Religious.
Pumasok ang 2 kong anak sa cimbahan ng ilang buwan upang maging ganap silang kasapi ng organization ng altar night marellos, and marellets..
Mama malapit na po kami ma invest. Aatend po ba kayo. Tanong ng aking bunso.
Oo anak mag papa alam ako sa boss ko. Tugon.
Isang karangalan saakin ang mapabilang ang aking 2 anak na babae sa ganung organization ng cimbahan..
Lahat ng hilig ng aking anak suportado ako ang pag pasok nila sa miniband ay sinoporthan ko din.
Mahirap man kami naibibigay ko at naipapadama ko sa mga anak ko nag pag mamahal ko sa knila kahit ako ay may trabho.
1993 ay pumasok ako sa cursillo. Napasama lang ako sa aking kaibigan.. sa ilalim ng folowers of Crist..
Sa loob ng 4 na araw at 3 gabi ko pamamalagi sa loob ng cursillo house. Don ko natagpuan ang aking sarili at pinalaya ko ang lahat ng sakit na nararamdman ko.
Nawala yong mga tanong sa icip ko kong bakit ako iniwan ng aking mga magulang sapagkat ng nag dlaga at binata kami magkakapatid ay naboo naman kami at nagka sama sama.
Napaka bait ng aking mga magulang. Nagkataon lng tlaga na kinailangan nilang lumayo.
Hindi na ako nag tanong sa sarili ko ng bakit??? Dahil c kristo ay pinapasok ko na sa puso ko at untu unti nya itong ginamot upang mag hilom ang sakit na nararamdamn ko.
Patuloy akong sumama sa mga activity ng cursillo namin. Kapag may oras ako.
Lumipas dalawang dekado. Ay pinasok ko din ang aking 2 anak na babae sa cursillo na kong saan nagkaron ng klase..
Mama bakit po kami papasok eh member na po kmi ng marellets.. tanong ng aking bunso.
Anak mas kailangan nyo to. Lahat ng mabuting bagay ay mabuting gawain ay dapat maranasan nyo upang kung dumating man mga pag subok sainyong buhay ay magiging matatag kayo. Tugon ko saaking bunso.
Dahil inicip ko na hindi lahat ng oras ay nasa tabi nila kami ng aking asawa. Kong kayat hianhayaan ko sila na makisalamuha at maging open sa lahat ng bagay.. hindi man ako perpektong ina dahil kong minsan ang aking bibig ay hindi ko mapigilan na mapag sabihan sila. Kapag may mga mali silang ginagawa. Kailangan itama upang di na ulitin.
Kinaibigan ko lahat ng kaibigan ng mga anak ko at kaklase nila. Kapag may activity a school o sa labas ay minsan sa bahay sila gumagawa ay nakikipag kwentohan din ako sa mga kaklase nya. Ngunit ang iba takot saakin at kita nila kong pano ako magsalita.
Araw ng linggo sama sama kami kapag sumisimba ng aking mga anak.
Lord salamat po sa mga anak na ipinag kaloob nyo saamin mag asawa wla na po akong mahihiling pa. Qouta na po ako. Dasal ko tuwing sumisimba kami.
Taon taon ay ginaganap ko ang mag pabasa ng mahak na pasyon. Ibinigay na saakin ng aking magulang ng ako ay nagka pamilya.
Sinosoportahan nalang nila ako at ng aking mga kapatid.
At kong minsan ay umuuwi pa ako sa bicol upang mag cimba sa HINULID.
