Chapter 1: Chandria

79 4 0
                                    

Ako si Chandria. 14 years old, and Grade 8 na ako. Consistent honor student, talented, and financially stable. Para bang nasa akin na ang lahat, but the problem is, panget ako, physically.

"Ang yaman mo pero ba't ang pangit mo?"

"Ba't 'di ka magparetoke? Gamitin mo kaya yang pera mo"

"Magpa derma ka kaya? Ang dami mong tigidig''

Ilan lang 'yan sa mga araw araw kong naririnig sa school. At hinding hindi nila ako macoconvince na magparetoke or what. I want to find true love.

// Love is not about loving your physical looks but loving one's soul.//

Hindi pa ako nagkaka boyfriend sa kadahilanang, panget nga ako. May mga naka rs ako sa rpw, pero hindi ko nakatuluyan dahil nakita nila yung itsura ko. Well, I guess love can wait naman.

*7:00 am

I was running late for class. Agad agad akong bumangon at nag ayos para maka abot pa sa klase namin.

-- Damn it.

I forgot. Practice lang pala ng recognition namin, and pwede kaming malate and pwede kaming hindi pumasok dahil wala kaming masyadong gagawin dahil hindi naman kami gagraduate.

Pauwi na sana ako after lunch dahil bored na bored na ako pero hinila ako ni Alexandra, may childhood bestfriend na kumain muna kami ng streetfoods sa kila Aling Marissa.

"10 pesos na kwek kwek nga po."

"Akin po 15 pesos na fishball"

"Salamat po."

Umupo kami ni Alexandra sa bench at pinag usapan ang plano namin sa darating na summer.

"Uuwi ulit kami ng family ko sa probinsya this summer, sama ka?"

"Nako, parang hindi ako makakasama ngayon. Papuntang States sila mama buong summer at opportunity ko na toh para makapag isa." Tugon ko sa pag imbita ni Alexandra.

"Sige ikaw bahala, mamimiss kita."

Sabay kaming umuwi ni Alexandra dahil magkalapit lang naman ang bahay namin dito sa subdivision.

Lumipas ang ilang linggo ay recognition na namin. As usual, Top 1 ako habang si Alexandra naman ay Top 2.

"Uy congrats Chachan!"

''Congrats din Xaxan!"

After recognition ay lumuwas na sila Alexandra at umuwi sa Cavite, samantalang ako ay naiwan dito sa Maynila. As planned, nagstay ako sa bahay mag isa. Pero nabored ako kaya tumambay muna ako kila Aling Marissa.

"10 pesos pong kwek kwek"

"Oh, ineng ba't parang hindi mo kasama si Alexandra?"

"Ah, umuwi po kasi silang Cavite eh."

"Ah sige, eto na yung kwek kwek mo."

"Salamat po."

Nang makuha ko na ang kwek kwek ay naglakad na ako pauwi nang bigla akong matamaan ng bola sa mukha.

"Ay sorry miss"

"Bayaran mo yung kwek kwek ko!" Nakakahiya man, pero yun ang unang nasabi ko sa kanya.

"Pre! Balik ka na dito!" Sigaw ng kasama niya.

Hinagis niya ang bola pabalik sa tropa niya. Pagkatapos ay muling lumingon sa akin.

"Miss, magkano ba yung kwek kwek na yun?"

"10 pesos."

Sinamahan niya akong bumalik kila Aling Marissa at umorder ng kwek kwek.

~Ang kapal ng mukha ko grr. Pero ang gwapo niya as in. Nakaka star struck. Pero teka---- parang schoolmate ko siya? Sa laki banaman ng school, hindi ko pa kilala lahat hehe.

"Cywell nga pala, and you are?" Saad niya habang inaabot ang kamay para makipag handshake.

"Chandria" tugon ko at nakipag kamay sa kanya.

"Nice to meet you, Chandria. Uuna na ako, may laro pa kami eh. Nabayaran ko na yung kwek kwek mo ha? Wala na akong atraso sayo. Bye beautiful." At siya'y umalis na.

~He called me beautiful despite of my haggardness? Wow. First time haha.

•Summer after high school when we first met~

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now