Sinundo ako ni Timothy sa bahay at tinulungan maghakot ng ilang mahahalagang maleta. Ang ibang gamit ko ay ipapadala nalang sa akin next week.
"Feel at home." Ani Timothy nang makapasok kami sa loob ng condo nya.
"Thank you. Saan ang room ko?" Tanong ko.
Hinila nya ang isa sa mga luggage ko at sinenyasan akong sumunod sa kanya.
Umakyat kami sa 2nd floor at binuksan ang isang bakanteng kwarto doon.
"You can stay here. This is the guest room. It's spacious enough for your stuff."
Iginala ko ang paningin ko sa kwarto at pumasok sa loob. Tiningnan ko agad ang mahabang dressing room at mga cabinet. Malalaki ito at halatang sinadya ang pagkakagawa.
"Not bad." Nakangiti kong komento. My clothes,bags, and shoes will probably fit well.
"We have a furniture business. It's a must." Pagmamalaki nito.
Tumingin ako sa kanya and smiled playfully. "You are being too nice to your business partner , Mr. Fuentes. Why is that?"
Ipinasok nito ang mga maleta sa kwarto at lumapit sa kinatatayuan ko hanggang kalahating metro nalang ang pagitan namin. "Don't pretend you don't like it. I can see through you." Pilyong sagot nito.
Binura ko ang ngiti sa mukha ko at inirapan sya. "Of course. I deserve this treatment. I'm your lucky bride after all."
"Yes, princess." Napataas naman ito ng kamay senyales ng pagsuko sa debate. "Fix your things first and wash up, let's talk after you're done. I'll be waiting at the living room."
Nagpaalam ito at bumaba ng hagdan. Nilipat ko ang ilang laman ng maleta sa cabinet. Matapos niyon ay dumiretso ako sa banyo para magshower. I put on a comfy white tshirt and maong shorts and went to the living room.
Nagbabasa si Timothy ng isang business article sa laptop nya nang makita ako. Itinigil nya iyon at napatitig sa suot kong pambaba. Napakunot ang noo nito.
"Seriously? You can't wear that with me here." Puna nito.
"What?" I looked at my shorts. Hindi naman masyadong maikli ang suot ko pero hindi rin naman ito lumampas sa tuhod. It's pretty decent for me.
" Ito lagi suot ko sa bahay. I've been living with men for more than 20 years. They've got no problems with this."
Ibinaba ni Timothy ang laptop sa sofa. "It's a problem to me. Change that." Madiing utos nito.
"Whoa, nasa modern era na tayo, Tim. May problema ka parin sa suot ng mga babae. I can't believe this!" Reklamo ko sa kanya nang nakapamewang.
"Look here, Kiara. I can undress you anytime if that's what you want. But don't test my patience."
Natameme ako sa sinabi nyang iyon. Dali dali akong umakyat ulit ng kwarto at ibinagsak ang pinto.
"That jerk! What does he mean by that?!" Nangigigil na bulong ko sa sarili. "Don't you even dare!"
Nagpalit ako ng black leggings. Siguro naman wala na syang reklamo dito. Bumaba ulit ako at rumampa sa harap nya. "Happy?"
"Better." Sagot nya. "Sit."
Di ko namalayan ang mabilis na pagsunod ko dito. Teka, sino sya para utusan ako na parang aso?
"So, when is the engagement announcement? I want to get over this as soon as possible." Pabalik kong utos sa kanya.
Patuloy naman ito sa pagtype. "Rushing to marry me?" Biro nito nang hindi inaalis ang mata sa computer.
"Dream on." Sabat ko.
Ngumiti ito at isinara na ang laptop nya. "We have to go through some processes first."
Napaisip ako at naalala ang mga nakalista sa contract nya.
Nagpatuloy naman ito sa pagsasalita.
"We have to prepare the dating photos to the media this week. Let's tell them were dating for a year now, then, announce our engagement the week after the circulation of the news."Tumango ako sa kanya. "Sige. Pero pano tayo lalabas? Marami paring umaaligid sakin."
"I have my ways. We can travel via helicopter. This building has a landing area sa rooftop." Paliwanag nito.
"Is that safe?" Pagalalang tanong ko.
"Of course. Our company will get the best aircraft and the best pilot." Panigurado nya.
"Okay, Kelan?"Tanong ko.
"Weekend."
A week has passed matapos ang usapan namin ni Timothy. We rarely see each other because of work. Sa gabi naman ay madalas magovertime si Timothy habang ako ay busy sa panonood ng drama sa kwarto at hindi ko na napapansin ang pagdating nya. But today is a Saturday, will this be the day?
Narinig kong bumukas ang pintuan sa living room. Mahina kong binuksan ang pintuan at sinilip kung si Timothy nga iyon. It's half past 2pm. Pumasok ito sa office kanina pero umuwi din ng maaga ngayong araw.
Lumabas ako at binati sya. "Tim! Is it today?"
Lumingin naman ito at tumango. "Yes. Prepare and pack some comfy clothes." Bilin nito.
Excited akong pumasok sa loob at nagpalit ng damit. Actually, naprepare ko na in advance ng mga dadalhin ko sa araw na iyon. Nagayos ako ng buhok at naglagay ng light makeup. Naka white&blue checkered blouse ako at black maong pants. I will also put on rubber shoes. Mahirap na, kailangan handa ako sa helicopter at kung saan mang pupuntahan namin.
Bumaba ako sa living room at naabutan si Timothy na nanonood sa TV. Nakablue maong pants naman ito at black polo shirt. Para tuloy kaming magkaterno sa suot.
Napangiti ako at sinita sya. "Mukhang sinadya ang suot natin,ha?"
Natigilan naman ito at napatitig din sa suot naming dalawa. "Match made in heaven?" Pilyong biro nito.
"Match made for business!" Correction ko.
Kiara, wag mong dibdibin ng sobra. Both of us just need each other right now.
"Smart girl. Come on. The helicopter will be here in 10minutes." Anunsyo ni Tim sabay dampot ng backpack namin.
"Where are we going?" Usisa ko.
"Horse-back riding."
"What?!"
Sumakay kami ni Timothy sa helicopter at tahimik na nagmasid sa paligid habang nasa ere. Kita ko ang malalaking gusali na unti unting lumiliit sa pagangat pa ng sasakyan. I was smiling during the whole time. I looked at Tim and caught him looking at me. Tinitingnan nya siguro kung masusuka ako or matatakot. Well, not me. I love flying. Traveling is my second career. But I admit, it's the first time na sumakay ako sa helicopter.
Unti-unting napalitan ng berdeng kulay ang attraction sa baba namin. Malapit na kami sa Tagaytay. Sa Makati ang condo ni Tim, mabuti naring sa Tagaytay kami para mabisita ko rin sila Mama.
This date might just be an initial step to our business partnership. But why am too excited? Knowing that Tim will be spending time with me the whole day is making my heart flutter.
Tumigin ulit ako kay Timothy at nakitang nakangiti ito sa akin na may nanunuyong mga mata.
Hinigpitan ko ang seatbelt ko. Kumapit kang mabuti, Kiara.
Bawal mahulog, okay?
BINABASA MO ANG
One Lucky Bride (Ongoing)
RomanceNabulabog ang tahimik na buhay ni Kiara nang biglaan nalang syang pag-agawan ng mayayamang bachelor sa Pilipinas. A prophecy has pointed her as the lucky bride that can bring huge fortune to anyone who marries her. Can she find love in the midst of...