Chapter Three

71 4 1
                                    


CASSANDRA'S POV~

" Tita Hailey! Ninong Calvin!"

Yes, you heard it right. Bumalik na sa Pilipinas sila Hailey and guess what? Dito lang naman agad sila sa bahay dumeretso pagkalapag ng eroplano tsk.

" Hoy Bruha! Tong anak mo bat ang ingay?" salubong ang kilay na tanong sakin ni Hailey

" Nagmana sayo"

Baka nagtataka kayo kung bakit Tita lang ang tawag ni Cassy kay Hailey Samantalang kay Calvin naman ninong? Wala lang yan. Dalang kaartehan lang ng bruhang si Hailey, feeling nya daw kasi ang tanda nya pag tinatawag na Ninang, tsk.

" Asan si Pareng Kyle?" tanong ni Calvin ng makaupo kami sa couch

Hinayaan na lang muna naming maglaro yung tatlong bata

" Work. Pero naitext ko naman na sya, im sure uuwi agad yun"

" Hays, buti pa si Kyle ang sipag mag trabaho samantalang tong si Calvin napakatamad. Exchange nga tayo ng asawa Cass"

Siniringan ko naman si Hailey

" ASA"

" Hailey-babes naman, pinagtatabuyan mo naman ako eh"

" Andrama pa! Aish"

Napailing-iling na lang ako

" Hoy Bruha, Hanggang ngayon ang pakipot mo parin! Samantalang dati naman naghabol kadin kay Calvin"

Nanlaki ang mata ni Hailey dahil sa sinabi ko

" Wala akong natatandaang ganyan Cassandra"

" Really? Gusto mo IDETALYE ko pa? Gusto mo tawagan ko din si Kevs para isa-isahin yang kadramahan mo?"

" Sige! Sige! Tawagan mo si Pareng Kevin bilis!"

" Manahimik ka jan Asungot!"

" Hahahahahahaha!"

Napabaling ang tingin naming tatlo sa kay Cassy na ang lakas ng tawa

Naglalakad na silang tatlo ngayon papalapit saamin.

" Hmm? You okay Kaede? Why is your face so red? "

Hinawakan ko ang noo ni Kaede pero di naman sya mainit.

" Mommy, He's blushing po" natatawang singit naman ni Cassy

" Huh? Blushing?"

" Eh kasi po mommy, nag confess po kasi si Kuya kay Cailey hahaha but Cailey said she don't feel the same way and she like kuya as a friend lang po hahaha" Humarap sya kay Kaede " Keep working hard Kuya"

" Aba. Mukhang magiging mag kumpare na talaga kami ni Kyle someday hahaha" biro ni Calvin

" Ako muna liligawan ni Kaede bago yang si Cailey" matigas na sabi naman ni Hailey

Mukhang mahihirapan tong baby boy ko kay Cailey ah?

" Hoy bruha, di ka type ng anak ko"

Napatawa naman si Calvin dahil sa sinabi ko

Napatigil lang si Calvin sa pagtatawa ng tignan sya ni Hailey ng masama

" Daddy!"

Agad na tumakbo si Cassy papalapit kay Zayden at agad naman syang sinalubong ni Zayden ng yakap

" Pareng Kyle!"

" Kailan pa kayo dumating?" tanong ni Zayden paglapit sa amin

Binaba nya naman si Cassy at saka sya yumukod para halikan ako sa labi

ACQKM 2 : BORN FOR YOU ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon