ZAYDEN'S POV~Maaga akong umuwi sa bahay dahil gusto kong tulungan ang asawa ko. Alam kong nahihirapan sya lalo na at tatlong bata na ang inaalagaan nya
" Daddy!"
Agad na tumakbo si Cassy pasalubong sa akin at agad ko naman syang sinalubong ng yakap
" Where's your mommy?" tanong ko kay Cassy matapos ito halikan sa ulo
Tahimik lang na nakaupo sa Couch si Kaede at may hawak na libro kaya binalik ko ulit ang tingin kay Cassy
" She's with baby Cayden po daddy, sa kwarto po"
" Okay, puntahan ko lang ang mommy nyo ah?"
" Yes po daddy"
Nang madaanan ko si Kaede ay ginulo ko lang ang buhok nito at nagpatuloy sa paglalakad
Pagbukas ko sa pinto, bumungad agad sa akin si Baby Cayden na payapang natutulog sa crib nito
Asan naman kaya ang asawa ko?
Nang marinig ang mahinang pag bagsak ng tubig na nagmumula sa bathroom ay alam ko na agad ang sagot sa tanong ko
Nagpalit muna ako ng damit at sakto namang pagkatapos ko ay ang paglabas ni Cass sa bathroom
Tanging tuwalya lang ang suot nya kaya naman ang hot nya tignan. Ugh. Lagi naman syang hot sa paningin ko.
" O-oh, hubby. You're here na pala"
Lumapit ako sa kanya at saka sya binigyan ng isang masuyong halik sa labi
" Hmm. You okay, wife?" tanong ko sa kanya ng makitang medyo kinakabahan sya
" Im fine. Nagulat lang ako kasi anjan ka na pala haha"
Nginitian ko na lang sya bago ulit halikan sa labi
Humiwalay sya sa akin para kumuha ng damit sa closet
" Wife, wag ka na muna magsuot ng damit"
Natatawa namang lumingon sa akin si Cass
" Magtigil ka nga Zay. Baka magising yang si Cayden oh"
Napabuntong hininga na lang ako sa pang hihinayang
" Hubby, ikaw muna mag bantay kay Baby Cayden ah? Magluluto lang ako ng dinner natin"
" Sure. Ako na bahala"
CASSANDRA'S POV~
Wala pa ako sa kalahatian ng pagluluto ko pero nakakaramdam na agad ako ng pagod
Madami ba akong nagawa ngayong araw kaya ang bilis ko naman yata mapagod ngayon?
" Mommy! What's for dinner po?"
" Tinola and Fried chicken, baby."
" Wow! Fried chicken!"
Napailing na lang ako dahil nag iingay na naman si Cassy. Tong batang to talaga. Ays.
Makalipas ang ilang minuto ay tapos na ako sa niluluto ko kaya naman mabilis kong tinapos ang paghahain at tinawag ang mag aama ko
" Kain na tayo, lalamig yung pagkain di na masarap yun" pambobola ko pa
Agad namang pumunta ang kambal sa dining room
" Hi baby Cay, come here baby, ako naman ang kakalong sayo baby"
Akmang kukuhanin ko na si baby Cayden kay Zayden pero agad na tumanggi ang loko
" Ako na, I know you're tired and ayoko ng mapagod ka pa"
Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni Zayden. Ang sweet talaga ng asawa ko
Tumango na lang ako bago kami sumunod sa kambal na nasa dining room na
" Cassy, dahan-dahan sa pagkain" sita ko kay Cassy ng makitang kumakain na agad ito at si Kaede naman ay parang sinadya kaming intayin bago magsimula sa pagkain
" Yeessh pwo mwammy!"
" At diba sabi ko rin sayo wag kang magsasalita ng puno ng pagkain ang bibig?"
Napapout naman si Cassy at di na nagsalita pa dahil puno nga ng pagkain ang bibig
Ang tigas talaga ng ulo ng batang to, ays.
Pinaglagay ko si Zayden ng pagkain sa Plato nya at saka kami nagsimulang kumain
" Aww. He's so cute! " nanggigigil na sabi ni Cassy habang nakatingin kay Cayden na sinusubuan ni Zayden
Mukhang nasa 7 months naman na si Baby Cayden kaya paunti-unti na namin syang pinapakain ng kanin
" Waah! Look! He's smiling at you, kuya!" biglang pag tataas ni Cassy ng boses
" Wanna play with me, lil' bro?"
Pare-pareho kaming nagulat ng mag 'giggle' si Baby Cayden
" Aba. Mukhang magkakasundo si Baby Cayden at si Kaede" komento ko at napatango-tango naman si Zayden
Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nag hawak kay Cayden, dinala ko sya sa kwarto namin ni Zayden at nilagay sa crib nya
Sumunod naman sa akin ang kambal para makipaglaro kay Cayden at si Zay naman ang nag prisintang mag hugas ng pinag kainan namin
Masaya kong pinag masdan yung tatlong bata na masayang naglalaro.
Ang sarap nila tignan. Di nakakasawa.
Maya-maya lang ay pumasok narin sa kwarto si Zayden
" Mom, can we sleep here tonight?"
" Sure baby, okay lang." sagot ko kay Kaede
" Yeeyy!" tuwang-tuwa namang sigaw ni Cassy
Ilang sandali pa nakipaglaro yung kambal kay Baby Cayden hanggang sa tinulugan na sila ng kalaro nila kaya naman pinahiga narin namin ang kambal para matulog
" Let's sleep hubby. Good night"
Hinalikan muna ako ni Zayden sa labi bago sumagot
" Good night, wife. I love you"
Tumingin muna ako saglit kay Baby Cayden
" Good night baby"
Katulad ng dati, Nasa gitna namin ni Zayden ang kambal.
Dahil sa pagod ay nakatulog rin naman ako agad pero di ko alam kung ilanh oras na ang nakalipas ng magising ako sa pakiramdam na sobrang init.
Dahan-dahan akong bumangon, nag iingat dahil baka magising tong mga katabi ko.
Nang tuluyan akong makatayo ay saka ko lang naramdaman na sobrang basa na pala ng damit na suot ko dahil sa matinding pawis
Bukas naman ang aircon at saka hindi ako mapapawisin. Tanging ngayon lang ako pinawis na naging dahilan pa ng pagkabasa ng damit ko.
Siguro, sobrang init lang talaga.
Kumuha na lang ako ng panibagong damit sa Closet at saka ako nagpalit.
Pagkatapos ay agad din akong bumalik sa pagkakahiga ko at tinuloy ang pagtulog.
***
A/N : Di ko talaga alam kung paano ko tatapusin ang isang chapter. Hays.
BINABASA MO ANG
ACQKM 2 : BORN FOR YOU ( COMPLETED )
FanfictionTandaan! HINDI LAHAT NG LOVE STORY NAGTATAPOS SA HAPPY ENDING .