa loob mo. Sa loob ng 2 years nyo relasyon kong maari wag mo muna sundan at pag nakatapos kana saka ka na ulit pumasok sa isang relasyon dahil naranasan mo na din nag mag mahal.. tama na dito lang kami ng papa mo. Malapit ng magtapos ng junior high kong kaya pany na praktice nila.
Anak ano oras uwi mo. Tenex ko xa
2pm po tapos na praktice namin. Sagot nya sa tex.
Ok sige kain tayo sa labas intayin ka namin ng papa mo sa mang inasal sa bayan. Reply ko sa knya
Sige po. Reply nya
Lumipas nag ilang buwan mabilis na nakarecover ang anak ko sa tulong namin mag asawa.
Masakit din para samin ang pag kahiwalay nila at sa magulang ng bf nya. Ngunit kaming mga magulang wala magagawa kundi ang sumuporta lang. Mama at papa n din nag tawag nya saamin at welcome xa sa saamin lahat ng family bonding namin ay lagi namin siyang kasama kong kaya kasam n xa sa bilang ng anak..Iniicip ko na lahat ng mga bagay na maganda at pinakita mo at pagtanggap mababaliwala lang dahil hindi na niya mahal ang anak ko.
Mas nasaktan ako dahil minsan sinisisi ko din ang sarili ko kong bakit pinayagan ko siya pumasok sa isnag relasyon. Minsan naicip ko na tama lang na maging kaibigan mo anak mo dahil ang pinakamasarap na pakiramdam yong lahat ng nangyayari sa knila ay alam mo at kilala mo kahit crush nya ikukukwento pa saakin..
Sa ngayon ok na at nakarecover na masaya na nag anak ko na minsak nalugmok sa pagkakahiwlay nila wlang ibang tutulong sa mga anak natin kung hindi tayong mga magulang.
Minsan naicip ko din nag pinag daanan ng anak ko na dian joy.
10days ko palang siyang pinapanganak nagkasakit na xa ng sipses..agaw buhay siya. Ng panahon na un ngunit lumaban..at napagaling xa ng pedia nya n si dra santiago..
10years old namn ay na degue at kinailangan nya masalinan ng dugo. At pag dating ng 11 years old nadetect naman na may tyriod. Lahat ng yon ay nalampasan nya kaya kaya pa din makarecover sa sakit ng puso nya dulot ng pagka bigo.
Ngayon bumalik na yong sigla nya at gumanda pa lalo ang kanyang katawan. Isa ako sa pinakamasaya bg makita ko siyang masaya ngayon at minsan siya nag nag sasabi na ako daw ang hindi nakaka move on.heheheh
