ZAYDEN'S POV~" Daddy, you okay po?"
Binaling ko ang tingin kay Cassy na nakikipag laro kay Cayden na nasa loob ng crib
" Yes princess, okay lang ako"
" Okay po daddy, sabi nyo eh"
Nginitian ko na lang si Cassy bago tumingin sa pinto ng kwarto namin ni Cass
Ang bilis lumipas ng araw. Bukas na ang birthday ko, at sa bawat nagdaang araw din, may napansin akong pagbabago kay Cass.
Ayokong mag isip ng kung anu-ano pero hindi ko mapigilan.
Bawat araw na lumilipas ang laki ng binabagsak ng katawan, ayaw man nyang ipahalata pero napapansin kong mabilis syang mapagod kumpara sa dati. Namumutla rin ang balat nya, ilang beses ko na syang kinumbinsi na pumunta sa hospital para magpatingin pero ayaw nya, kahit anong gawin ko tumatanggi sya.
Sana okay lang sya, sana wala lang yung mga yun, dahil kung meron man, sana sinabi nya na sakin diba?
Nabalik lang sa katinuan ang isip ko ng makita si Cassy na patalon-talon dun sa kama namin ni Cass
" Princess, careful okay? Baka malaglag ka"
At dahil sya si Cassidy Lex Lanforde na walang kasing tigas ang ulo, di sya nakinig sakin bagkus ay kinuha nya pa yung unan ni Cass at binato sa walang imik nyang kapatid na si Kaede
" Aww!" daing ni Kaede
" Hahaha you're so lampa talaga kuya!" tatawa-tawang pang aasar ni Cassy
Tinignan naman sya ni Kaede ng masama bago pumunta rin sa kama at gantihan ang kapatid
Iiling-iling namang kinuha ko sa Crib si Cayden at kinalong
" Baby, you hungry, hmm?"
Tuloy lang ang pakikipag baby-talk ko kay Cayden ng mapansin ko ang isang envelope na nakasingit sa ilalim ng kama namin ni Cass.
Dahil narin siguro sa kalikutan ng kambal ay medyo lumabas yung envelope sa ilalim ng kama
Ibinalik ko sa Crib si Cayden at kunot noong lumapit dun sa may kama
" Wanna join dad?" Tanong ni Kaede pero umiling lang ako saka dahan-dahang kinuha yung envelope
Ano naman kaya to?
Akmang titignan ko na yung loob ng envelope ng biglang bumukas ang pinto kaya agad kong nilagay sa likod ko yung envelope bago lumingon kay Cass na kapapasok
" Lunch na tayo, tara"
" Yey! Lunch time!"
Nauna ng lumabas yung kambal
" hubby? Tara na"
Tumango-tango naman ako kay Cass
" Sunod ako wife, may.. May kukuhanin lang ako"
" Okay, sunod ka agad ah? Saka pwede bang ikaw na lang magdala kay Cayden? Napagod ako eh, ang chubby pa naman ng batang yan kaya ang bigat haha"
" Sure wife, ako na bahala"
" Okay"
Paglabas ni Cass sa room ay mabilis kong tinago sa closet yung envelope saka kunuha si Cayden at sumunod na sa mag iina ko
" Let's eat" panimula ni Cass
Naupo ako sa tabi nya habang kalong padin si Cayden
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng magsalita si Cassy

BINABASA MO ANG
ACQKM 2 : BORN FOR YOU ( COMPLETED )
FanfictionTandaan! HINDI LAHAT NG LOVE STORY NAGTATAPOS SA HAPPY ENDING .